7. Tree Of Life

417 27 2
                                    

CHAPTER SEVEN: Tree Of Life

~

SUGA

Nandito kami ngayon sa planeta kung saan una ko siyang nakita, kung saan nangyari ang mga masasayang araw namin. Tumagal lang iyon ng isang linggo pero parang sobrang tagal na naming magkakilala. Isang taon na ang nakakaraan pero sariwa parin sa puso at isip ko lahat ng pinagsamahan namin at lahat ng pagmamakaawa niya sa akin na sana ay huwag ko siyang iwan.

Kasama ako sa mga napili noon at ngayon ay isa rin ako sa mga napili para sa intergalactic game na ito. Posible iyon at hindi ko masasabing malas ako kasi dahil dito, nakilala ko siya.

*Flashback*

“Hindi! Hindi! Ayoko dito! Bitawan niyo ako!” pagpupumiglas ni Jenivieve sa mga kawal ng Jtians.

“Suga! Parang awa mo na! Tulungan mo ako! Ayoko dito!” rinig ko pang sigaw niya.

“Maari na kayong umalis. Ikinagagalak ko ang inyong pagkapanalo,” bati ni King Zero sa amin at saka siya tumalikod para harapin ang sampung light na nakuha ng mga tributes sa bawat planeta.

“Suga huwag mo akong iwan!” rinig kong sigaw ni Jenivieve. Sobrang sakit ng bawat hakbang ko papalabas na para bang binubugbog ang puso ko sa sobrang sakit. Ayokong umalis, ayoko siyang iwan. Ayokong mawala siya sa paningin ko pero ayokong biguin ang planeta kung saan ay pinagkakatiwalaan ako.

Bago pa man ako tuluyang makalabas sa pintuan ay nilingon ko siya. Nakita ko na hawak siya sa braso ng dalawang kawal at pilit siyang nagpupumiglas. Tumingin siya sa akin at parang tumigil ang mundo. Nagmamakaawa ang mga mata niya na para bang sinasabing ‘Tulungan mo ako’ pero wala akong magawa, wala akong kayang gawin.

“Mahal kita,” bago ko pa man isarado ang pintuan ay narinig ko siyang nagsalita. Narinig ko ang maganda niyang boses na sinabi ang mga salitang inaasam-asam ko na sabihin niya sa akin. Sinabi niya iyon pero huli na.

Wala na akong magagawa.

*Flashback Ends*

Biglang may kumalabit sa akin. Si Jimin habang hawak-hawak ang kamay ni Anna. Ilang araw palang silang magkakilala pero parang lalangamin na sila sa ka-sweetan nilang dalawa hindi tulad nina Allyx at Namjoon na nagkakaroon ng gera kapag magkasama.

“Hyung…” sabi niya ng nakangiti saka itinaas ang kamay nilang dalawa ni Anna habang magkahawak kamay na para bang sinasabi sa akin na may namamagitan sa kanilang dalawa.

“Tapos? Anong gusto mong gawin ko? Kakasal ko kayo? Tsk,” sabi ko at saka lumapit sa mga itinakda ng planetang EXO.

“Ang bitter mo naman Hyung!” rinig ko pang sigaw ni Jimin. Ano daw? Bitter? Ano ako? Gulay?

Habang papalapit naman ako sa kanila ay nagsalita si Kris Hyung.

“May kakaiba dito,” sabi niya habang naglalakad kami papuntang Tree Of Life ng EXO Planet.

“Anong kakaiba naman? Mukha namang normal ang lahat Hyung,” sagot ni Sehun.

Ang galing ko talaga! Nakilala ko sila lahat kaagad.

“May hindi tama,” sabi niya saka tumingin kay Althene.

“Maiiwan ka,” sabi niya habang nakatingin sa kapatid ni Jin.

“H-ha?” iyon lang ang nasagot ni Althene. May iba sa mata niya, may takot na para bang hindi ko maitindihan.

“Hindi tayo pupunta sa Tree Of Life hangga’t hindi ka maiiwan dito. Hindi kita gusto,” sabi pa ni Kris Hyung.

Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon