CHAPTER 13-(ALMOST TROUBLE)

14 0 0
                                    

A/N: hang on guys. there's more. tell me if i'm boring and i'll reflect on it. nangangalahati na tayo.


*****

Isang linggo na silang nananatili sa Baguio at hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwaksi sa isipan ni Aqueia ang mga huling pag-uusap nila ni Ellerine. Normal lang silang kumilos ni Karien ngunit pareho silang kulang ang pagkatao.

Salamat sa tulong ni Aspen na siyang naging guide nila sa Baguio. Isa itong binata na may lahing sireno at tao. Hindi pa nito naranasang maging isang sireno ngunit nasa puso nito ang pagiging sireno.

"Kung gusto mo, mamasyal tayo minsan sa tabing-dagat at tuturuan ka naming lumangoy nang makita mo naman ang kahariang pinagmulan ng iyong ina."

"Salamat kamahalan," anito at itinapat ang kamao sa kaliwang dibdib.

Tumango siya at nagsimulang maglakad kaya sumunod ang dalawa. May limampung metro pa siguro pababa ay malinaw na sa paningin niya kung sino ang babaeng makakasalubong. It was the girl who tried to make him her bodyguard. Avril. That's her.

"Ganun ba ka-complicated ang mga sireno?" manghang tanong ni Aspen na ikinalingon niya sa mga kasama.

"Oo, at ngayon ay delikado para sa isang sirena o sireno ang makahalubilo ang kasalungat na kasarian."

"Bakit naman?"

"Oras na mahalikan ang nagdadalamhating sireno o sirena ay malalagay ito sa kapahamakan. Maaaring mawala ang alaala nito o di kaya ay maipalit ang imahe ng nanghalik sa imahe ng inibig nito."

Nakahalukipkip siya nang lagpasan sila ni Avril. It seems nabura ang alaala nito sa kanya. Marahil lahat ng nakasalamuha niya ay nawalan na rin ng alaala tungkol sa kanya. He just hopes Ellerine has forgotten him nang hindi na siya nag-aalala pa rito. Mas madali sigurong mag-move on para sa kanya kapag iisipin niyang nakahanap na ito ng iba.

Even if Avril did not recognize him as Ellerine's guest in the island before, she still showed sign of liking to him. Pasimple siyang nagkalkal sa bulsa at yumuko upang putulin ang eye contact.

*****

Sa loob ng isang bar ay na-meet nila ang isa pang kaibigan ni Aspen na isa ring sireno. Pureblood merman ito ngunit kagaya ni Aspen ay hindi pa nakaranas maging sireno. "Kamahalan, ano po bang maipaglilingkod ng iyong mababang lingkod?" inihatid sila nito sa isang private room ng bar.

"Ang nais ko lang ay tulong mula sa mga tao. You have more experience in the human world than I do. Alam kong marami na rin kayong koneksiyon sa mga nasa katungkulan. Matutulungan niyo ba ako sa aking adhikain?"

"James, tinatanong ka ng prinsipe," siniko ito ni Aspen dahil natulala ito sa kanya.

Napabungisngis siya. Marahil gulat ito sa paraan ng kanyang pananalita. If there is something he learned from Ellerine, one of it is his way of speaking. "Pardon me. Ang ibig kong sabihin ay kung maaari mo akong matulungan sa paglapit sa mayor o gobernador?"

"Ah, oo naman po kamahalan."

Palubog na ang araw nang matapos sila sa discussion ng mga dapat gawin at mga kailangan sa paghingi ng tulong upang matigil ang polusyon. "Bakit hindi kayo manatili para naman mabigyan ko kayo ng naaayong pagbati."

"Hindi na kailangan. Pagod na ang prinsipe at kailangan na niyang magpahinga dahil ilang gabi na rin siyang walang maayos na tulog--"

Tumayo siya at humawak sa balikat ng kaibigan kaya natigilan ito. "Tatanggapin ko ang inyong pagbati."

Isang masayang ngiti ang sumilay sa mga labi ni James na kanina pa tensiyonado lalo na at masyadong maraming tanong si Karien. "Kung ganon, maghahanda na ako ng mga inumin at makakain, kamahalan!"

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon