2. Asdghjkl

872 27 7
                                    

CHAPTER TWO: Asdfghjkl 

~

RAP MONSTER

“PUTANG—Hmp!” sigaw ng babae, ‘yung light pero hindi na siya nagliliwanag ngayon. Nandito kami ngayon sa loob ng bahay nila. Paano kami nakapasok?

Hindi ko alam na kamag-anak pala ni J-HopeHyung si Lupin, may lahing magnanakaw. Aba’t kitamunganamang! Nabuksan ang gate ng walang susi. Nang makapasok kami, may mga tao sa loob kaya kailangan muna silang patulugin ng mga kamao namin, tag-iisang suntok para makapunta sila sa dreamland.

“Game na? Alis na tayo dito?” tanong ni Taehyung.

“ARAY!” sigaw ni Jimin habang hawak hawak ang kamay niyang mukhang kinagat nung babae.

“KAYO ‘YUNG MGA ADIK KAGABI! PUTA! ANONG GINAGAWA NIYO SA PAMAMAHAY KO? RARAPE-IN NIYO BA AKO?! Sinong mauuna? – I mean, MGA PUTANGINA KAYO! LUMAYAS KAYO DITO! IKAW! ANONG NAHIT-HIT MO? BAKIT KA TAWA NG TAWA? ADIK KA TALAGA NOH! IPAPADALA KO KAYO SA CONDO NI DENICE! HUMANDA KAYO! CLOSE KAMI NI OBAMA, IPAPALIPAD KO KAYO PAPUNTANG MARS!”

Habang nagsisisigaw siya, tawa naman ako ng tawa habang ang tatlong pinakabata ay nakatakip ang mata kasama si Hoseok Hyung at sina Jin Hyung at Suga Hyung ay umiiling-iling lang. Letse kasi, nakamalaking shirt at nakapanty lang siya habang daldal ng daldal at may hawak na dustpan. Nakakumot kasi siya kanina sa kama niya nang dumating kami dito at nang idilat niya ang mata niya ay agad na tinakpan ni Jimin ang bibig nito gamit ang kamay niya kaya naman kinagat siya nung babae at bigla itong tumayo sa kama inabot ang dustpan sa tabi niya at parang espadang iwinawagayway ito sa harap niya habang… HAHAHA!

“Miss, nakapanty ka lang,” sabi ni SugaHyung. Nang tingnan niya ito ay agad siyang nagtalukbong ulit ng kumot.

“Wala na bang porn?” tanong ni Jungkook dahil siya lang ang tanging todo takip sa mukha, ‘yung tipong wala talagang makikita habang ang tatlo naman ay nakasilip parin kahit nasa mukha na ang mga kamay nila.

“Wow, akin nalang itong si Super Mario,” sabi ni JinHyung habang hawak ang isang Super Mario stuff toy.

“Anong b-balak niyo?” nanghina ang boses niya. Natakot siguro kay SugaHyung. Seryoso kasi ang mukha nito.

“Hawakan mo ang kamay ko,” sabi ni SugaHyung.

“A-anong ga-gagawin niyo?”

“Tatae,” pabalang na sagot ni Jimin kaya sinamaan ka ng tingin ng babae.

“Tatae ka ba – este hahawakan mo ba ang kamay ko o papatayin ka namin?” tanong ko pero syempre, panakot ko lang ‘yung papatayin.

“PAPATAYIN?!” sigaw niya. Letse naman itong babaeng ito. Hinawakan ko nalang ang kanang kamay niya at hawak naman  ni Suga ang kaliwang kamay niya, naghawak-hawak na kaming lahat at inutusan ko na si Taehyung na pumindot ng numero.

“Anong number? Pwedeng 5, 4, 3 –“

“KAHIT ANO!” sigaw ni SugaHyung. Ito na nga e, palaging nakasigaw itong asukal na ito.

“ONE!” sigaw ni Taehyung dahil sa gulat saka niya pinindot ‘yung tablet.

Nagliwanag ang lahat at alam kong nasa ibang lugar na naman kami, kasama ang babaeng ito.

---

TAEHYUNG

Nang makarating kami sa lugar na ito, nakapaikot kaming lahat sa isang maliit na mesa, nasa sala kami ng isang bahay at nasa harapan namin ang tatlong hyungs kasama ang babaeng… PORN!

Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon