CHAPTER 17-(CONSPIRACY-Part 1)

15 0 0
                                    

*****

Maagang umuwi si Aqueia mula sa party kagabi dahil sa tulong ni Aspen. Nalaman niya rin na ito ang dahilan kung bakit nakapasok sa event si Avril. Tinakot ito ng babae na magpapadala ng water truck para sirain ang party. Although it was an absurd threat, hindi imposible na gawin ng babae ang sinabi. The resort belongs to San Dejas at galit ito kay Ellerine. Muntikan na siyang gawin nitong bodyguard noon. And there's no joking when it comes to her.

According to the four guys around him, muntik na rin niyang halikan ito three years ago. Wala siyang maalala sa event na nalasing siya at dalhin sa isla upang magamot dahil sa mataas na lagnat. And it took enough courage not to talk to Ellerine the night after that.

"Wala naman akong pakialam kung sinira niya ang party kagabi. Ang ikinakatakot ko lang ay baka may halong tubig-dagat ang isaboy doon. Kapag nangyari ay mabubunyag ang lihim natin," lumuhod si Aspen nang bumangon siya at umupo sa kinahihigaang sofa. "Patawad sa muntikan ninyong kapahamakan."

"Ilang beses ko bang sasabihin na wag kang humingi ng tawad kung ginawa mo ang makakaya mo?" tanong niya at yumuko ito. Sa tatlo, ito ang pinakamahiyain. Mas makapal ang mukha ng magkapatid na humarap sa kanya kahit may pagkakataong sumasablay rin. Humihingi ang mga ito ng tawad ngunit hindi kagaya ng kay Aspen na lagi na lang lumuluhod.

"Patawad kamahalan."

"Isang beses pang paumanhin, parurusahan na kita."

*****

Habang tinititigan ni Aspen ang prinsipe ay napapaisip siya. Ayon sa mga kwento ni Karien ay optimistic ito at hndi niya maiwasang mag-imagine kung ano ang hitsura ng prinsipe kapag nakangiti nang malawak. Sa tatlong taon na nakasama niya ang prinsipe ay hindi pa niya nakitang ngumiti ito na parang walang problema.

Tumayo na siya at nagtungo sa kusina upang magtimpla ng kape. "Kamahalan," iniabot niya ang mug nito.

"Salamat."

Masaya na siyang makita itong maayos ang kalagayan. Hindi niya lubos akalain na ang paglingkuran ang isang prinsipe ay ganito nakaka-gaan ng loob. Maaga siyang naulila at nalaman niya rin ang tungkol sa kanyang pagkatao sa murang edad.

And he is willing to go with the prince in his kingdom. Kahit nagmumukha itong nakakatakot at walang pakialam, deep down ay kabaligtaran ang lahat. Marahil sa bigat ng dinadala nito sa balikat kaya nahubog ang pagkatao nito sa panlabas.

*****

Isang malakas na pagbuhos ng ulan ang sumalubong kay Ellerine nang lumabas sa building. Nagkalkal siya sa bag ngunit walang payong at cellphone. She had no choice but to cross the streets in the downpour to get her car.

Sampung minuto lang ang layo ng kanilang bahay sa building na iyon ngunit nakasanayan na niyang umuwi sa penthouse ng Sea-Reyna kaya kahit aabutin ng isang oras na pagmamaneho ay doon siya uuwi.

Habang nagmamaneho ay nakaka-stress ang traffic sa plaza. Sumasabay pa ang sakit ng kanyang ulo kaya minasahe niya ang sentido at itinuon sa daan ang pansin. Ilang beses siyang bumusina bago umabante ang traffic kaya agad siyang lumiko at binilisan ang pagmamaneho.

Kung bakit ba naman kasi sa dami ng araw ay ngayon pa niya nakalimutan magdala ng payong. Pati cellphone ay wala rin kaya hindi niya matawagan si Chef Alvin upang sunduin siya sa parking area. Kahit malakas ang ulan ay himalang marami pa rin ang nakaparadang sasakyan ng customers kaya nahirapan siyang makakuha ng parking-an.

Hindi pa rin tumitigil ang ulan kaya muli siyang nakipagsapalaran hanggang sa makarating sa Sea-Reyna na ngayon ay bakante. Ang main hallway lang ang nakabukas ang ilaw kaya madilim sa parte ng dining tables. Tinanggal niya ang mga sapatos saka sinipa papunta sa kinaroroonan ng malaking paso.

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon