"MARIONE, dali! Magsisimula na!"
Napakaripas ng takbo si Marione pababa ng kanilang bahay nang tinawag siya ni Ate Aileen mula sa bakery. Ang ibabang bahagi ng three-story house nila ay bakery. Nasa third floor pa ang kuwarto niya at nasa pinakadulo pa.
Ang bakery sa first floor ang family business nila. Her mom is the greatest cook she knows. Kung siya ang tatanungin, mas mainam kung restaurant ang ipinatayo ng kanyang ina. Pero ayon na nga rin dito, she loves baking cakes than cooking dishes. May pagka-choosy din kasi ang nanay niya. Alam na niya kung saan siya nagmana.
When her father died, her mom was very lonely. Nakita niya ang naging epekto ng pagkamatay ng kanyang ama sa kanyang ina. It was the first time she ever saw her mom sad. Ang nanay niya kasi ang tipo ng tao na laging nakangiti, tinatawanan ang problema at parang palaging may katok. But in those times, she saw how devastated her mother was.
Biglaan ang pagkamatay ng ama niya kaya naman ang buong pamilya nila ay naghinagpis sa pagkawala nito. Napakalaki ng epekto nito sa kanyang buong pamilya.
"On air na ba siya?" paulit-ulit niyang wika habang hinihingal sa pagktakbo.
"Wala pa, commercial palang," mahinang sabat ni Ate Aileen na nakatapat sa radio. Bunsong kapatid ito ng Mama niya. Tatlong taon lang ang tanda sa kanya.
Umupo siya sa tabi nito. Ang naabutan niya ay commercial ng isang shampoo. Alam niyang pagkatapos noon ay maririnig na muli niya ang boses ni DJ Dee. Ito ang lagi niyang inaabangan bawat hapon ng huling dalawang taon ng buhay niya.
Some people would think she was stupid for listening to that dumb radio show. But love was never dumb. Kaya naman naaaliw siya na pakinggan ang mga words of love ni DJ Dee. He was the answer to every woman's heart problem.
She was very impressed with his words. Hindi niya na-imagine na may lalaki palang may ganoon kalawak na kaalaman tungkol sa pag-ibig. Hindi niya alam na may nabubuhay pa palang Romeo sa mundo ng mga demonyo. And DJ Dee was that Romeo. The only one alive. How she dreams to meet in in person—and fall in love with him
Napapangalumbaba na siya sa ere nang bumungad na ang boses ni DJ Dee sa kanyang tainga. His voice was not too husky and not to soft. Just the right voice of man who could seduce every woman alive. Binasa nito ang unang liham.
"Ang unang liham natin ay mula sa isang babaeng nagngangalang Roxanne." Binasa nito ang liham.
Dear DJ Dee,
Does true love really exist? Totoo nga kayang may nakalaang lalaki para sa akin? I've been single since I was born. No boyfriend since birth. I want to experience how to love. Meron ding mga oras na gusto kong magmahal ng isang tao pero parang pinipigilan ako ng sarili kong magmahal. There's only one reason behind that, takot ako na baka mali ang mapili kong lalaki. What should I do?
Pasimple siyang napahawak sa kanyang dibdib. Ouch. Parang ako lang ah.
Nakinig siya sa magiging response ni DJ Dee sa hinaing ni Roxanne. Parang sa tingin niya ay kung ano man ang maisa-suggest ni DJ Dee kay Roxanne ay makakatulong din sa kanya. She was desperate, yes.
"Alam mo Roxanne, true love could exist. Kung totoong naniniwala ka sa true love, hindi pwedeng basta ka nalang umupo at hintayin siyang lumuhod sa harap mo. Destiny couldn't decide for you unless you do something. Kung wala kang ginagawa para makita mo ang true love mo, you're wasting your time."
Napakislot siya habang patuloy sa pagbibigay ng advice ni DJ Dee. Tagos to the bones ang advice nito kay Roxanne. Feeling niya ay isa siyang magnanakaw na nahuli sa akto. He was right. Destiny couldn't do anything if she keep sitting down, waiting for him.
BINABASA MO ANG
My Heart's Perfect Match (published under PHR)
RomanceWritten: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marion...
