CHAPTER 17-(CONSPIRACY-Part 2)

26 0 0
                                    

Si Gellaine na ang bahalang nagbihis sa kaibigan habang nasa kusina at nakatambay sila Aqueia at Alvin. Nakahalukipkip ang babae malapit sa pinakukuluang elbow macaroni. Alvin silently thanked when Gellaine went off to see Ellerine. "Can't she really cook like you?"

"Needless to say. She's more demanding and less skillful. But there are times na nakaka-chamba ito."

Tumango siya. Few talks about other things won't take away his curiosity. "Are you always a chef?"

Binuksan nito ang lata ng evaporated milk at napataas ng kilay marahil sa biglaang diversion ng topic niya. Inilagay na nito ang gatas sa kaserola at inihalo saka lumingon sa kanya, "Meaning..."

"Wala ka bang ibang hobby aside from cooking although you can say it's your job? At bakit dito sa seaside? Why not on ships or in Manila?"

Natatawa itong nilapag ang sandok, "I don't feel any grudge on you except you ran away when I was about to give you my specialty dish last night kaya sasagutin ko ang tanong mo. But to tell you honestly, I like it here more than any place except for my hometown."

"Hometown? Saan?"

"Let me finish the cooking," Gellaine hurried into the kitchen kaya diskompiyadong umalis silang dalawa.

Hindi na sila umimik. Walang pwedeng kumontra. Hinayaan na lang nila ito sa kusina. Hindi naman siguro nakamamatay ang lulutuin nito.

*****

Wala pa ring tigil ang ulan na ngayon ay may kasama nang kidlat at kulog. Tumayo siya sa tabi ng bintana at hinawi ang kurtina. Napaisip na naman si Aqueia.

Marahil nagkakagulo na naman sa ilalim ng karagatan dahil sa mga nalulunod at iniaanod ng alon tuwing may ganitong bagyo. Laging may mga kawal na nakaantabay malapit sa pampang na nagsisilbing lookout.

Nakahanda ang mga seaweed na ipapakain upang makahinga sa ilalim ang mga taong sinasagip. Dinadala ang mga biktima sa ilalim ng karagatan upang doon muna sumilong dahil hindi rin sila maihahatid nang ligtas sa pampang dulot ng malalakas na alon na maaaring tumangay din sa mga kawal.

Pagkatapos ay bibigyan sila ng oblivion extract na mga sirena sa kusina ang mismong naghanda. Hindi na kailangan inumin ng sireno o sirena upang hipan sa tao. At hindi rin malalason ang tao sa pag-inom.

Tahimik lang siAqueia nang umalis na agad si Alvin upang magligpit na sa kusina. Naalis lang sa labas ang atensiyon niya nang bumaba si Gellaine mula sa mezzanine floor, dala ang pinagkainan ni Ellerine. "Aqueia, halika na. Sabay na kayong kumain ni Alvin," anyaya nito kaya ngumiti na lang siya.

Tatanggi na sana siya ngunit naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura. Atubiling sumunod siya sa kusina nang may magsalita galing sa taas. "Wag kang tumanggi sa grasya, Mr. Blue," hawak ni Ellerine ang noo saka bumaba kaya lumapit siyang nakaalalay.

"Aqueia is fine, thank you."

"Stay for the night, Aqueia," saad ni Gellaine sa kusina at ngayon ay naglalakad na dala ang umuusok sa bowl ng sopas.

"He can go after dinner. I don't need chaperon. Kung busy ka Gel, ayos lang. I can manage. Lagnat lang naman ito. Pagaling na rin ako matapos kong uminom ng gamot."

Alanganin niyang tinanggap ang pagkain habang hinihintay ni Gellaine ang kanyang pagsubo. Napangiwi siya sa hitsura ng pagkain dahil napakaraming onion chives. Suminghot siya. Tinignan niya si Alvin na nakamasid din sa kanya mula sa kitchen counter. Itinaas nito ang mangkok at tumango, meaning sabay na silang sumubo. He had no choice and scooped from his bowl but avoiding any leaves.

His eyebrows twitched. Masarap ang sopas kaya sunod-sunod siyang sumubo kahit may nasasala nang onion chives. Mainit at hindi niya nahihipan nang maigi ang isinusubo kaya napaso ang dila niya at hindi sinasadyang mabitawan ang kutsara kaya naman tumalsik ang sabaw sa kanyang kamay.

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon