Chapter 5 (The Mermaid)

91 2 0
                                    

"Yes sir. Ganyan talaga ang luto namin dito. Regular," saad ni Ellerine sa harapan ng customer na nasa table for two.

Mamahalin lahat ng gamit nito mula ulo hanggang paa. Elegante at mukhang babaero sa sarili niyang assessment. Base sa kilos nito at pagngiti sa kaharap na babae sa table, no doubt na babaero nga. Brunette ang kulay ng buhok ng babae na umaabot sa siko. At nag-match pa sa suot na yellow-green tube-dress. Maputi, makinis at maganda.

"So, kailangan bang kami pa ang magtimpla at magluto ng sarili naming order?" pagsusungit ng lalake.

Aba! Gusto na niya itong sagutin at nagngingitngit na siya kanina pa dahil ilang beses siya nitong ipinatawag. Napuno na siya sa kakulitan ng staff kaya nag-decide na pumunta upang harapin ito.

She took a deep breath. Gwapo na sana.

"Sir, as I was saying, ganyan talaga ang luto namin dito. And besides pwede niyo namang i-request sa chef kung gusto niyong half-cooked lang ang-"

Tumayo ito at hindi rin biro ang tangkad nito dahil napatingala pa siya kahit naka-heels na. "Miss," putol nito sa sasabihin niya. Nasa gilid sila malapit sa glass wall at medyo magkakahiwalay ang mga table at walang masyadong tao dahil kakabukas pa lang sa oras na iyon. Tinignan nito ang ka-date na babae.

Wala itong malay sa kanilang pinag-uusapan. Todo sa pagpapa-cute ang lalake na hinila siya palayo bago ito nag-sigh, "Forgive me."

"Anong-" hinila pa siya sa mas malayo. Susunod pa sana yung babae ngunititinaas nito ang palad upang pigilin ito. He dragged her away hanggang sa kabilang table bago siya kumawala sa hawak nito, "Ano ba?"

"Oh sorry," agad itong bumitiw saka ngumiti sa babae na uminom ng tubig sa baso nito. "You see her, right?"

Ano bang gusto nitong palabasin? Nagtaas siya ng kilay, "Yes. Why?"

"She's really weird. I can't stand this girl. She's really demanding and to be honest wala naman talagang mali sa pagkain. Masyado lang siyang maarte-"

"Kuya! Elle!" sabay silang napatingin sa glass door. At ang ganda ng bihis ni Gellaine na naka-tube dress na kulay peach na hanggang sa tuhod. Lumapit ito sabay turo sa kanila, "Magkakilala kayo?"

Tinabig ng lalake ang daliri ng kaibigan. "Ilang beses ko bang sasabihin na wag kang magtuturo," saway nito.

Nagpamewang siya, "Magkapatid kayo?" tanong niya na palipat-lipat ng tingin sa kanila. Ang layo kasi ng itsura nila. Sobra sa tangkad itong lalake na may pagka-western ang dating lalo pa at soft brown ang irises nito under dark eyelashes. Matangos din ang ilong at namumula ang pisngi. Samantalang si Gellaine ay mas maliit sa kanya ng isang pulgada pero mas sexy at mas sopistikada. Matangos din naman ang ilong pero hindi mapaghahalatang magkapatid nga sila.

Napatingin si Gellaine sa tabi ng bintana kung saan inaamoy na ng babae yung table. She smirked at tinignan ang kapatid nitong napangiwi na rin. "Where did you meet that girl?" tanong nito na nakapagpakibit ng balikat nito.

Habang tinitignan niya ang babae ay naalala niya kung paano umakto ang dalawang lalake kagabi. Weird.

"I just met her by the seashore," sagot ng lalake na natatawa sa ginagawa nitong pananalamin sa glass wall.

Ang ganda nung babae at sopistikada ang dating para umakto nang ganito lalo na sa harapan ng ka-date. Kaya naiiling na lang siyang iwinawaksi ang naiisip na kasama ito ng dalawang lalake na si Aqueia at Karien.

Duda siya kung mga manggogoyo ang mga ito. Dahil kung manggogoyo man, hindi sila ganun umakto. Dapat aakto sila na parang kawawa o di kaya ay parang matatalino.

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon