"DAMN all the men in the world!" Marione cursed after shouting those words. Nasa loob siya ng C.R. ng Heart's Notes na katapat ng isang branch ng National Bookstore.
Hindi niya nagustuhan ang naging experience niya sa araw na iyon. Especially the part where she was humiliated in front of uncountable people. Parang gusto niyang sumuot sa isa sa mga pages ng mga libro na naka-sale sa National Bookstore dahil sa sobrang kahihiyan. And it was because of one particular devil—a handsome devil.
Kung hindi lang nagsasalita ang demonyong iyon ay malamang naging makabuluhan ang araw niya. And she can't accept the fact that it was just because of that damn book. Noong unang beses niya ring nakita ang mukhang iyon ay konsumisyon din ang naransan niya. Kailangan na niyang dumistansya sa lalaking iyon.
She was humiliated. Tingin niya ay hindi na siya makakabalik sa National Bookstore dahil sa lalaking iyon. Dahil sa hinayupak na iyon ay nawala ang dignidad niya. Dahil sa herodes na iyon naging pangit ang tingin sa kanya ng ibang tao. Naging kontrabida siya.
But there was one thing that kept her dazed. It was his touch. Pakiramdam niya ay hinaplos siya ng bulak sa sobrang banayad ng haplos nito. Not to mention it sent tingles through her spine. Kung hindi lang siya nakapigil ay malamang bumigay na siya.
Padabog siyang nag-apply ng foundation sa kanyang mukha. "Pesteng lalaking iyon. Walang galang sa mga babae. Hindi marunong magpahalaga sa karapatan ng iba. Peste. Walang-hiya. Walang-modo."
She hated those kinds of men. Ungentle, barbarous and disrespectful. He is indeed the exact opposite of her Romeo. Ayaw niya ng gan'ong lalaki. Sigurado siyang iiyak lang siya sa piling nito kapag gan'ong lalaki ang iibigin niya. Hindi marunong gumalang. Ayaw niya ng gan'on. She wants someone who'd protect her and love her with all his heart.
Lalo lang siyang nag-init nang maalala ang naging gawain sa kanya ng lalaki. Nang nagsalubong sila sa cashier ay inagawan siya nito ng pwesto. Hindi niya naman magawang magreklamo dahil sigurado siyang gagawa nanaman ito ng kung anong kalokohan. Nagtimpi siya sa oras na iyon. Ngunit nang magsalubong ulit sila sa may pinto ay binagga siya nito at naunang lumabas sa bookstore. Lalo naman nang unahan siya nitong sumakay ng taxi na pinara niya.
Diniinan niya ang pag-apply ng blush on sa kanyang mga naaalala. Gusto niyang manuntok. At unang-una sa listahan niya ang lalaking iyon.
Sa sobrang inis niya ay hindi na niya tinuloy ang pag-aayos. Lumabas na siya ng banyo at nagdesisyong umuwi na lamang at magpalamig sa kanyang kuwarto.
Ilang oras na ang nakalipas nang matapos ang klase niya sa araw na iyon. Isang bagay na pinasalamatan niya dahil baka mabaling niya sa mga bata ang galit niya sa lalaking iyon.
Pagbukas niya ng banyo ay nakasalubong niya si Corinne. Mukha itong windang at wala sa sarili. Tila gulat na gulat at parang nakakita ng multo.
"M-Marione..."
"O bakit? Para kang nanuod ng horror movie sa mukha mo," aniya rito.
"Balak mo bang mag-audition sa Eclipse? Or sa The Mummy retuns?"
"Ano bang pinagsasabi mong babae ka?"
May kung ano itong hinugot sa bag nito. Labis siyang napakunot-noo sa ginagawa nito. Natamaan na kaya ng masamang hangin ang kaibigan niya at natuluyan na?
Salamin ang kinuha nito. Nagulat siya nang iharap nito sa kanya ang salamin. Pero lalo siyang nawindang nang makita niya ang sarili sa salamin. She looked like a Zombie who just rose from her tomb. Ang mukha niya ay may pantal-pantal na puti at parang sinampal siya ng achuete sa kanyang pisngi sa sobrang pula nito.
BINABASA MO ANG
My Heart's Perfect Match (published under PHR)
RomanceWritten: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marion...
