CHAPTER 2-(THE OFFICIAL 'LANDING')

167 7 0
                                    


 
Nadatnan ni Prinsipe Aqueia na nagtatalo ang lahat sa pulong kung saan naroon lahat ng mga namumuno sa tatlong kaharian.
 
Ang lugar na iyon ay pabilog at nagmistulang malaking bubble ang makikita mula sa labas. Ginawa at na-disenyo na walang tubig sa loob, maging lahat ng mga kwarto ay katulad nitong walang tubig.
 
Tungkol ito sa kung sino ang magiging ambassador ng mga sirena sa mga tao.
 
Lahat ay takot sa mga tao. Tuwing babanggitin pa lang ang salitang TAO ay may nanginginig na sa sobrang takot. Iba-iba man ang buntot, iisa ang layunin. Ipatigil ang labis na polusyon.
 
"Narito na ang prinsipe Aqueia!" anunsiyo ng pinunong isda na hindi niya pinagtuunan ng pansin at diretsong lumangoy sa loob ng meeting hall. Maraming corals sa paligid at anglers na nagsisilbing liwanag ng kailaliman ng karagatan. Medyo madilim ngunit para sa kanila ay normal lang.
 
Kakaiba ang talas ng mga mata nila dahil kahit madilim ay nakikita nila nang  maliwanag ang kanilang paligid. Kaya nilang matukoy isa-isa ang mga kulay. Ngunit kung gabi ay hindi rin sila nakakakita sa dilim. At wala ring palya ang talas ng pakiramdam kahit konting galaw ay sensitibo sila.
 
Kumuha siya ng bula mula sa bibig ng malaking angler fish at doon sumampa para lumutang at makapasok sa hall na walang tubig nang hindi gumagapang. Dumulas siya at yumakap sa bula. Kaya pagpasok niya ay sa kanya lahat ng atensyon.
 
May sirenang nakaupo sa tabi ng sirenong may edad na at may koronang ginto. Ang buntot nila ay parehong itim ang nasa gitna. Tiyak na mula sa kahariang Atlantique, sa Karagatan ng Atlantika.
 
Unang tingin pa lang ni Prinsesa Sheleen kay Prinsipe Aquiea ay nahumaling na siya sa kabuuan nito. Hindi lang pala haka-haka o kwento lang na isa itong katangi-tanging sireno.
 

*****
Gwapo, maputi, makisig, matangkad, at tunay na napakaganda ng buntot. Maganda siya at mahinhin, bagay na gusto ng mga sireno. Kulay ginto ang kanyang buhok at umaabot sa balakang. Hinawi niya ang buhok palikod sa tenga at namumulang nag-iwas ng tingin.
 
Hindi niya alam na walang interes ang prinsipe sa kanyang angking alindog at kagandahan.
 
Samantalang ang hari ng Knights ay nag-iisang may pula sa gitna ng buntot, mula sa Karagatang Antartika. Tumango si Aquiea at humarap sa ina. Ang reyna ng Diamond. Katulad ng kanyang buntot ang buntot nito ngunit mas maikli ang mga palikpik at hindi na gaanong matingkad. Suot nito ang korona nitong ginto na may dyamante sa gitna at ito lang ang natatanging nakahawak ng setro. Simbolo na siya ang pinakamataas sa tatlong pinuno.
 
May mga tagapayo ang mga ito sa likuran na hindi niya napansin kaya naman nagulat siya nang magsalita ang isang sireno, "Ano ang masasabi ng Prinsipe Aquiea sa paksa?"

 *****
He winced. Kahit kailan talaga, advisers ang panira. Ngumisi siya, "Aba, magandang ideya!" bulalas niya sa nasisiyahang tinig na nakapagpasinghap sa bawat isa pwera sa reyna na cool lang sa kanyang tabi. "Hindi ba kagaya rin natin sila?"
 
"Hindi tayo mababang uri gaya ng mga tao! Masasama sila!" angil ng matanda mula sa isang banda.
 
Ngumisi na naman siya, "Kung walang gagawa, ako na lang," tiim-bagang niyang saad at mas lalong lumikha ng komosyon.
 
"Mahal na prinsipe, delikado yata ang nais mo," mahinahong puna ng Haring Corales, hari ng Knights.
 
Ngumiti siya, "Ano pa ba ang silbi ng isang namumuno kung uupo lang? Baka sakaling makita ko si Alfino," saad niya.
 
 
 *****
Samantala, sa loob ng restaurant ay busy si Chef Alvin na mag-supervise  sa kusina.
 
Maraming customers at natutuwa siyang gusto ng mga ito sa specialty dishes. Walang tigil ang pagdating ng mga orders kaya halos walang makapagpahinga. Lunch time ang peak hours. 2pm-10pm ay puro reservation na.
 
Nang sa wakas ay nakaluwag na, saka lang siya lumabas sa backdoor terrace kung saan tanaw na tanaw ang dagat at damang-dama ang sariwang hangin. Ang pinaghalong alat at lansa ay naaamoy rin.
 
May bato sa gitna ng dagat di-kalayuan at may napansin siyang maliliit na isda na sabay-sabay lumangoy pataas sa ere at pabalik sa tubig.
 
"Nakaka-miss," wala sa sariling saad niya.
 
"Ang alin?" napaigtad pa siya sa boses ni Ellerine.
 
Nagpamulsa siya at humarap dito, "Bakit ka ba nandito?" Nag-pout ito. Ngumisi siya. "You're pretty," he said at pinanlakihan siya ng mga mata.
 
"Hindi tayo talo ah," nangingiting saad ni Ellerine.
 
"Bakit hindi? Lalake ako, babae ka."

 
Umiling si Ellerine, "Sure ka?" dahil bakla ang tingin niya rito at isa itong sikreto na ito mismo ang nagsabi.
Umiling ito at humarap sa kanya kaya natigil siya sa pagbabalik-tanaw.
 
Seryoso at walang bakas ng biro sa mga mata. "Don't think you know everything about me," aniya.
 
She shrugged whatever bad feels she felt creeping down her spine. Tila parang lumamig din ang ihip ng hangin mula sa dagat.
 
 
 
**********
Nakahanda na ang lahat sa pagpunta ng prinsipe sa lupa. Kulang na lang ay ang basbas at opisyal na utos mula sa tatlong pinuno.
 
Nakatayo ang prinsipe sa tuktok ng bato sa gitna ng dagat malapit sa pampang kung saan may mga isdang nakapalibot sa batong iyon. Babad na sa araw ang balat niya. Sa ganda ng hubog ng katawan ay maging tao ay maaakit dito.
 
Sa anyong tao, may palatandaan silang tattoo sa kahit anong parte ng katawan na siya pa ring pagkakakilanlan ng mga estado nila. Ang sa kanya ay nagliliwanag na blue at kasinliit ng piso na hugis ng korona sa kaliwang dibdib. Marami na ring nabigo sa misyon at hindi na bumalik pa. Marahil mas pinili ang buhay sa ibabaw ng lupa. Kaya alam niyang hindi siya nag-iisa sa ibabaw ng lupa.
 
May mga dolphins sa malayo at malalim na parte ng dagat at maririnig ang mga huni nila. Para sa pandinig ng tao ay ordinaryong 'ik-ik-ik' ang maririnig ngunit para sa mga sirena, normal na gaya ng pananalita ng tao ang kanilang naririnig.
 
"Mag-iingat kayo, kamahalan!"
 
"Huwag kayong magdalawang-isip na tawagin kami gamit ang pito!" sigaw ng isa habang tumatalon sa ere pabalik sa tubig. Siya si Dayne na pinuno ng grupo ng dolphins.
 
Napangiti siya dahil sa payo nito. Natutuhan niyang pumito gamit ang bibig at daliri nang minsang nagpumilit sumama sa mga dolphins noong nakaraang buwan.
 
Isa itong  matapat na tagapaglingkod at maituturing na matalik na kaibigan maliban kay Karien. And speaking of Karien, wala pa ito gayong binilinan niyang maaga itong sumunod sa kanya nang makapag-ikot muna sila at masanay itong maglakad bago ang misyon.
 
Wala siyang problema dahil halos araw-araw siyang tumatakas at laging nag-aanyong-tao. Kakayahan nila ito bilang mga sirena at sireno. At tuwing anyong-tao ay kilos-tao rin ang mga ito at hindi malayong maayos makasalamuha. 
 
Kung mamarapatin ay mas mahilig pa silang kumain ng seafood kaysa sa mga tao.  Ngunit ang tanging batas lang na dapat sa pagkain ay kung nasa hustong gulang na at nakatakda nang kainin. Ang lalabag ay pansamantalang mawawalan ng kahit anong koneksyon sa karagatan na parang isa na itong ganap na tao at hindi makakaintindi ng lenggwahe sa ilalim ng karagatan.
 
Tumalikod siya at tumanaw sa mga nakatayong resort at hotel malapit sa tabing-dagat. Napangiti siya nang may marinig na hampas ng buntot sa tubig mula sa kanyang likuran.
 
"Ano Karien, naniniwala ka na bang maganda talaga ang tanawin sa ibabaw ng lupa?" tanong niya ngunit walang sumagot kaya lumingon siya at muntikang malaglag. Nagulat siya at napaatras kaya nadulas at gumasgas ang kanyang maong shorts. Sunod sa uso rin ang mga sirena at may sarili silang patahian.
 
Natampisaw siya sa tubig dahilan ng pagkabulabog ng mga nakapalibot na isda. "Inang-reyna!" bati  niya habang kumukumpas ang buntot dahil kasunod ni Karien ang reyna at dalawang hari kasama si Prinsesa Sheleen.
 
Isa-isang pumatong ang mga ito sa bato at sunod-sunod na nagkaroon ng mga paa matapos ma-expose sa tuyo at nahanginan ang mga buntot. Di gaya ng mga napapanood na walang saplot ang mga sirena kapag naging tao.
 
Bilang sirena o sireno, isusuot nila ang damit na natahi ngunit maglalaho ito. At kapag nag-anyong tao, saka lang makikita.
 
At ngayon, nakaupo sa kanyang likuran ang prinsesang naka-pink tube dress na umaabot sa tuhod at nahahapit ang hubog ng katawan. Ang ginintuang buhok ay nagmistulang brunette. Ang dalawang hari naman ay parehong nakasuot ng slacks at white polo. Ang reyna ay nakasuot ng sky-blue silk gown at mayroon pa ring hawak na setro na ngayon ay naging hugis kandila na kulay asul at may maliit na dyamante sa dulo. Ang hawak nitong shell ay naging scroll.
 
Tinaasan niya ng kilay si Karien na hindi pa rin umaangat at nagmistulang basang sisiw na nakadapa sa tubig sa kanyang harapan.
 
Ngumisi siya nang nakakaloko kaya napailing na lang itong sumampa sa bato saka lang siya lumingon at nakita ang mga naggagandahang kasuotan nila. Nahihiyang unti-unting nagkaroon ng mga paa si Karien at natatawa ang prinsipe sa reaksiyon nito.
 
Isang pares ng pantulog na kulay blue ang suot nito na mas lalong nagpatawa sa kanya. Kung kanina ay nagpipigil, ngayon ay humahampas pa siya sa buntot sa sobrang tuwa. Paano ba naman kasi, wala itong tiwala sa kanya pagdating sa mundong ibabaw.
 
 
Nakatayo silang lahat sa bato at nasa dulo ang reyna. Siya ang nasa kanang kamay nito katabi ni Karien. Ang prinsesa ay nasa tabi ni haring Corales na kasunod ng ama nito sa kaliwang side.
 
Habang binabasa ng reyna ang nilalaman ng kasulatan, hindi pa rin makapagpigil ng tawa si Prinsipe Aqueia na nangingiti kaya tumikhim si Karien na hindi komportable. Namumula dahil sa maling desisyon. 'Kung sana nakinig na lang ako,' saad niya sa isipan.
 
Walang naintindihan ang prinsipe dahil busy ito sa kakapigil ng tawa ngunit may tiwala siya sa kaibigan. Mas magaling at mas masipag pa itong magsaulo ng mga pinag-aaralan.

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon