CHAPTER 12-(THE CRAZY DOCTOR)

17 0 0
                                    

A/N: sorry kung may discrepancies sa mga pangyayari but i try my best to connect them all at once. kindly notify me if magulo ang multiple point of view. sinusubukan ko kasing ipakita ang side ng bawat isa sa mga eksena.


*****

Matagal nang itinatag ni Doctor Liwnababa ang research center na kasalukuyang kinaroroonan. Marami na siyang isinakripisyo at naipundar para sa pananaliksik tungkol sa mga sirena. Nakaya na niyang isakripisyo ang pamilya at iwan ang mag-ina niya para lang sa research.

Isang makasariling eksperimento ang kanyang ginagawa at hindi iyon makukompleto hangga't walang kahit isang patak ng dugo ng buhay na sirena.

Dalawampu't pitong taon na siya sa laboratoryo at walang bisa ang dugo ng natagpuan nilang bangkay sa tabi ng dagat. Malakas ang kutob niya na hindi iyon tao dahil sa taglay nitong kakaibang marka sa balat.

Nais niyang makompleto ang eksperimento dahil nais niyang magkaroon ng access sa ilalim ng karagatan. Kapag nakompleto ang eksperimento, makakahinga siya sa ilalim ng dagat at maaaring mabuhay doon nang hindi umaahon at walang gamit na oxygen tank.

Nais niyang angkinin ang mga lamang-dagat upang iexport sa ibang bansa at magkaroon ng maraming pera. Pera ang dahilan kaya sumugal siya sa eksperimento na tinalikuran na ng marami at siya na lang ang natitirang lumalaban sa loob ng facility na kinalimutan na ng mga nakasamang doctor.

*****

Magkasamang lumalangoy sina Karien at Aquiea nang parehong makaramdam ng paninikip ng dibdib. Katatapos lang nilang magpaalam sa mga sinisinta at alam nila ang mangyayari. Hindi man sila naparusahan ngunit may maiiwang sugat sa kanilang mga puso. Hindi man literal na sugat ngunit sa kanilang mga sireno ay magkakaroon sila ng pilat sa dibdib tanda ng kabiguan sa pag-ibig. Bawat kabiguan ay panibagong marka.

Kapos sila sa hininga nang umahon sa pampang dahil sa parehong dinaramdam. "Mukhang tinamaan ka na nga ng pana ni Kupido," panunukso ng prinsipe kay Karien.

"Hindi ko maintindihan ang sinabi mo kamahalan."

Ngumiti ito. "Darating din pala ang panahon na makikita kitang umibig."

Nag-iwas siya ng tingin. Mga bata pa lamang kasi sila ay tila sakit ang turing niya sa mga babae. Hindi siya palakaibigan sa mga nakakalarong mga batang sirena. Lagi rin siyang inaasar noon na baka hindi na siya makapangasawa. Lagi rin niyang sagot na 'mas mabuti nang walang asawa at minamahal kaysa ang masaktan'. Naging saksi kasi siya sa kabiguan ng kanyang ama.

Sumama ang kanyang ina sa sirenong tumangay rito at hindi na nagpakita pa. At sigurado siyang nasa Antarctica ang mga ito kung saan nagkukubli ang mga exiles ng kaharian.

"Hindi ko rin inaasahan sa sarili ko na magmamahal ako. At sa isa pang babaeng mula sa lahing dati kong kinamuhian. Di ba't ikaw din kamahalan?"

Nilingon niya ito na ngayon ay nakatayo na at hawak ang dibdib na may pilat sa tabi ng tattoo nitong hugis-korona. Sa tutuusin ay maliit lang ang pilat. Kasinghugis ito ng hook ng dangling earrings na minsan na niyang narinig kay Gellaine ang tawag sa palamuting nasa tainga nito.

"Hindi ko rin inaasahan ang kabiguan. At ang masaklap ay sabay pa tayo," iniunat nito ang kamay at tinulungan siyang makatayo. Alam niya ang kalungkutang bumabalot sa puso nito dahil ramdam niya rin ang nararamdaman nito. Pareho silang bigo sa pag-ibig. At parehong mga tao ang kanilang inibig. Magkaibigan sila at magkaibigan din ang mga ito. Napakasaklap na kapalaran para sa isang prinsipe na hindi makuha ang gusto samantalang nasa kanya na ang lahat kung tutuusin.

Lahat ng magagandang sirena sa ilalim ng karagatan ay handang pumila upang pakasalan ito. Maging siya man ay isa rin sa choice ng mga ito. Ngunit ganoon pala talaga ang puso. Hindi ito matuturuan kung sino ang iibigin. Kusa na lang itong iibig nang hindi nagpapaalam. Kung alam niya lang na ganoon ang mangyayari ay pinangatawanan na lang sana niya ang hindi pakikisalamuha sa mga tao.

Ang Sirenong ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon