Chapter 7

6.1K 150 4
                                        

"KUYA RHYKEN! Kuya Rhyken!"

Sabay na napalingon sina Marione at Rhyken sa mga nagsalita. They were bunch of kids. Higit na nagtaka si Marione kung bakit tinatawag ng mga batang iyon si Rhyken. Obviously, those kids are far from rich. Ang dumi-dumi ng mga damit nito at 'yong iba pa ay butas-butas. Karamihan sa kanila ay walang saplot sa paa. Iyong mayroon ay sira naman o magkaiba ang pares.

Tumayo si Rhyken at pumunta sa mga bata. Binati nito ang mga iyon at ginulo ang mga buhok. Something caressed her heart. Hindi niya inaasahan na ganoon kabait si Rhyken sa mga bata. She thought he was someone who's arrogant, selfish and a snob. But he was exactly the opposite.

Minasdan niya lang ang pakikipag-usap nito sa mga batang-kalye. Lalong kumunot ang noo niya nang papuntahin niya ang mga bata sa may cart ng fishball at pinakyaw ang tinda. Napaamang siya. Lahat ng mga bata ay nabigyan ng fishball at sago bilang inumin. Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi ba't ito rin ang sitwasyong nakita niya noong naghahanap siya ng Mr. Right niya sa bintana ng Heart's Notes? Na ayon sa kanyang mga estudyante ay para siyang si Swiper?

Napakuyom siya ng kamay. He was that person all along. Paano na siya gagalaw? What if Rhyken is her soulmate? Paano kung ito na nga ang lalaking nakalaan sa kanya?

Kinuha niya ang notebook niya sa kanyang sling bag at kumuha na rin siya ng ballpen. She definitely needs DJ Dee. Kaya hindi na siya maghuhunos-dili na magsulat dito. Her heart needs rescue.

Dear DJ Dee,

Paano kung parang nakita mo na iyong taong sa tingin mo ay soulmate mo? Pero parang may mali. Parang may pumipigl sa'yo? Pero alam mong may malalim kang nararamdaman sa kanya. Ilang araw ko palang siyang nakikilala pero mahal ko na siya.

Natigilan siya nang balikan niya ang huling mga salitang sinulat niya. Mahal niya ito? Napangiti siya. Tama, mahal na nga niya ito.

"Hoy! Ano iyang ginagawa mo?"

Sa pagkagulat niya ay napabulalas siya ng mga salita. "Ay mahal kita!"

Nanlaki ang mga mata nito. "Mahal mo ako?"

"H-hindi! J-joke lang iyon." Gaga! Nasabi mo! Binalingan na lamang niya ang kanyang notebook.

Bumungisngis ito. "Ayos lang naman na mahalin mo ako. Mahal din naman kita eh."

Napabaling siya dito dahil sa sinabi nito. Pero naging masyado yatang malakas ang pagharap niya rito. His lips were there to catch hers. Mahina siyang napasinghap sa pagdaiti ng kanilang mga labi. She grew tense when he captured her chin and deepened the kiss. Lalong ikinagulat niya ang boluntaryong pagrespunde niya sa mga halik nito.

Ipinikit niya ang mga mata niya at dinama ang paglakbay ng labi nito sa kanyang labi. She barely knows how to kiss. In fact, wala nga siyang alam sa paghalik. But with Rhyken's lips against hers, she felt like a pro. It was the second time he kissed her but it had always felt like the first.

She felt him smile when she responded to his kisses. Naramdaman niya ring hinapit siya nito sa bewang para mas maging malapit siya rito. She felt like rising from the ground. Para siyang inihehele sa sobrang sensasyong nararamdaman niya. She now knows Rhyken's kisses were sweeter than her favorite chocolates. And just like those, she can't get enough of them.

Realizing that they were on the street, she withrewed. Noon niya lang napansin na gumapang na pala ang mga kamay niya palibot sa leeg nito. It was the second time she went out of conrol. The first time was also with him.

"N-nasa kalsada t-tayo," nauutal niyang wika.

Nginitian lang siya ni Rhyken at hinaplos ang kanyang pisngi. "Sorry. I seem out of hand when you're around."

My Heart's Perfect Match (published under PHR)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon