"UY DJ Dee! Naligaw ka ng landas?" bungad sa kanya ni Syver nang pumasok siya sa Strings and Straps. Isa itong music store na pinamamhalaan ng ka-banda nila na si Caiden Ayala.
Nagpupunta siya roon sa tuwing may libre siyang oras. At isa na nga iyon sa mga libreng oras niya. Kakatapos lang ng programa niya sa station at wala naman siyang gagawin kaya dumako na muna siya sa S & S para dalawin ang kanyang mga kaibigan.
"Ulol. If I know, nami-miss niyo rin ako," pabirong wika niya nang maupo siya sa tabi ni Zhen na sa mga oras na iyon ay nagbabasa ng diyaryo. Isang bagay na nagpangiti sa kanya sa mga oras na iyon ay kumpleto ang mga naging ka-banda niya. Na-miss niya tuloy ang bonding nilang lahat.
Sabihin mang ilang buwan lamang siya naging miyembro ng Serenity, naging malapit na siya sa bawat miyembro nito. Since he was an only child, he adored having friends. And those men were the best.
S & S had an amazing ambience. It was surrounded by different kinds of music parapernalias—guitars, drum sets, amplifiers, piano, etc. It's surrounded by a dim blue and white lights and the inside was merely metallic blue and black. Pang rock star ang dating. Ang karaniwang pumupuntang costumers sa S & S ay mga sikat na miyembro ng banda. Mostly men.
"Kamusta, Ken? Long time no see ah," bati sa kanya ni Zhen.
"Ayos lang. Pasensya na kung minsan nalang ako madalaw ha? Medyo busy din kasi."
Naupo si Syver sa armchair niya at ipinatong ang isang kamay sa kanyang kaliwang balikat. "Of course. We know how hard DJ Dee works."
Siniko niya ito sa tiyan. "Ulol."
Luminga-linga siya sa paligid. Napansin niyang wala si Jarvis at si Caiden. Pero alam niyang nasa likod lamang ng counter si Caiden. But Jarvis wasn't there. Nag-aaalala siya na baka galit parin ito sa kanya dahil sa naging usapan nila noong isang araw.
"S-si Jarvis nga pala?" pagkalauna'y tanong niya.
Bago paman may makasagot sa mga kaibigan niya ay lumitaw ito sa counter kasama ni Caiden. Nakangiti na ito at parang wala nang problemang dinadala. Now there was the Jarvis he knew.
"Looking for me, DJ Dee?" nakangising wika ni Jarvis sa kanya.
Nginitian niya ito. Tumayo siya para makipagbunguan ng dibdib ditto. "Yeah. I was beginning to think you're an emo today. Buti nakakangiti ka pa. Kamusta kayo ni Heather?"
Kumibit-balikat ito. "Courting her all over again."
"Wow. Bago 'yon ah. Marunong ka palang manligaw, Jarv?" ani Zhen.
"Hindi nga eh. Tulungan mo nga ako, Zhen," sarkastikong wika nito. Alam nilang si Zhen ang pinakamahina sa kanila sa babae.
"Magpapaturo ka nalang, kay Zhen pa?!" pakli ni Syver na halatang lalong iniinis si Zhen.
"Bakit ha? May alam ako sa love 'no!" depensa nito.
Naupo silang lahat sa mini-sofa sa loob ng S & S. Nagpatuloy ang kanilang usapan tungkol sa relasyon ni Heather at Jarvis na ayon dito ay parang nagsisimula ulit sa step one. But Jarvis looked okay with it. Hanggang sa dumapo ang topic sa kanya.
Binalingan siya ni Caiden. "We've been talking about your problems in love life. Eh andito si DJ Dee oh. Bakit hindi niyo tanungin?"
Napatanga siya sa mga ito nang tumitig ang mga ito sa kanya. "What?" Nang makitang sabay-sabay na napangiti ang mga ito ay agad niyang nabasa ang ibig sabihin ng mga ito. Umiling siya. "No way. Kakatapos ko lang sa trabaho. Si Rhyken ako ngayon."
BINABASA MO ANG
My Heart's Perfect Match (published under PHR)
RomanceWritten: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marion...