6. EXO Planet

503 31 6
                                    

CHAPTER SIX: EXO Planet

~

 

JIN

 

“Seokjin!” agad na sigaw ng nag-iisang kapatid kong si Althene sa akin.

 

“Uhm… Si Althene kasi pinapakialaman ‘yung mga book of spells doon sa City Library. Pinigilan ko lang naman siya tapos ito na,” paliwanag ni Christine na may nakalagay pang baril sa beywang niya. Ganyan siya palagi, nagtatapang-tapangan at ang dala-dala niyang baril, hindi iyon ordinaryong baril dahil iyon ay ang baril na binigay sa kaya ng Papa niya, ang baril na pumatay sa maraming traydor na ARMY. Ang baril na iyon ay naglalaman ng lason na nakapagpapahina ng katawan namin hanggang sa mamatay kami.

 

“Teka? Sino kayo?” tanong naman ni Allyx.

 

“Ako nga pala si Althene! Siya si Christine! Kuya ko si Jin tapos boy este bestfriend ko naman si Jungkook,” sabi ni Althene.

 

“Kapatid mo ‘yan? Ang ingay mo kaya!” pagtataray ni Ey.

 

---

 

CHRISTINE

 

“Ano ba kasing ginagawa niyo dito?!”

 

“Sinabi ko na nga diba?!”

 

“Hindi ako naniniwala sa iyo! Christine sa tagal ng pinagsamahan natin, kilalang-kilala na kita. Alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi!”

 

Oo nga. Matagal na tayong magkasama pero bakit manhid ka parin? Bakit ba hindi mo alam na mahal parin kita?

 

“Oppa! Ano bang ingay ‘yan?! Natutulog na kaming lahat! Bakit ba kayo nagsisigawan?!” biglang dumating si Althene.

 

“Manahimik ka Althene.”

 

“Kung iniisip mo na nagsisinungaling si Unnie. Tanga mo Kuya! Alam mo naman pala e! Hayaan mo na kaming makatulog! Kung gusto mong malaman kung bakit kami nandito? Dahil iyon kay Unnie! Tinulungan ko lang naman siyang makapunta di – ”

 

Nakatinginlang ako kay Althene habang nagsasalita siya hanggang sa pinigilan siya ni Jin.

 

“Gusto kong ikaw ang magsabi. Althene, matulog ka na.”

 

“’Huwag kayong maingay! Pupunta pa tayong EXO Planet bukas! Weee~ Marami daw gwapo dun!”

 

Nang makaalis na si Althene ay hinawakan ni Jin ang braso ko at iniharap ako sa kanya. Tiningnan niya lang ako at parang sinasabing, ‘Sabihin mo na ang dapat mong sabihin’.

Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon