1. The Beginning

1.7K 45 7
                                    

CHAPTER ONE: The Beginning

~

JUNGKOOK

Years ago…

“Ama, ano po ang nangyayari?”

Labing dalawang taong gulang pa lamang ako nang magsimula ang kinatatakutang bagay ng lahat. Wala na. Wala na ang microchip ng Planeta namin. Ito ang nagsisilbing puso at buhay ng Planeta, kung masira ito, mamatay ang Planeta at kasama na kami doon.

“Hindi pa ito sira. Hindi pa nila ito sinisira. Ang puso ng Planeta, maayos pa ito.”

Napag-alaman ko na hindi lamang kami ang naging biktima ng mga Saturnians at Jtians. Tatlong planeta ang hawak nila. Nasa kanila rin ang puso ng YG Planet, Starship Planet at Planet Gotcha. Hawak nila kaming lahat pero naisip ko na may pag-asa pa kami. Ang Planet Earth at ang EXO Planet, maari pa nila kaming tulungan.

“Mag-iingat ka anak.”

Labing limang taong gulang ako ito ang pangatlong taon ko sa walang kwentang paligsahan na ito. Sa paligsahang magiging batayan ng kaligtasan ng aming Planeta. Sa oras na manalo ang Planeta namin sa lahat ng ito, ligtas na kami. Pero may iba akong kutob, wala akong tiwala sa mga Saturnians at Jtians, mautak sila at mapanlinlang. Sa mura kong edad na ito, iyon na agad ang pumapasok sa isip ko. Masama ang Saturnians at Jtians.

“Magandang Umaga,” bati ni King Zero, isang halimaw na nagtatago sa anyo ng isang tao. Isa siyang Saturnians at kaya niyang gayahin ang anyo ng sinoman. Masama siya. Siya ang may pasimuno ng lahat ng ito. Nakipagsabwatan siya sa mga Jtians para paglaruan kaming lahat.

“Ito ang pangatlong taon ng FTCF. Ang paligsahang nilikha para sa inyong lahat. Mga ARMYs na edad 13 hanggang 25, ito na ang pinakahihintay ninyong lahat,” nakangiting sambit ni King Zero, nasa likuran niya si Queen Four, sila ang hari at reyna ng planetang Saturn. Maya-maya pa ay umalis na si King Zero sa harap at si King X naman ang nagsalita, ang hari ng mga Jtians. Nakataklob ang isang malaking tela sa kanyang mukha. Alam kong sa likod ng malaking telang iyon, nagtatago ang isang halimaw.

“Pitong tributes mula sa Bangtan Planet. Ikinagagalak kong ihandog sa inyo ang pitong ARMYs na lalaban para sa inyong lahat, para sa inyong Planeta,” sabi ni King X pero walang kahit isa na pumalakpak. Walang kahit isa manlang na ngumiti. Tapos na ang kaba ng lahat dahil hindi sila ang napili pero natatakot ang lahat para sa mga tributes. Dalawang dalaga, tatlong binata at dalawang bata. Maging ang isang bata ay umiiyak pa.

“Shhh. Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya?” tanong ni King X pero hindi sumagot ang bata. Kitang-kita ko ang pagkatakot nito nang itapat ni King X ang mukha niya sa bata. Napaatras ang bata na naging dahilan ng pagkatumba nito.

“Maraming salamat,” paalam nito at saka sila umalis kasama ang mga tributes. Pupunta sila sa lugar na kinatatakutan ng lahat. Nagsisilbing impyerno ang lugar na iyon, ang pagdarausan ng paligsahan.

---

ALLYX

“Putengeneng buhay ito! Mapapatay ko ang nag-imbento ng poste! Puta! Ang sakit ng noo ko!” sigaw ko habang naglalakad sa kalsada. Ayoko na sa gilid ng kalsada! Futa! Paharang-harang ‘yung poste!

1. Look at the planets that look like you.

Naalala ko na naman ‘yung mga salitang iyon. Birthday ko sa linggo, makikita ko na naman ulit iyon. Ano ba talaga ang ibig sabihin nitong mga ito? Letse! Sumasakit ulo ko kakaisip.

Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon