CHAPTER 21-(SPELLBOUND )

21 0 0
                                    

_____

Sinunod ni Ellerine ang utos ni Aqueia na manatili lang siya malapit sa tubig. Habang nakikipagtuos si Aqueia sa isang shokoy ay napapansin niyang tila pinanghihinaan ang prinsipe ng karagatan. Nalingap lang siya saglit nang biglang may tumakip sa kanyang bibig mula sa likuran.

Hindi siya makasigaw dahil bukod sa natatakpan ang kanyang bibig ay hawak din nito ang mga braso niya sa likuran. Malakas man ito ay nagawa niyang kumalas at suntukin ito sa mukha nang hindi tinitignan kung anong kasuotan nito. Sabay silang umaray ng lalaking nakasuot ng scuba diving suit dahil goggles nito ang nasuntok niya.

Sinipa niya ang lalake ngunit nakailag ito kaya muntikan siyang sumubsob sa buhangin. Sa kamalas-malasan ay may isang coral stone sa buhangin at tumama ang kanyang tuhod kaya hindi siya kaagad nakatayo. "Mukhang pahihirapan mo pa ako bago kita makuhang hostage," anito at hinubad ang goggles.

"Eric!" sigaw ng isang matabang lalake na humahangos dala ang isang gutay-gutay na itim na sling bag. "Huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon yang babae! Hindi yan sirena," anito. Dumampot si Ellerine ng buhangin at pinilit tumayo kahit masakit pa ang kanyang tuhod. Ramdam niya ang hapdi kaya paniguradong nadaplisan ang kanyang balat kahit naka-maong pants pa siya.

"Gunggong ka talaga Brendo!" saad ng lalakeng naka-scuba diving suit. "Kung sana pinagtutulungan niyo ng shokoy ang prinsipe e di hindi na natin kailangan kumuha ng hostage."

"Oo nga ano?" kakamot-kamot ng ulo ang matabang lalake saka humagikgik na bumaling sa kanya. "Akala ko kasi napagkamalan mo siyang sirena dahil maganda siya."

"Ginawa mo pa akong tanga! Kanina pa nababasa ng tubig-dagat ang paa niya at hindi naman siya nagiging sirena. Muntikan pa akong mauntog kanina sa batuhan dahil sa malalaking alon na ginawa ng prinsipe."

"Ganun ba?"

"Ano ba ang kailangan niyo sa mga sirena? Kung ipupunta niyo sila sa perya, paniguradong hindi na kayo kikita dahil laos na ang ganyang mga pakulo," singit niya sa usapan.

"Hindi kami taga-perya at mas malaki pa sa kita ng peryahan ang kikitahin namin sa imbensiyon ng gamit upang mabuhay sa ilalim ng karagatan sa pamumuno ni Dr. Liwnababa. Makukuha namin ang mga nakatagong kayamaman sa ilalim ng karagatan."

"Brendo, huwag kang madaldal," sita ni Eric. Akmang susugod na naman ito sa kanya ngunit iwinaksi niya sa mata nito ang buhangin dahilan upang magmura ito at magtatalon.

"Ellerine!" sigaw ni Aqueia na dumalo sa kanya. Nilingon niya ang kalaban nitong shokoy kanina na ngayon ay pinagkaisahan nang damputin ng mga guwardiya ng karagatan.

_____

Tumawa si Eric dahil walang kamalay-malay ang magkasintahan na kung hindi nila makukuha bilang hostage ang nobya ng prinsipe ng karagatan ay napahiran naman ito ng serum na pinaghalong katas mula sa mabahong palikpik ng shokoy at oblivion extract. Wala itong bisa sa tao ngunit kapag nahawakan ng sireno o sirena ay maaari itong kontrolin ng sinumang nagmamay-ari ng palikpik.

Sa kasamaang-palad, mangmang din ang mga shokoy gaya nila kaya si Dr. Liwnababa ang magbibigay ng utos sa shokoy sa oras na nahawakan na ng prinsipe ang kamay ng nobya nito. ngumisi siya.

Wala na siyang panahon para malaman at intindihin kung paano bibisa ang serum. Baliw lang makakapagpaliwanag ng bagay na iyon. At hindi siya baliw kundi mangmang. Humalakhak siya sa naisip kaya pinagtinginan siya ng mga nasa paligid niya kasama na si Brendo.

"Eric, baliw ka na ba?"

"Manahimik ka! Tara na," aniya at hinila ang kamay nito ngunit may mga nakaitim na suit na humarang sa harapan nila kaya napalunok silang dalawa. Tae naman! Hindi na sila binigyan ng choice ng baliw na doktor kung paano makatakas mula sa kamay ng mga guwardiya na nagmula pa sa ilalalim ng karagatan.

Nilingon niya ang magkasintahan. Maawa naman kasyo sa kagaya kong single. Pwe! Ang importante ay mahawakan mo ang kamay ng babae. Ngumisi siya nang magsalikop ang palad nina Ellerine at Aqueia. "Tagumpay," aniya ngunit nawalan na siya ng malay nang may tumama sa batok niya.


*****

Kanina pa napapalunok si Aqueia tuwing makikita niya ang bawat galaw ni Ellerine. Isinara ang isla at kasalukuyan silang naglalakad papasok sa Sea-Reyna. Bitbit ng mga gwardiya ang isang shokoy at dalawang lalake.

Nalilingap lang siya sa pagnanasa kapag matatapilok siya.


*****

Isang gwardiya ang nakapansin sa chef ng Sea-Reyna kaya nagpaalam itong may pupuntahan saglit. Sinundan nito ang chef at gulat na natigilan siya nang may kutsilyong sumalubong sa kanya.

Isang babae na nakauniporme ng pang-kitchen staff ang walang takot na nanghamon. "Anong kailangan mo kay chef?"

"Little girl..."

"Sasha," tawag ni Alvin kaya sabay na lumingon sa kanya ang dalawang magkausap.

"Alfino?" the man squinted his eyes as he eyed him from head to toe.

"Drakey?" (Dra-Keyy)

"Anong Alfino? Alvin," singit ni Sasha na ikinatawa ni Drakey. Best friend niya ito at mukhang hindi pa rin nawawala ang spell na iginawad ng reyna sa kaibigan niya bago siya mapadpad sa lupa. Iyon ay ang makilala siya nito kahit matagal na silang hindi nagkikita.

"Little girl, Alfino or Alvin does not matter. He's my friend."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon