EPILOGUE

494 30 5
                                    

 EPILOGUE

~

Isang pirasong papel ang nakita ni Prinsipe Zero sa kahon na ninakaw niya mula sa aparador ng Ama niya. Mukhang walang kwenta ang papel na ito pero ang mga nakasulat dito, kakaiba…

To make your every wishes come true, look at the planets that look like you. Then find Fifty Lights at E Planets for five years. You have to collect each of the Ten Lights every year. Then if you connect them with Desan's spell, you'll see The Chosen Five with their Gold hair.

 

“The Chosen Five?” Tanong niya sa sarili. Naalala naman niya bigla ang sinabi ng kanyang Ama, naalala niyang sinabi sa kanya ng kanyang Amang Hari na makapangyarihan ang The Chosen Five at kaya nitong tuparin ang anumang hihilingin ng isang nilalang.

Sa loob ng matagal na panahon ay tinago niya iyon at nang makita niya ang tamang oras para gawin ang nakasulat sa kapirasong papel na iyon, hindi na siya nagsayang pa ng panahon at ginawa ang plano niya na salungat sa lahat ng mga magagandang asal na tinuro sa kanya ng kanyang Amang pumanaw na.

“Nagsimula na at matatapos din.”

---

ALLYX

 

“Tingnan mo ito! Ang ganda ng plot kaso magulo ‘yung pagkaka-explain nung author pero naiintindihan ko naman,” sabi sa akin ni Nicole.

 

“Ano ba iyan?” tanong ko sa kanya habang nag-iisip ng plot para sa story na ginagawa ko. ‘Yung Destroy XIUHAN, naguguluhan pa kasi ako.

“Teka! Kakilala mo ba ‘yung sumulat nito? Bakit parang kapangalan ata natin lahat ng characters diyan?” tanong ni Ey.

 

“Uy! Tingnan niya ito oh! Nagko-korean daw ako!” sabi pa ni Anna.

 

“Gaga! Nako-korean ka talaga!” sabat naman ni Christine.

 

“Ang hard naman nito! Ang bait bait ni Anna, dinadamay mo sa kasungitan mo. Red Days mo no?” pang-aasar naman ni Glecyl.

 

“Ano bang title niyan?” tanong ni Jenivieve.

 

“Bulletproof Boy Scouts,” sabay-sabay naming sagot at saka inihagis ni Christine ‘yung isang libro sa kanya. Tag-iisa kami ng copy ng libro. Galing ito sa boys, sabi nila, galing daw sa fans nila. 20 copies pa nga daw ang meron sila tapos binigay nalang nila ‘yung iba sa isa pang K-Pop boy group na GOT7, ang problema lang hindi daw nabigyan si JB. Lels! Tinawananlang nila. Mga may sapak talaga sa utak ang mga iyon.

 

“Nandito na kami!” narinig namin ang boses ng pitong lalaki na iyon. Nandito na sila, parang ang tagal nilang nawala, parang ang daming nangyari, nakakapagod ang araw na ito.

Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon