"HOY! Nakikinig ka ba?" pukaw ni Corinne kay Marione nang hindi siya tumugon sa kuwento nito. Kasama niya ito sa kuwarto niya nang dalawin siya nito roon.
"H-ha? May sinsasabi ka?" tugon niya.
Napalo ni Corinne ang noo. "Hay por dios! May sinabi raw ako? Eh isang nobela na yata ang nakuwento ko."
Napayuko lang siya. Isang linggo na siyang ganoon. Simula noong maghiwalay sila ni Rhyken ay nawala na siya sa sarili. If his kisses made her crazy, loosing him makes her want to die.
The situation is killing her. Pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Rhyken, hindi manlang siya nito sinuyo, kinausap o kinamusta manlang. Para siyang tanga sa kakaantay ng text messages nito sa cellphone niya. Ilang beses na rin niyang binantayan ang programa ni DJ Dee sa radio pero iba na ang programa. Ayon sa mga naririnig niya ay tinggal na raw ang radio show na iyon.
She misses him a lot. Not having him beside her was like Minnie without Mickey, Spongebob without Patrick and Doraemon without Nobita. It's as if he took her life with him when they broke up. Napakasikip ng dibdib niya. Ni hindi niya alam kung tumitibok pa ang puso niya.
Lahat ng bagay sa buhay niya ay naaapektuhan na. Ang trabaho niya, hindi niya matutukan dahil sa nararamdaman niya. There was one time when she scolded a student just because he lied about being a ten year-old boy. She was suddenly paranoid with lies. And she hates it more.
Naramdaman niya na nagbabanta nanamang mahulog ang mga luha niya sa kanyang mga mata. It was funny why she had so much water in her body. Hindi yata siya nauubusan ng luha.
"Corie?" mahinang tawag niya sa kaibigan.
"O bakit?"
"Tama ba ang nararamdaman ko? Am I supposed to feel this much pain? Na parang gumuho ang buong mundo ko nang matapos ang lahat? Na parang tumigil sa pagtibok ang puso ko n'ong hindi na niya ako binalikan? Ganito ba ang spices ng pagmamahal?" Sunod-sunod na nagbagsakan ang luha niya sa bawat salitang binibitawan niya.
Nakita niyang gulat ang kaibigan niya. Iyon ang unang beses na nagsalita siya ng ganoon sa harap nito. Nasanay siyang tinatago ang mga nararamdaman niya. Pero hindi na niya kayang itago pa. Kung itatago niya, alam niyang lalo siyang mahihirapan.
"Oh. Marione..." Umupo ito sa gilid niya at yinakap siya ng mahigpit. "I don't know you're hurting this much. Kinukulit pa kita. Sorry friend."
"Ganito pala ang pakiramdam. Masakit pala magmahal. Sobrang sakit." Napahagulhol na siya. Kumuha siya ng suporta sa kanyang kaibigan at dito inilabas ang sama ng loob niya.
Hinimas-himas ni Corinne ang kanyang likod. "Tama na iyan, Mari. Mahihirapan ka niyang huminga eh. Nangyayari talaga iyan sa isang relasyon. Sa sobrang pagmamahalan niyo, nagkakasakitan na kayo."
"Bakit ganoon, Corie? Hindi niya manlang ako kinausap pagkatapos naming maghiwalay. Hindi na ba niya ako mahal?"
"May tanong ako sa'yo. Kapag ba pumunta siya rito sa bahay at maglululuhod sa harap mo at humihingi ng tawad, papatawarin mo?"
Napaupo siya ng tuwid nang marinig ang boses ng kanyang ate na iniluwa ng pintuan. Alam ng ate niya at ng mama niya ang pinagdaanan niya. But she managed to fool them with her smile—she thinks.
Isang beses pa lamang nakita ng ate niya at ng mama niya si Rhyken. Pero alam ng mga ito ang tungkol sa relasyon nila.
Naglakad ang ate niya papunta sa kanyang kama at naupo sa harapan niya "Hindi 'di ba?" anito nang hindi siya sumagot. "Kahit maglumpasay siya sa harap mo, hindi mo siya patatawarin dahil sa pride mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/127304040-288-k391536.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart's Perfect Match (published under PHR)
RomanceWritten: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marion...