8. Planet Gotcha

453 28 2
                                    

CHAPTER EIGHT: Planet Gotcha

~

J-HOPE

“Ano ba ‘yang binabasa niyo?” tanong ko kay Nicole na katabi sina Ey at Allyx habang binabasa ang isang libro. Ah! Ito pala ‘yung libro ni Allyx.

“So, ‘yung mga Saturnians. Kaya nilang manggaya ng anyo ng ibang nilalang?” tanong ni Allyx.

“Oo, kilala sila sa larangang iyon. Mga manggagaya!” sabi ni Nicole.

“Hoy kinakausap kaya kita!” sabi ko kay Nicole pero tatlo silang lumingon sa akin. Nakakainis na ah! Palagi nalang iba ang kausap niya, nakakapanlumo! Ang tagal naming hindi nagkita tapos ngayon, iisnabin niya lang ako?

“Teka! Kakausapin ko lang itong isip bata dito. Para na kasing iiyak,” sabi niya saka umalis sa tabi ng dalawa ang hinawakan ang braso ko at pumunta kami sa kusina. Dito niya ako palaging dinadala noon, sa kusina, saka niya ako lulutuan ng gusto kong pagkain pero nakita naman namin si Tao Hyung na nagluluto at amoy sunog saka dumating si D.O. Hyung na nagpapanic.

“Sunog! Sunog!” sigaw nito pero binatukan siya ni Chen Hyung na kararating lang din.

“Baliw! Wala dito si Kai!” sabi pa nito. Sa kabilang banda naman…

“Hoy! Akin ‘yang ice cream na ‘yan!” sigaw ni Prinsesa Glecyl at dinuduro-duro pa si Jungkook.

“Anong iyo?! Akin kaya ito!” sigaw ni Jungkook habang nakahawak sa ice cream niya.

“Akin ‘yan! Akin ang lahat ng ice cream na laman ng ref na ito!”

“Bakit? Nasa loob ba ito ng ref? Hawak ko kaya ito!”

“PWEDE BA!? MAGSITIGIL KAYONG LAHAT!” sigaw ni Nicole at hinila ulit ako palabas.

“Nakakairita silang lahat. Ang iingay nila.”

“Ang cute mo talaga kapag naiinis! Huwag ka nang ma-stress! Pupunta na tayong Planet Gotcha maya-maya lang at ang powers mo ang gagamitin. Baka mamaya sa Galaxy mo pa kami dalhin!” sabi ko habang kinukurot ang pisngi niya.

“Hindi na ako bata Hoseok kaya A-ARAY!”

“Sorry,” sabi ko matapos kong halikan ang pisngi niya at yakapin siya. Ang sarap sa pakiramdam nito, namiss ko talaga siya. Matapos ng mga taong iyon na hindi ko siya nakita, ngayon ko lang ulit naramdaman ito.

---

TAEHYUNG

Nang makarating kami dito sa Gotcha Planet ay sumalubong sa amin ang malakas na sigaw. Ang akala naman namin kung sino na pero si Jungkook at Glecyl?! Anong ginagawa ni Prinsesa Glecyl dito?

“ANONG GINAGAWA MO DITO?!” sigaw ni Jungkook.

“After kong magrisk ng powers ko sisigawan mo ako? Bakit? Masama bang sumama sa inyo? Alam mo bang isang buwan kong hindi magagamit ang teleportation powers ko dahil sa layo ng nilakbay ko. From EXO Planet to Planet Gotcha! Letse! Kuya pahingi akong tubig!”

“Wala ang mga Kuya mo dito kaya pwede ba?”

“Ewan ko sayo!” saka kumapit si Glecyl sa braso ko.

“Excuse me!” rinig ko ang boses ni Ey at bigla namang sumulpot sa gitna namin ni Glecyl. Si Glecyl naman walang pake at nagliliwaliw lang sa paglalakad namin.

Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon