12. Last

363 19 0
                                    

 CHAPTER TWELVE: Last

~

JENIVIEVE

 

“Bitawan mo siya! Tama na! Tumigil ka!” sigaw ko pero kahit na anong pilit ko ay hindi nila ako naririnig.

 

“Just let me borrow your body for a minute…” sabi ni Queen Four atsaka niya ako hinawakan sa kamay tapos bigla nalang nagdilim ang paligid ko.

 

“Parang awa niyo na!” sigaw ko. ‘Yung kaluluwa ko, nakulong sa loob ng isang kwintas na suot ngayon ni Queen Four na nagpapanggap na ako.

Hindi pwede ito, marami akong gustong sabihin sa kanya. Sa loob ng isang taon naging impyerno ang buhay ko dito, nagalit ako, umiiyak ako gabi-gabi dahil sa lungkot na halos gusto ko nang magpakamatay pero hindi ko magawa.

Hinihintay ko na sana, isang araw balikan niya ako dito. Nagalit ako sa kanya at nagtiwala sa mga Saturnians at Jtians pero kahit anong gawin ko, mahal ko siya.

 

“Lumayo kayo sa kanya, kakampi siya ng kaaway natin,” iyon ang kadalasan kong naririnig kapag dumadaan ako sa loob ng malaking bahay kung saan nandito kaming lahat, ang tinatawag nilang light. 40 kaming lahat pero ako lang ang tanging nakikipag-usap kay King X at King Zero na para bang isa ako sa kanila pero kahit na ganoon,

Hindi ko magagawang tulungan sila para patayin ang lalaking mahal ko. Kahit na hindi na ako ang mahal niya, ayos lang. Kahit na hindi na niya ako makilala, ayos lang. Ayos lang basta makita ko lang siyang ligtas pero bakit ganito? Bakit may nakikita akong dugo?

 

“HYUNG! SUGA HYUNG!” rinig kong sigaw ng mga kasama niya. Malinaw, malinaw na malinaw. Ang ibig bang sabihin nito…

Nakabalik na ako sa katawan ko.

Agadkong tiningnan si Suga na nakahandusay na sa sahig at ako naman na may hawak hawak na kutsilyo. Hindi… hindi ko siya pinatay. Hindi ko kayang gawin iyon. ‘Yung mga kamay ko, may dugo, dugo ng taong mahal ko.

Unti-unting nawala ang mga taong nakapalibot sa amin kanina at may biglang humawak sa kamay ko.

 

“Oras na...,” sabi ni King X.

 

“Ayoko! Bitiwan ninyo ako!” nagpupumiglas ako. Ayoko dito! Ayokong sumama! Ayokong iwan si Suga dito! Kailangan niya ako!

 

“Dalhin siya sa pagdarausan!” sigaw niya at may humila sa akin palayo sa taong iyon, sa lalaking iyon na duguan sa sahig. Kahit anong pilit ko ay hindi ako makapagpumiglas. Hindi ko kaya… Nanghihina ako, nalulungkot ako.

---

GLECYL

Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon