CHAPTER 05

298 6 0
                                    

Opening ng Intrams Week. Sobrang abala ang mga tao lalo na ang student council dahil sa sobrang daming dapat asikasuhin. Hindi kami pwedeng pumalpak dahil masyadong malaki ang expectations ng faculty lalung-lalo na ng mga estudyante sa mga events ngayong taon. July pa lang ay pinaghahandaan na namin ito kaya't dapat lamang ay makuha nila ang kanilang ini-expect dito.

"Van, na-set up na ang stage. Pati yung mga equipment para sa battle of the bands, nakarating na rin. Cue mo na lang ang inaantay para mai-set up na rin sa stage lahat." Sabi ni Catherine. Ang in-assign ko sa bilang stage director. Siya na rin ang nagcontact ng magpoprovide para sa mga kakailanganin sa battle of the bands.

"Very good. Simulan niyo na lahat ng dapat gawin. Ikaw na bahala sa lahat." Tinapik ko ang balikat niya at pumunta muna sandali sa office.

Alas sais palang palang ng umaga ngunit patapos na kami sa pagdedecorate ng stage at ng buong school. Humingi kami ng tulong sa bawat class officers para mas mapadali ito at hindi nga ako nagkamali sa desisyon.

"Oh Van. May problema ba?" Agad na bungad ni Sahara nang makita ako sa pintuan ng office. Nandirito siya dahil abala siya sa pagcontact sa mga guest bands and speaker at pagsecure kung nasa ayos ba ang lahat. She's the president after all. Nandito lamang ako para tingnan kung kumikilos ba ang lahat at siguraduhing matatapos lahat on time.

"Wala naman. Kukuha lang sana ako ng water at gamot dahil sumasakit yung ulo ko. Ilang araw na akong stressed at kinakabahan dahil dito sa opening pa lang ng intrams. Paano pa kaya sa susunod na mga araw?" Pasalampak akong umupo sa couch na nagsisilbing receiving area ng aming opisina.

"Relax. Magiging okay lahat. Tiwala lang." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Sapat na upang gumaan ang loob ko.

"Nasan nga pala si Larry? Akala ko pupunta rin siya ng maaga para makatulong?" Maya-maya ay tanong ko.

"Nako. Umasa ka pa r'on. Tingin mo kakayaning gumising nun ng alas kwatro ng madaling araw?" Napapailing niyang sabi. "Malamang humihilik pa 'yon ngayon. Baka nga ma-late pa 'yon sa ceremony eh."

Knowing Lark, posible ngang ma-late 'yon. Well, he is, most of the time. Ilang beses na ba siyang napatawag sa guidance office because of his tardiness? Kung hindi lang siya nag-e-excel academically, malamang ay napatawag na rin ang mga magulang niya.

Nakarinig naman kami ng mahinang katok kaya't agad ko itong pinagbuksan.

"Mrs. Barkley, good morning po. Pasok po kayo." Nandirito ang aming Principal. As usual. Sobrang aga nitong dumating ng school. Naniniwala kasi itong 'di bale nang maaga, wag lang late.

"Good morning VP and Miss President." Matipid itong ngumiti at nilibot ang paningin sa aming office, palibhasa'y ngayon na lang uli ito nakapasok dito magmula nang grumaduate ang kanyang anak na si Finnegan na dating President ng Student Council. "Ang laki ng pinagbago. Mas lalong umaliwalas ang paligid."

Lumapit siya sa hilera ng mga wall frames ng mga naging presidente ng Student Council for the past fifteen years magmula nang nabuo ang ZPH Academy.

"Mabuti't naisipan niyong maglagay ng ganito in honor na rin sa mga naiambag nila sa ating paaralan." Tumatango-tango siya habang inieksamina ang bawat litrato.

"Si Miss Secretary po ang nakaisip ng idea na 'yan Ma'am." Singit ni Sahara.

"Mabuti't nakikinig kayo sa ideas ng isa't-isa. Kaya't lalong tumataas ang expectations ko sa inyo habang tumatagal. I hope marami pa kayong maitulong sa school na ito bago kayo maka-graduate because to be honest, kayo ang isa sa mga batch na nilampasan pa ang expectations ko."  Muli ay ngumiti ito. But this time, hindi na pigil. "Keep up the good work, kids."

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon