11. Jenivieve

366 21 1
                                    

 CHAPTER ELEVEN: Jenivieve

~

JENIVIEVE

 

“Walang hiya naman pala iyong ARMY na iyon! Alam mo ba kung ano ang pinag-gagawa nila ng mga kaibigan niya? Balak pa nila akong kalabanin?!” nandito si King X sa harapan ko. Sinusumbatan niya ako tungkol sa binabalak nina Suga. Ang sabi sa akin ni King X, naghahanap sila ng paraan para patayin siya. Hindi ko alam ang lahat ng nangyayari o kung bakit ba ako nandito pero alam kong kailangan kong iligtas ang sarili ko.

 

“Gusto kong tulungan mo ako, tulungan mo akong pigilan siya sa pagpatay sa akin,” sabi niya pero hindi lang ako sumagot, ni hindi ako tumingin sa kanya. Wala akong pakialam sa sinasabi niya, ang gusto ko lang ay makalabas sa mala-impyernong lugar na ito.

 

“Ang kapalit ay ang kalayaan mo,” pagkasabing-pagkasabi niya noon, napatingin ako sa kanya. Talaga bang nagsasabi siya ng totoo?

---

J-HOPE

Nandito na kami ngayon sa Planet Jupiter, kaming pito at kasama namin sina Allyx, Anna at Ey habang sina Nicole naman kasama ang iba ay nandito rin pero hindi lang sila pwedeng sumama sa amin. Ito na ang huling araw ng FTCF at mukhang wala namang alam ang mga Saturnians tungkol sa paglilipat-lipat namin ng Planeta, sana nga.

Bago kami  pumunta dito sa planetang ito ay kinakausap muna namin ang GOT7. Noong una ay nakipagbangayan pa sila sa amin pero naisipan din nilang tulungan kami. Wala na kaming pakialam kung sino ang panalo sa aming dalawa basta ang gusto lang naming siguraduhin ay hindi mananalo ang mga Saturnians at Jtians sa pagkakataong ito.

 

“Kailangan ba talagang gawin ito?” tanong ni Jimin na kahapon pa kontra sa plano ni Suga. Ibibigay namin sina Ey sa mga Saturnians at kapag kasama na nila ang iba pang lights ay tatawagin nila kami sa pamamagitan ng device na binigay ni Nicole pero mukhang mapupurnada pa ata.

 

“Maraming salamat sa inyo Bangtan Boys,” sabi ni King X habang nakangisi. Parang may iba sa kanya, mukhang siyang ulol pero seryoso na, mukhang may alam siya na hindi ko alam.

Iniwan na namin sina Allyx kasama ang mga halimaw na iyon. Nang makalabas kami ay may guard na nag-aabang sa amin pero nang makalapit kami ay ini-sprayan namin sila ng kung anong meron dito sa boteng binigay ni Nicole tapos naging daga sila. Mangkukulam talaga ‘yun si Nicole! Ang daming alam na kung anu-ano. Kung ginawa namin ito dati palang? Ano kayang nangyari?

Nagmadali na kami para masundan sina King X dahil 15 minutes lang magiging daga ‘yung mga kawal na mas masahol pa sa daga ang mukha kahit na noon pa. Tsk. Ako ang pinakapogi sa kanilang lahat! *Evil laugh*

 

“Hoy J-Hope! Samahan mo ako doon! Hahanapin nila sina Nicole. Tara na!” sabi iyon ni Suga pero napatigil kami sa paghahanap nang humarang sa amin si King X.

Gawin ko rin kayang daga ito? Paharang-harang sa daan. Tsk.

 

Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon