CHAPTER THREE: Paki-explain nga
~
[PAALALA: Isipin niyo nalang na ang mga naka Italic at Bold words ay sinasabi in Korean Language. KAMSA~ ]
ALLYX
Pangalawang araw na namin sa sosyal na bahay na ito ni Ey. Mas matanda pa pala talaga ako sa kanya pero bakit parang mas matanda siya kumilos sa akin? Anong kalokohan ito?
ISA ITONGMALAKING KALOKOHAN! LAHAT NG ITO!
Aalis na kami mamaya, naikwento na nila sa akin ang dapat kong malaman. Isa pala itong Galactic slash Universal Game, EWAN! Letse ito! Bakit ba ako napasama dito? Bakit ba kasi ako nagliwanag nang makita ako nung Namjoon na iyon na puti ang buhok. Kalbuhin ko ‘yung puti niyang buhok eh! Pasakit sa buhay!
Petengene! Naalala ko naman ‘yung nangyari kanina. Totoo ba talaga lahat ng ito? Nesfuta! Pakigising nga ako!
*
“Isa itong larong pangkalawakan, ang tawag dito ay FTCF. Walang sinoman ang nakakaalam kung bakit FTCF ang pangalan ng larong ito. Apat na planeta ang makakalaban at isa lang ang mananalo. Ang mananalong planeta ay makakalaya mula sa mga Saturnians at Jtians, sila ang pasimuno ng palarong ito. Ang matatalong planeta naman ay mamamatay o tuluyan nang masasakop ng mga Saturnians at Jtians,” sabi ni Jin, siya ang kausap ko ngayon dahil siya lang ata ang pinakamatino sa kanilang lahat? Hindi ko alam.
“Bakit naman kayo pumapayag? Bakit hindi kayo lumaban?” biglang sabat ni Allyx. Nakikinig pala siya sa amin.
“Hindi pwede, sa oras na lumaban kami. Mamamatay kami ng tuluyan. Hawak nila ang puso ng planeta namin at ng tatlo pang planeta. Sisirarin at papatayin nila ang puso ng planeta namin kung hindi kami susunod sa kanila. Wala kaming magawa.”
“Puso? Anong puso?”
“Ang puso ng planeta namin. Isa ‘yung microchip na kasing laki ng isang notebook. Sa Starship Planet, isang bituin na nasa pinakagitna ng planeta nila pero ngayon ay hawak na ng mga Saturnians at Jtians. Sa YG Planet naman ay ‘yung tinatawag nilang ‘black stone’. Sa Planet Gotcha, isang dragong kasing laki lang ng pusa. Sa EXO Planet –“
“Ang akala ko ba apat na planeta lang? Bakit may panglima?”
“Sa daan-daang planeta sa buong universe, walong planeta ang pinalad na magkaroon ng mga nilalang na pwedeng manirahan sa walong planeta na iyon.”
“T-teka? Walong planeta?” tanong ko. Parang pamilyar?
“Bakit? Ano ang alam mo sa walong planeta?” tanong naman ni Jin.
‘Yung libro. ‘Yung librong kinuha ko sa library ni Gramps. ‘The 8 Planets’ ang title nun! Tama pala ‘yung naiisip ko! Nabasa ko na kasi ang first page ‘nun! ‘Yung tungkol sa Bangtan Planet. Akala ko naman fiction etching lang iyon pero hindi pala. Tsk! Sino naman kasing maniniwala sa mga nakasulat ‘dun?! Patayo na sana ako para hanapin ‘yung libro dahil sigurado akong dala ko iyon dito pero pinigilan ako ni Allyx at saka niya pinakita sa akin ‘yung libro.
“Upo na,” utos niya. Bubuklatin na sana namin ang libro pero pinigilan kami ni Allyx. Letse! Ano na namang kalokohan ito?
“Pwedeng mamaya nalang natin ‘yan basahin? I-kwento mo muna lahat ng nalalaman mo.” sabi ni Allyx. Seryoso lagi itong babaeng ito.
“Oo! Paki-explain nga muna!” sabat ko naman.
“Ang laro ay ganito, may apat na grupo mula sa apat na planeta. Katulad ngayon, ang grupo namin ay kalaban ang grupo ng mga Gothics, mga nilalang na galing sa Planet Gotcha. Dito ang na-assign na planeta sa amin, ang planetang Earth. Ibig sabihin, nasa EXO Planet ang dalawa pang grupo at naglalaban-laban din sila para makuha ang limang lights. Katulad ninyo, kayo ang light. Dalawang planeta lang ang maari naming mapuntahan, kung hindi sa EXO Planet ay dito sa Planet Earth. Sa bawat taon, nag-iiba ang magkakalaban pati narin ang planetang naka-assign sa amin. Dalawang light na ang meron kami, tatlo nalang para maipanalo namin ang taon na ito. Ang huling taon ng laro. Matatapos narin ang lahat.”

BINABASA MO ANG
Bulletproof Boy Scouts (BTS FanFic) [FIN]
Fanfiction"We are Bulletproof." Copyright © 2014 by LittleFangirl Most Impressive Ranking: No.291 #Fangirl Former Cover by @Miss_Ey & @SugaLover