CHAPTER 19-(SUSPECT)

13 0 0
                                    

(A/N: Pasensiya nakung maraming wrong grammar. Raw at hindi pa ito edited pero gusto ko nang i-update ang story.)

Matapos ang masusing imbestigasyon ay nagpatuloy sa paghahanap sina Karien sa mga nangunguha ng mga tao. May suspetsa kasi siya na may kinalaman ang mga shokoy. Hindi pa man napatutunayang totoo ang mga ito ay may hinala siya.

Bata pa lang siya noon ay napadpad na siya sa isang napakadilim na bahagi ng karagatan at halos walang nabubuhay na lamang dagat maliban sa naglalakihang seaweeds at mga ligaw na ibang lamang-dagat. Nagsasanay siya noon bilang isang mandirigma ng karagatan kaya kinailangan niyang mapag-isa sa misyon na makapanghuli ng mga kriminal sa karagatan.

Bigo siya dahil sa hindi na siya nakaabot sa itinakdang oras ay hindi pa siya nakahuli ng kahit ano. Mula sa ibabaw ay may mga dumaang hugis-sirena kaya sinundan niya kung saan nagtungo ang mga iyon. Sobrang gulat niya nang makita ang maiitim na nilalang na may mga palikpik. Ang nakita niyang hugis-buntot ng sirena ay mga palikpik na naghuhugis buntot sa paglalangoy.

Hindi na siya nakalapit noon dahil nakita siya ng mga kasamahan sa training na inutusang maghanap sa kanya at sa iba pang nawawalang trainee na hindi umabot sa takdang oras. Tanging siya lang ang walang naipakitang huli kaya ang parusa niya ay isang linggong pagbabantay sa prinsipe. alam ng lahat na ang prinsipe ay napakakulit at mahilig takasan ang mga bantay kaya walang nais magboluntaryong maging gwardiya nito.

Noon sila unang nagkakilala ni Aqueia. At ang tanging alam ng lahat sa prinsipe ay iresponsable ito at laging nagsasaya ngunit sa kabila ng akusasyon ay piniling manahimik ng prinsipe. Kalmado lang itong nakikipag-usap sa kanya at alam nito ang kanyang parusa kaya hindi na ito nagtangkang pumuslit sa loob ng isang linggong kasama siya nito. At dahil doon ay naging matalik silang magkaibigan.

Sa loob ng isang linggong iyon ay naikwento na niya halos lahat ng karanasan sa page-ensayo upang maging mandirigma ng karagatan at ito naman ay naikwento na rin ang halos lahat ng karanasan sa lupa. Hindi niya napigilang sabihin sa prinsipe ang tungkol sa mga nakita niya sa araw ng paghuhuli ng mga kriminal.

"Karien, ano nang balita?" Aqueia asked that made him draw back to the present.

"Kamahalan, familiar ka ba sa kwento ng mga shokoy?" tanong niya at napakunot-noo itong umupo sa kaharap na sofa.

"Yeah. Hindi na bago yan sa akin dahil yan ang madalas na panakot sa akin ng mga gwardiya noong maliit pa ako. Kwento daw ng mga matatanda na ang mga shokoy ay dating mga sirena na may maitim na budhi kaya isinumpa sila ng karagatan. Binawi ang maganda nilang kutis at buntot. Napalitan ang kutis nila ng maitim na balat at ang mga buntot ay naging paa na may mga palikpik."

"Tama," aniya at muling napaisip kung sasabihin ba ang teorya o sasarilinin na lamang. Bumuntong-hininga siya at ginawa ang unang choice. Idinulog niya rito ang saloobin kahit na may pag-aalinlangan dahil baka pagtawanan lang siya ng prinsipe. Bahala na kung pagtawanan niya ako.bumuntong hininga siya at sinabi niya ang lahat ng mga nais sabihin tungkol sa mga shokoy at sa mga nakita niya noong bata pa siya at nage-ensayo pa bilang mandirigma ng karagatan. Ngunit iba sa iniisip niya ang reaksiyon ng prinsipe. Napangisi lang ito at sinabing pareho lang sila ng iniisip at kagaya niya ay nag-alinlangan ding magsabi sa kanya. "Kung ganon ay naniniwala kayong may shokoy?" kapagkuwan at tanong niya.

Aqueia shrugged and leaned on the sofa. "Sa paniniwala ng mga tao ay mga kathang-isip lamang tayong mga sireno at shokoy. Ngunit hindi nila alam o karamihan sa mga tao ay hindi alam na totoo tayo. Alam mo ba kung paano nagkaroon ng mga kwento tungkol sa atin sa ibabaw ng lupa?" He nodded sideways so the prince continued. "It was a long time ago when our ancestors lived harmoniously with humans especially in small provinces where our ancestors inhabited as place of relaxation. Ngunit may mga hidwaang naganap sa pagitan ng mga tao at sireno sa ibang parte ng mundo kaya naapektuhan ang relasyon nila. Now, do you get what I mean?"

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon