NAG-IIKOT ang mga mata ni Marione habang naglilibot siya sa book store kasama ng kanyang kaibigang si Corinne. Nagpasya siyang sumama rito sa pagbili nito ng libro na gagamitin nito sa pagtuturo nito. Isa kasi itong private tutor at nalaman niyang medyo matalino ang naging estudyante nito ngayon.
"What do you think Mari? Will nursery rhymes fit her?" tanong nito habang hawak ang isang libro na puno ng nursery rhymes.
Napaismid siya. "Nursery rhymes? Ikaw na nga mismo ang nagsabi na matalino ang bata tapos tuturuan mo ng nursery rhymes?"
"Eh an'ong ituturo ko sa kanya?"
"Bumili ka ng libro tungkol sa Algebra, iyon ang ituro mo." Pagkasabi noon ay dumako siya sa isang section kung saan may iba't ibang klase ng libro. Tungkol sa pagluluto, sa diet, sa health at ang pinaka-gusto niya, Love.
Nasa National Bookstore sila. Iyon ang laging pinupuntahan nila ni Corinne sa tuwing aalis silang magkasama. Katapat lang kasi ito ng pinagtatrabahuhan niya. Gusto niyang updated siya sa mga romance novels na paborito niya. Si Corinne naman ay puro librong pang bata ang binibili.
"Perfect," aniyang abot tenga ang ngiti nang makita ang librong matagal na niyang hinihintay. At lalo siyang napangisi nang makitang nag-iisa na lamang ang kopya noon.
Nang akmang hahablutin na niya ang libro ay may humawak din dito. She gave her best dagger-look to the person who dared to compete with her. Pero agad na nawala iyon nang makita niya ang mukha nito.
Oh-la-la! Heaven!
Hindi niya inaasahan na magiging lalaki ang kaagaw niya sa librong iyon. Besides, the book cover was clearly written. Halos buong front page nga ay na-occupy ang space ng anim na salita na nakasulat doon. How to Find Your Perfect Match.
Tinitigan niya ito. When he gazed back, nagwala ang puso niya. Ang guwapo nito! Mukha itong artista sa tangos ng ilong nito at sa titig ng mapupungay na mga mata nito. Plus his rosy lips that showed the most perfect curve.
Shet! Nakita ko na 'to sa pelikula dati! Magkakatitigan kami tapos biglang magpapakilala iyong guy, tapos biglang ngingiti siya ay hihingin ang number ko tapos...tapos...
Hinablot na lamang nito ang libro mula sa kanyang pagkakahawak at naglakad palayo.
Agad siyang napakunot noo at napasinghap. What a barbarous man! Hindi manlang nito pinaunlakan ang kagustuhan niyang makuha ang librong una niyang nakita.
Nang mapansing hindi manlang ito lumingon sa kanya, sinundan niya ito. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong suplado at walang modo. That man sure gave her a long lasting first impression.
"Hoy!" aniyang pinaharap ito sa kanya.
Tinitigan siya nito. "What?"
"Bakit mo hawak iyong libro ko ah?"
Kumunot ang noo nito. "Your book?" Pinaikot-ikot nito ang hawak na libro. Parang sinusuri nito ang bawat parte ng aklat.
"An'ong ginagawa mo?"
"Do you happen to be Laura Reeve*?"
Napaismid siya. "No, I'm not Laura Reeve."
"Then you don't own this book." Muli itong tumalikod sa kanya. Pinigilan niya ito ulit.
"Sandali nga. Ako ba niloloko mo, ha? Eh ano naman ngayon kung hindi ako si Laura Reeve?"
"Wala kang pangalan sa libro na ito kaya hindi mo ito pag-aari. Laura Reeve is the author of this book. At hindi ikaw iyon."
BINABASA MO ANG
My Heart's Perfect Match (published under PHR)
RomansWritten: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marion...