(SHY’s POV)
*Past
Maaga pa lang ay nagtungo na agad ako sa kusina. Kitchen is my favorite place sa bahay. I love foods, lalo na ang cookies. Araw ngayon ng Sabado, walang pasok sa school at palagi kong tambayan ang bakanteng lote sa kabilang street ng village.
Kumuha agad ako ng cookies ant inilagay sa isang garapon. “Senyorita, ang dami naman po n’ya” Wika ng kusinera. Ngumiti lang ako rito. Nang matapos kong punuin ang garapon ay inubos ko agad ang isang basong gatas na palaging inihahanda sa akin ng kusinera.
“Sakto lang po ito sa amin ni Kim, yaya.” Sagot ko rito. “Naku, ikaw talagang bat aka. Umuwi ka agad, ha? Baka habnapin ka ng mama at papa mo.” Wika naman nito. “Opo.” Sagot ko.
Bago magtungo sa bakanteng lote ay kinuha ko ang camera ko. Mahilig kasi akong mag take ng mga pictures. Collections ko iyon. Halos mapuno na nga ang isang kong box na puno ng litrato namin ni Kim. Kasing laki ng shoe box ang kahon na iyon. Puno ng pictures namin tuwing naglalaro, namamasyal kung saan saan.
Nagtungo ako sa bakanteng lote. Pagmamay-ari iyon ng pamilya ni Kim kaya, libre kami magtungo roon para maglaro. Nakita ko agad ito, bising-busy ito sa pagtatayo ng bahay-bahayan namin. Tumakbo ako papalapit sa kanya.
“Kim!” Tawag ko rito. Tumingin ito sa kanya at kumaway. Umupo ako sa tabi nito. “Cookies!” Masigla kong wika.
Binuksan niya ang garapon na punong-puno ng cookies. Binuksan ko ang camera at kinuhanan ito ng litrato. “Say cheese!” Napalingon ito sa kanya. Then, click! Captured ko ang nagulat niyang mukha.
“Ah! Hindi ako handa! Ulitin mo.” Reklamo nito.
“Ayoko nga.” Sagot ko. Hahablutin sana nito ang camera pero maagap akong tumayo at tumakbo palayo. Tumakbo rin ito papalapit sa kanya. Ngunit mas mabilis akong tumakbo rito. Habang tumatakbo ay kinukuhanan koi to ng litrato. Huminto naman ito at habang tumatakbo at hingal na hingal. Nilapitan koi to.
“Okay ka lang?” Nag-aalalang wika ko. Pero bigla nito akong niyakap at pilit na kinukuha sa kamay ko ang camera. Kiniliti ako nito sa tagiliran.
“Ah…ha..ha… wag!” Sigaw ko.
“Akin na kasi ‘yan!” Wika nito. “Oh, heto na!” Pagsuko ko, sabay abot ng camera.
Tumigil ito at kinuha ang camera sa kamay ko. Tinignan nito ang mga larawan na naroon.
“Oy! ‘wag kang magbubura, ah.” Wika ko.
Tinapat nito sa akin ang camera. Tapos ngumiti ako at nag-peace sign. Nag-flash ang camera. Nilapitan ko ito at tinignan ang kuha nito.
“Pag-pina-develop mo ito, bigyan mo ako ng kopya.” Wika nito at binalik na sa akin ang camera.
“Arasso.” Sagot ko. [Alright]
*Present
Bumalik ako kaagad sa bahay nang bumalik sa ospital si Tita Carla, mama ni Kim. Ailangan kong magpahinga. Physically, emotionally stress ako ngayon. Hanggang ngayon, hindi parin mawala sa isip ko ang dating pagkakaibigan namin ni Kim. Masaya naman kami dati. Bakit ang layo-layo na namin ngayon sa isa’t-isa. Ano bang mali?
*Toktok…
Binuksan ko ang pintuan. Niluwa non ang kanyang mama. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. Nagualt ako ng bigla nito akong niyakap. I hug her back. Then, bigla na alng akong naiyak. Ewan ko ba, pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Sobra akong nasasaktan sa kondisyon ni Kim, sa kung ano kami ngayon. Nasasaktan ako sa katotohanang wala na ang dating Kim. Hindi na siya babalik. Hindi ko na siya maibabalik.
BINABASA MO ANG
The Heartbreaker (MARS Series #4)
Teen FictionAng dating magkaibigan ngayon ay mortal enemy na. Paano kaya maibabalik ang dating pagkakaibigan kung sisirain lang ito ng kasalukuyan? Paano nila maaamin sa isa't-isa ang pag-ibig na nararamdaman kung hindi parin sila pakawalan ng sakit ng nakaraan?