First of all, I'M VERY SORRY! Now, lang ako nag-update! Hope you understand naman, right?
---
Chapter 5 (Shy Vs. Kim)
Tatlong araw na hindi ako pumasok dahil sa sakit. Tatlong araw akong nagkulong sa kwarto, halos sumabog na ang cellphone ko dahil sa dami ng text messages at missed calls mula sa mga supporters ko, kaibigan, ka-team mates, classmates atkung sino-sino pa.
Sobra akong nata-touch sa supports nila. Ngayon, I’m back! Maayos na ako at babawi ako sa Kim na ‘yan! Anong akala niya papalagpasin ko lang ‘yun ng basta-basta? Usap-usapang si Kim ang sinisisi ng mga ultimate supporters ko, lalo na ang mga boys dahil sa pagkakasakit ko.
“Humanda ka, Kim Cerano!” Wika ko.
Nang makalabas sa kotse ay inabangan agad ako ng mga students. NAkapaligid naman ang bodyguard ko sa akin. Dalwanag bodyguard ang dala ko ngayon, wala lang. Nag-abot ng sulat at flowers ang mga supporters ko. Syempre tinanggap ko, hindi naman ako rude!
Ang mga bodyguard ko ang nagdala ng mga flowers at sulat. BAgo makapasok ng building ng Business Administration ay hinarap agad ako ng mga students.
“Maraming salamat sa love at supports n’yo! Kamsahamnida!” Wika ko, nagpalak-pakan naman siya. [Kamsahamnida- Thank you (formal)]
May mga dala pa silang banner, “WELCOME BACK, SHY PARK”. Napangiti naman ako. Grabe, full support talaga sila. Sobra na talaga akong nata-touch. Nakita ko kaagad ang MARS; Demi, Janeth, Joni at Mel. Nilapitan ko ang ga ito at niyakap.
“Kamusta?” Tanong ni Janeth.
“Ayos naman.” Sagot ko.
Agad kaming nagtungo sa classroom, Nang makapasok sa room ay napansin ko agad si Kim. Nakatingin sa labas ng bintana. Nang mapalingon ito sa gwai ko ay mabilis itong tumayo at nilapitan ako. Isang iglap ay nasa harapan ko na ito.
Ang lakas g loob nitong lapitan ako. Ah, sarap sampalin. Hinawakan nito ang magkabilang braso ko. Pinatgtinginan kami ng lahat,
“Chaljinae shossoyo? Tanong nito. Tinabig ko ang kamay nito. [Chaljinae-shossoyo?-How are you?]
Napa-upo ako sa upuan ko. Hinarap ako nito pero I just roll my eyes on him. Hindi koi to sinagot.
“Good morning, class.” Finally at dumating na agad ang professor. Lahat ng classmates ko ay alerting umupo na sa bawat upuan nila pero nanatiling nakatayo si Kim sa harapan ko.
“Mr. Cerano, what’s the problem?” Tanong ng professor namin kay Kim. Lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa. Bad trip, anon a namang eksena ito?
Nakatingin lang ito ng tuwid sa akin, habang ako naman ay iwas ng iwas sa tingin nito. Maya-maya ay hinarap nito ang professor. “I’m sorry, Ma’am.” Wika nito at nagtungo na sa upuan nito, which is sa harapan ko lang.
BINABASA MO ANG
The Heartbreaker (MARS Series #4)
Teen FictionAng dating magkaibigan ngayon ay mortal enemy na. Paano kaya maibabalik ang dating pagkakaibigan kung sisirain lang ito ng kasalukuyan? Paano nila maaamin sa isa't-isa ang pag-ibig na nararamdaman kung hindi parin sila pakawalan ng sakit ng nakaraan?