3 months later...
KUMUNOT ang noo ni Marione nang pagpasok niya sa kanyang classroom ay nadatnan niya ang isang bouquet ng roses sa teacher's table. Pumasok siya sa classroom para i-check kung mayroon pang estudyanteng natitira doon pero bumungad sa kanya ang napakagandang arrangement ng rosas.
Iyon ang araw ng recital ng buong klase niya sa taong iyon. All were excited and nervous lalo na siya. Iyon na rin ang magiging premyo niya sa buong taon ng paghihirap niya. At alam niyang hindi siya bibiguin ng kanyang mga estudyante.
Naglakad siya patungo sa kanyang mesa at kinuha ang bouquet ng rosas. Walang nakasulat kung kanino iyon galing. But there was a small note attached to it.
Watch me later, Teacher Mari.
Napangiti siya. Marahil ay isa iyon sa kanyang mga estudyante. Iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng bulaklak galing sa isang tao.
Biglang napalis ang ngiti niya. Naalala niya noong sinabi niya sa kanyang sarili na ang unang taong magbibigay sa kanya ng bulaklak ang taong totoong nagmamahal sa kanya. Siguro nga ay ang mga batang iyon ang totoong nagmamahal sa kanya.
Napapasimangot parin siya sa bawat oras na maaalala niya si Rhyken. Gusto na niyang makipag-ayos dito. Hindi lang naman ito ang nagkasala kundi pati siya rin. Masyado siyang naging mapanghusga sa katauhan nito.
Napapikit siya. Oh Rhyken Seth Elizalde, look at what you're doing to me.
___________
"CHEESE!" sabay-sabay na wika ni Marione kasama ng kanyang mga estudyante nang magpa-class picture sila pagkatapos ng kanilang performance. It was a blast! Wala siyang nakikita tao na hindi tutok na tutok sa performance ng mga bata. They were really amazing.
Gumawa pa sila ng iba't ibang poses habang kinukunan sila ng mga parents ng bata. Pakiramdam din niya ay parent na rin siya. Iyon nga lang ay higit isang dosena ang anak niya. At wala pang ama.
Napalis ang malaki niyang ngiti sa mukha. Hindi niya alam kung bakit papasok-pasok sa isipan niya si Rhyken. If only he was there, sigurado siyang maaari itong maging mabait na 'ama' sa mga estudyante niya.
It's been three months pero hindi niya parin naaayos ang relasyon nila. She's been busy preparing for the recital. Isa pa ay kailangan niya rin tumulong sa Mama niya sa paghahanda ng noche Buena nila noong pasko. And she has to rest too. Hindi na pumasok sa isip niya ang puntahan si Rhyken. At dahil sa April pa ang summer classes niya, may ilang buwan pa siya para ayusin ang love life niya.
"Teacher Marione," tawag ng isa sa mga estudyante niya.
Bumaling siya sa mga ito. "Hmm?"
"Thank you!" sabay-sabay na wika ng mga estudyante sabay yakap sa kanya. Bigla siyang nalunod sa mga yakap ng mga bata pero walang pagsidlan ng kasiyahan sa puso niya. Ginantihan niya ang mga yakap ng mga ito.
Pagkalipas ng ilang segundo ay bumitaw rin ang mga ito at isa-isang nagpaalam. May ngiti niyang kinawayan ang mga ito. She will terrible miss those kids. Nasanay na kasi siyang kinukulit ng mga ito bawat araw.
Nang ihatid palabas ng building ang mga estudanyte niya ay umakyat na ulit siya sa theatre room. Nagtaka siya kung bakit hindi parin nagsasara ang silid at nakabukas parin ang mga ilaw. Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa may main switch malapit sa pinto.
"Manong, bakit po hindi pa patayin iyong ilaw sa buong kuwarto? Patay na naman po ang ilaw sa stage ah," tanong niya rito.
Napakamot ito ng batok. "Eh Ma'am, may isa pa raw po kayong estudyante na hindi naka-perform eh." Pagkasabi'y umalis na ito.
BINABASA MO ANG
My Heart's Perfect Match (published under PHR)
RomanceWritten: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marion...