HININTAY ni Rhyken na makalabas si Marione mula sa comfort room ng mga babae. Inakit niya ang babaeng namimigay ng T-shirts para bigyan siya ng isang pares para sa kanila ni Marione. Nagpalit na rin siya. He knew that very moment that he was going to experience what he feared the most—to be in love.
Hindi niya alam kung bakit parang hooked na hooked siya kay Marione. She was way far from his type but she fitted his personilaty perfectly. And her eyes and her smile seemed to create magic in his heart. Parang hinihipnotismo siya sa tuwing ngingiti at titingin ito sa kanya.
There was one thing he loved about the woman. And that was how she manages to make him laugh. Love? He used the word love to describe her. Nahuhulog na nga ba talaga ang loob niya sa babaeng iyon? But it was only the fifth time they met each other. Posible bang mahalin niya ito sa limang beses na pagkikita nila?
Umiling-iling siya. Maybe it was just a crush. Infatuation, to be exact. Siguro ay naaliw lang siya ditto dahil naiiba ito sa uri ng mga babaeng nakikilala niya sa araw-araw. Tama, he was just fascinated.
"Sorry, pinaghintay pa kita," wika nito nang makalabas ng banyo.
Nilingon niya ito para sabihing okay lang pero nawala ang lahat ng salita sa kanyang isipan nang makita niya ito. Damn. How many times does she have to catch him off guard? Nakita niya na ito kanina pero bakit para siyang tumakbo ng malayo sa sobrang pagtibok ng puso niya sa muling pagsilay niya sa mukha nito?
He was sure it was infatuation. But why does his heart thump like crazy? He was totally damn sure that he was just fascinated but why does he feel the sudden urge to pull her and kiss her until they ran out of breath. Ngayon hindi niya alam kung infatuation pa iyon.
Tumabi ito sa kanya sa kinauupuan niyang bench which made him more tense. Tumingala na lamang siya sa kalangitan para i-divert ang atensyon niya. Punong-puno ng kumikinang na mga bituin ang langit. But something was much brighter than those stars that night. And it was Marione's eyes.
"Hindi uulan," anito.
Nilingon niya ito. "Paano mo nasabi?"
"Ang engot mo naman. Kita mong walang pumapatak na tubig. Eh 'di siyempre hindi umuulan."
Natawa siya. "Ang corny mo naman."
"Eh bakit ka tumawa? Eh 'di corny ka rin."
Ngumisi siya. "I just know how to ride on jokes." Muli siyang bumaling sa mga bituin. "Ang ganda ng gabi 'no?"
"Mas maganda pa ako sa gabi."
Tiningnan niya muli ito. "Hindi ba dapat lalaki ang nagsasabi niyan?"
"Eh imposible namang magsabi ka niyan eh. Kaya pupurihin ko na ang sarili ko. Ngayon lang naman ako nagmukhang tao."
Ngumiti siya. Mali ito. Dahil sa gabing iyon ay napakaganda nito. She was more beautiful than any other women in the party.
Tumingala ulit siya. "Tama ka. Mas maganda ka pa nga sa gabi."
He waited for a response pero wala itong sinabi. Hanggang sa may narinig na siyang sagot.
"Achoo! Excuse me."
Bumahing ito. What a response. Humagikhik na lamang siya sa nangyari rito. But a brush of care filled him. Kung may jacket lang sana siya, nabalot na niya rito.
She crinkled her nose and scratched it. Para itong bata kung umakto pero para rin siyang hibang kung purihin ito. What was happening to him?
Humugot siya ng panyo at inilahad ditto. "O, panyo."
BINABASA MO ANG
My Heart's Perfect Match (published under PHR)
RomanceWritten: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marion...
