CHAPTER 9-(GOODBYE)

47 2 3
                                    

Matagal na pinag-isipan ni Aqueia ang gagawin. Ilang beses na rin siyang nakikipagkita kay Karien na hindi na muling nagpakita pa kay Ellerine.

"Kamahalan," anito habang nakalubog sa tubig na ang buntot ay humahampas sa ibabaw dala ng alon. Nakatingala ito sa kanya habang siya ay nakapamulsa, "Hindi ko man maamin sa sarili ko ngunit nakikita ko sa inyong mga mata na nais niyo pang magtagal dito sa lupa."

"Tama ka. Ngunit masyado na akong nakakabigat kay Ellerine. Napapalapit na rin ang kalooban ko sa kanya. Kung magtatagal pa ay baka hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Mas maaga, mas mainam."

Pareho lang sila. Napalapit na sa mga partikular na tao. Hindi rin lingid sa kanyang kaalaman na bumibisita si Karien at nakikipagkita kay Gellaine. Masyado na yatang na-love struck ang kaibigan sa isang babae. And worse isang tao. Na noong una ay kinaiinisan nito mabanggit lang ang salitang tao.

He could not help but grin. "Sige na, baka masyado ko nang nakukuha ang oras mo na dapat ay para kay Gellaine."

"Ha? Ano-Paanong..." nag-iwas ito ng tingin at namumula ang mga pisngi. Mukhang hindi nito inaasahan na malalaman niya ang sikretong pagtatagpo ng mga ito.

Paano ba naman, halos araw-araw kung mangulit ang mga isda sa kanya. At napapakiusapan niya ang mga ito na huwag na lang magsumbong sa reyna.

"Kung ganon, hayaan niyo akong magpaalam na rin sa kanya at nang masundo ko kayo. Sabihin niyo lang kung kailan ako babalik."

"Karien, hindi sa sinisira ko ang relasyon ninyo ngunit pareho nating alam ang batas ng karagatan na pinairal ng dating hari. Na siya pa ring pinangingibabaw ng isa nating hari sa karagatan. Kapag siya ang nakaalam ay isang matinding parusa ang naghihintay."

"Alam ko po iyon. At sang-ayon ako sa inyong desisyon. Hindi ko nga lang makuha ang tamang pagkakataon upang sabihan kayo."

Itinaas niya ang kamay at iniunat ang palad tanda ng basbas saka ito yumuko bilang pagtanggap bago tuluyang lumangoy.

Nanatili pa siya ng ilang oras hanggang may marinig siyang kaluskos. Malakas naman ang pandinig niya ngunit hindi niya namalayan na may dumating dahil masyado siyang abala sa pag-iisip.

Seeing Ellerine's face made his heart waver.

Pero kailangan niyang gawin ang nararapat. Upang protektahan ito ay dapat na siyang lumayo. At upang hindi na ito magambala pa ng kapwa nitong mga tao dahil sa kanya.

It is time to set her free. Marami na siyang natutuhan sa mundong ibabaw at maaari na siyang magsarili sa pakikipag-usap sa mga nanunungkulan ukol sa usaping pandagat at kalinisan.

Araw-araw kasi ay nababalitaan niya ang malagim na pagkamatay ng mga isda, maging mga bagong pisa ay hindi na pinatawad. Laganap ang oil spill. Maya't maya ay nariyan ang pagtatapon ng mga kemikal.


**********

"Ellerine..." his voice is husky. Nangungusap pa rin ang mga matang tutok na tutok sa kanya. Nalulunod siya sa bawat sandaling magkatitigan sila. Idagdag pa ang pangangatog ng mga tuhod niya sa hindi malamang dahilan.

Lumunok ito saka mariing pumikit.

Hindi niya napigilan ang sarili at yumakap sa bewang nito. He stiffened for a moment bago ito gumanti ng yakap. Isinubsob pa nito ang mukha sa kanyang buhok na hanggang balikat. Pakiramdam niya ay napakabigat ng pinapasan nito sa dibdib.

"Aqueia, may problema ba?" tanong niya habang nakayakap pa rin and she felt him nod sideways. Umakyat ang isang kamay nito sa kanyang likod kaya mas nakabig siya nito palapit.

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon