CHAPTER 10-(REUNION)

63 2 3
                                    


*****

Ilang beses nagpabalik-balik si Sheleen sa pampang at nagbabaka sakaling makita muli ang lalake na nakasaksi sa kanyang pagbabagong-anyo. Hindi man lang siya nakapag-pasalamat dito at basta na lang niyang iniwan.

Mukhang wala na ngang pag-asa na magtapo ulit sila ng binata.

Aaminin niya na hindi man ito isang sireno ay may taglay itong kakisigan na maihahalintulad sa Prinsipe Aqueia na hindi niya maitatagong kinahuhumalingan niya.

Umahon siya sa gilid ng batong malaki at hinintay na matuyo ang buntot.

Now, she is wearing a two-piece bikini na kulay electric blue. Hindi niya alam na ganon pala nakakailang ang ma-expose ang katawan. Marami na siyang nakikitang ganun tuwing maglalakbay patungo sa lugar na iyon kung saan niya inaasahang makikita muli si Andreas.

Napangiwi siya sa kanyang hitsura.

Ano kaya ang sasabihin ng aking ama?

Kung bakit kasi siya nagpapaniwala sa sinabi ng lakwatsera niyang kaibigan. Nauto tuloy siyang magsuot ng bikini. Maayos pa nang isukat niya sa ilalim ng dagat dahil walang nakakakita.

She shivered when the cold wind blew kahit tanghali na.

Napansin niya na hindi gaanong matao ang lugar di gaya ng mga nakaraang linggo. Hindi naman siya umaahon sa bawat pagbisita niya sa lupa kaya paekis pa ang kanyang paglakad hanggang sa makarating siya sa tuktok ng pinakamalaking bato.

She spread her arms as she felt the cool breeze once again. Hindi niya namalayan ang paglapit ng isang lalake sa kanyang likuran.

Napapitlag na lang siya nang marinig itong magsalita, "We've met again."

That voice. She froze. Nilingon niya ito at nakita ang gwapo nitong mukha. His eyes took in her appearance at mukahng satisfied itong ibinalik ang tingin sa kanyang mukha. Sa sobrang gulat ay hindi siya nakapag-react kaagad.

Lumapit na lang ito at awtomatikong umangat ang kanyang palad at dumapo sa pisngi nito. "Ow! What was that for?"

Namumula ang pisngi nito at nagmarka ang kanyang kamay. Nailang siyang nagtakip ng katawan, "T-tumalikod ka nga at wag mo akong tignan. Nakakabastos."

He smirked. "Ako pa ang bastos? In the first place, why would you wear that if you don't want to show off your sexy body?"

"I said stop gazing!" angil niya at naiiling na lang itong tumalikod. Nanlambot siya nang makitang diretso lang itong naglakad palayo.

Nanlulumo siya. Excited pa nga siyang makita ito. Pero naunahan siya ng gulat at hiya nang bigla itong sumulpot at titigan ang kanyang katawan. Sumunod siya sa yapak nito kahit pa nahihirapang maglakad nang tuwid.

Umiiling lang itong yumuko at pinulot ang nakalapag na towel sa bato. She caught a glimpse of his grin when he stood up at pinagpag ang tuwalya. Muli itong lumingon. Playful gaze is still evident in his eyes.

Lumapit ito pero umatras siya.

Sheleen ano bang gusto mo? Lalapit-lapit ka tapos kapag lumapit siya, umaatras ka! She scolded herself in her mind.

Muli itong humakbang kaya siya umatras. Bawat hakbang nito ay siya namang pag-atras niya hanggang sa matisod siya. Mabuti na lang at mabilis itong nakaalalay sa kanya at agad siyang nasalo. Kung hindi ay aabutin siya ng mga gasgas.

Their gazes locked habang nakapulupot ang kamay nito sa kanyang bewang at siya naman ay nakahawak sa balikat nito. Kung hindi lang uncomfortable ang ayos nila ay hindi siya lalayo pero nangalay na ang kanyang likod kaya tinulak niya ito.

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon