"NO SHIT? You've met DJ Dee?" manghang tanong ni Marione habang kumakain sila ni Rhyken sa isang fast food chain malapit lang din sa Heart's Notes.
Tumango-tango lang ito habang nginunguya nito ang kinakaking tordecillas. Nabanggit niya rito ang isang love phrase ni DJ Dee nang pumasok sa usapan nila ang tungkol sa pag-ibig. At parang hindi na ma-fix kay DJ Dee ang isipan niya kundi kung papaano lumabas-labas ang dimples nito sa tuwing ngunguya ito.
"P-paano mo siya nakilala? Gwapo ba siya? Mabait ba? Matangkad? Maputi?"
Mahina itong natawa. "Baliw ka talaga sa kanya ano? Well, hindi siya kaguwapuhan. Pwede na rin sigurong pagtiyagaan ang kabaitan niya. He's not tall, he's stout and black. Hindi ba sinabi ko sa'yo noon na pangit siya?"
Kumagat na rin siya sa in-order na tachos saka sinimangutan ito. "Napakamapintas mo naman. Kailangan mo talagang ladladrin ang pagkatao niya?"
Tumawa ito. "Tinatanong mo eh. Hindi naman siguro masamang magsabi ng totoo 'di ba? Sinasabi ko sa'yo, walang maganda sa DJ Dee na iyon. He's a mess."
Lumabi na lamang siya at itinuon ang sarili sa kinakain. Naguguluhan siya. Hindi ba dapat interesado siya sa topic nila na si DJ Dee? Hindi ba dapat nagbubunyi ang puso niya sa mga oras na iyon dahil sa wakes ay may nakilala siyang isang tao na nakakakilala kay DJ Dee sa personal? But why does she keep seeing things that were beyond her rights? Like how Rhyken looks damn handsome when the sun strikes his rosy face. Or the way he looks at her with his sparkling eyes. O kahit tawa lang. Bagsak na ang sistema niya.
"Rhyken? Oh my God, it's you!"
Napaangat siya ng mukha nang marinig ang elite na boses ng babae na lumapit sa mesa nila. Nang tingnan niya ito ay parang gusto niyang tabunan ang buong katawan niya. That woman was pure perfection! Ang ganda nito. Maputi ang kutis at matangkad. Bigla siyang na-insecure.
Nang magpaalam sa kanya si Rhyken ay hindi na niya nagawang tumango dahil agad namang itong umalis para salubungin ang maganadang babae. Parang close na close ang mga ito dahil noon niya lang nakitang lumapad ng ganoon ang ngiti ni Rhyken.
Nahigit niya ang hininga nang makaramdam siya ng kakaibang kirot sa puso niya. With the sight of that woman talking to Rhyken and making him smile, parang gusto niyang magselos.
Magselos? Napalunok siya. Bakit siya magseselos? She doesn't have the right to be jealous. Hindi nga ba't siya na rin ang nagsabi noon na walang babaeng iibig sa lalaking iyon? But why does she feel like withdrawing what she said?
Nagpasya siyang mag-C.R muna para mas lalong malinawan sa inisiip. Hindi siya makapag-concentrate sa pag-iisip kung bawat Segundo ay sinusundan ng mata niya ang bawat galaw ni Rhyken.
Pero sa kasamaang palad, sa sobrang pag-iisip niya ay hindi niya napansin ang waiter na nasa gilid pala niya at nagse-serve ng drinks. Sa ginawa niyang biglaang pagtayo ay nauntog siya sa hawak na tray ng waiter kaya natapon sa kanya ang laman noon. Everybody gasp. And with just a split second, all eyes were on her.
Great, what a beautiful day, anang isip niya. Humingi sa kanya ng paumanhin ang waiter saka pinunasan ang damit niya.
"Marione, are you okay?"
Tiningnan niya ang nag-aalalang mukha ni Rhyken nang lumapit ito sa kanya. Did he really care? "Ayos lang ako. Pasensya na. Ang tanga ko talaga."
Napayuko siya nang makita niyang lumapit ang babae at nakasimangot na tiningnan siya. That was the time when she realized what she did was a mess. Lahat ng tingin ng tao ay nasa kanya na. She gathered the attention and she hated the fact that people were buzzinf like wild bees.
BINABASA MO ANG
My Heart's Perfect Match (published under PHR)
RomanceWritten: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marion...