"SO CLASS, ready na ba kayo sa bagong lesson?" tanong ni Marione sa kanyang klase nang muli silang magkita ng mga ito. Her class was energetic as ever. Maging siya ay energetic din. Puro magaganda kasi ang nangyayari sa buhay niya. She has a perfect love life, a happy family and the best friend.
"Yes Ma'am," ani ng mga estudyante.
"Okay, so let's play the last song we learned first, okay? Tandaan niyo, malapit na ang recital niyo. At isang buwan lang ang ibibigay ko sa inyong practice." Every year-end ang recital ng mga nagiging klase niya. At doon siya kinakabahan at nae-excite. Kinakabahan dahil baka hindi ma-impress ang mga tao sa naging pagtuturo niya sa mga bata. Excited dahil doon na niya makikita ang mga pinaghirapan nila. Tatlong buwan nalang ay recital na nila.
Kanya-kanya nang kumuha ng gitara ang kanyang mga estudyante para sa magiging praktis nila. Maging siya ay kukuha na rin sana ng gitara niya pero may biglang sumilip sa pinto ng kuwarto niya. Nang makitang si Rhyken iyon ay saglit siyang nagpaalam sa kanyang mga estudyante.
"O b'at ka napadaan?" aniya nang maisara ang pinto sa likod niya.
Ngumiti ito. "Wala lang. I just want to see you before I go to work."
Minsan na nitong nasabi sa kanya na ito ang namamahala ng family business nito sa Pilipinas. Nasa states kasi ang mga magulang nito.
"Hmm... Hindi ako convinced."
Bumungisngis ito. "Totoo iyon. I know I don't use to be sweet but I really do love you, Mari."
Hinawakan niya ang kamay nito na humawak sa pisngi niya. "May problema ka ba? Para kang sinasapian eh."
Nginitian lang siya nito saka yinakap ng mahigpit. She never saw Rhyken this emotional before. Sa isang buwan na nilang relasyon ay lagi itong nang-aasar at nangungulit sa kanya. But he never fails to make her feel loved.
Hindi niya lubos maisip na ang supladong Rhyken na nakilala niya noon ay ganoon pala ang ugali. He was sweet, caring and very thoughtful. Kinikilig parin siya sa tuwing makakatanggap siya ng message rito kada umaga at inaalala kung nakakain na siya.
May mga oras din na nase-sermonan siya nito dahil hindi siya nakakakain ng lunch niya. Tumatahimik lang siya kapag nagagalit ito. But it the end, he would always hug her and say a thousand of sorries.
Pero sa oras na iyon, she feels it's her duty to find out what was making Rhyken that emotional. May PMS din kaya ang mga lalaki?
"Ken?" aniyang nakayakap parin dito.
"Hmm?"
"Why do I feel there's something I have to know?"
Bahagya itong lumayo para tingnan siya. "Yeah, you have something to know. And that's how much I love you." Hinalikan nito ang tungki ng kanyang ilong.
Napangisi siya. "Bakit ang korny mo ngayon?"
"Corny ba ang mahalin ka?"
Napalakas ang tawa niya. "Ang cute-cute mo talaga," aniyang kinurot ang magkabilang pisngi nito sabay dampi ng halik sa labi nito. "I love you," bulong niya.
"I love you too."
Then he captured her mouth with his savoring every second of the kiss as if they were the only people in the world. Hinding hindi niya ipagpapalit ang ganoong mga pagkakataon sa buhay niya. His kisses were worth cherishing. His love was worth keeping. Parang gusto tuloy niya na mas lalong maging sweet ditto.
He sent small puff kisses in her face. Every kiss felt like air breeze from the ocean. It's as if they were whispers from his heart. Parang pinaparating ng mga halik nito ang pagmamahal nito sa kanya. And she can't help but love that man more and more.
BINABASA MO ANG
My Heart's Perfect Match (published under PHR)
RomanceWritten: 2010 Published: 2011 under Precious Hearts Romances The Serenity Band Series Book One - Rhyken's Story She wanted to be that person who would make him smile again, sweep him off his feet and make him head over heels in love with her. Marion...