CHAPTER FOUR: Earth’s Heart
~
[PAALALA ulit: Isipin niyo nalang na ang mga naka Italic at Bold words ay sinasabi in Korean Language. Hanggang sa mga susunod na chapters, ganito. J KAMSA~]
JIMIN
“Wala bang Plan B?” tanong ni Taehyung na nasa likod ko. Agad akong naghanap ng tubig, nang makakita ako ng isang drum, alam kong may laman iyon. Agadkong kinontrol ang tubig na nasa loob ‘nun, inilapit sa paa ni JB at ginawang yelo ang tubig kasama ng mga paa niya.
“LETSE! GOT7! BAMBAM! JACKSON! YOUNGJAE!” pagkasigaw niya ay agad na lumabas ang tatlo, nasaan na ‘yung natitirang tatlo? Mabuti nalang at wala sila. Habang tinatanggal ni JB ang pagkayelo ng paa niya, nakita kong tumakbo ang babae papalapit kay Jackson, takot ang mukha niya habang nasa likod ni Jackson.
“Wala bang bakal dito?! Bakit puro bato at kahoy?! Ang hirap naman gumamit ng powers dito!” reklamo ni HoseokHyung.
Biglang humarang ang pader ng lupa sa harapan namin. Gawa iyon ng Got7. Aish! Earth ang kapangyarihan nila, maraming lupa dito kaya mas lamang sila sa amin.
“Namjoon at Taehyung. Bantayan niyo ang mga light habang sinusundan natin sila, hindi sila pwedeng mawala.” utos ni SugaHyung.
Natumba ang malaking pader sa harapan ko, pati ako natumba dahil sa malakas na hangin na pinakawala ninaSugaHyung at JinHyung.
“Pwede bang magsabi muna kayo bago ka – Kitamuyun! Bastos!” bigla kasi silang tumakbo na para sundan ang Got7. Nagsasalita pa kaya ako!
Ang kapangyarihan ng mga Hyung ay Wind or Air element. Kaming tatlo naman nina Jungkook at Taehyung, Water. Lahat kami ay may kakayahang kontrolin ang metal at magpagaling pero malas dahil napaka-onti ng metal dito.
“Allyx? Ano bang problema mo? Bakit nakatayo ka lang diyan?” tanong ni NamjoonHyung. Tiningnanlang kami ni Allyx na para bang nag-aalala siya sa amin. Ano bang problema niya? Hinila nalang siya ni Hyung para makasunod sa amin. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Hindi ko alam pero may iba akong kutob. Ano bang iniisip niya?
“Kailangan nating pumunta sa EXO Planet!” biglang sigaw ni Allyx. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa niya nasasabi ‘yan. At ano ba ang iniisip niya? Tanga ba siya? Mapapahamak kaming lahat.
“Ano bang problema mo?! Nababaliw ka na ba?” tanong ni NamjoonHyung.
“Please parang awa niyo na! Pumunta tayo ng EXO Planet! Nahihirapan na ako! Ayoko nang pakiramdam na ito.” sabi ni Allyx at hindi mapakali saka naman biglang dumating sina Jungkook kasama ang babaeng light.
“Anong nangyari?” tanong ko.
“Tanga kasi e. Dun pa pumunta malapit sa may sapa. Ayan tuloy! Panalo kami. Bilisan niyo at pindutin niyo na iyan bago pa matunaw ni JB ang mga ginawa naming yelong pangharang para hindi sila makawala!”
“Bitawan niyo ako! Tulong! Tulungan ninyo ako! Mga ginoo! Pakiusap!” pagmamakaawa niya at umiiyak pa.
“Pindutin mo na!” sabi ko sabay tulak kay Taehyung saka biglang nagliwanag at parang bumalik kami sa una naming pinuntahan.
“Tanga mo Taehyung! Bakit tayo nandito?” tanong ni J-HopeHyung namang malaman naming nandito kami sa pinakaunang pinuntahan namin. ‘Yung unang nakita namin si Allyx.
BINABASA MO ANG
Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]
Fiksi Penggemar"We are Bulletproof." Copyright © 2014 by LittleFangirl Most Impressive Ranking: No.291 #Fangirl Former Cover by @Miss_Ey & @SugaLover