Chapter 3

143 30 7
                                    


        Magkasamang naka-upo sa sahig ng hallway sina Aubrey at Miller. Binabalot silang dalawa ng nakaka-ilang na pakiramdam. Lilinga-linga si Aubrey kay Miller, trying to see if he wants to talk to her. Naka-ilang tingin man siya rito, hindi pa rin siya napapansin ng binata. Tila talaga'y robot ito — walang pakiramdam at napakamanhid.

        "So..." Aubrey initiated the conversation. Nang magsalita siya, tumingin sa kanya si Miller, still looking empty. "Nakalimutan mo rin ang libro mo?" tanong ng dalaga. Umiling si Miller.

        "May libro ka naman pala, eh. Bakit ka tumayo?" she interrogated.

        Miller stared at her in confusion. He whispered, "Ayokong umattend sa klase niya."

        Natawa naman si Aubrey sa sinabi ni Miller. "Totoo ba 'yan? Baka naman kasi gusto mo lang ako kasama rito," pang-aasar ni Aubrey. Ngumisi ang dalaga at hinampas-hampas si Miller nang mahina.

        "You're not my type."

        Sa apat na salitang binitawan ni Miller, nawala ang ngiti sa labi ni Aubrey. Hindi siya makapaniwalang minsan na nga lang magsalita ang lalaking ito at mapanakit pa. She felt like her pride and confidence got crushed by his words. "Nagbibiro lang naman ako, eh," Aubrey whined.

        "Salamat nga pala sa pagtatanggol sa akin mula ro'n sa tindera pati na rin sa ex mo." Tiningnan ni Miller sa mata si Aubrey. That was cut off nang makaramdam siya ng hiya. Umiwas siya ng tingin by looking away, far into the other end of the hallway.

        Aubrey looked delighted when she heard those words come out of Miller's mouth. Her eyes bulged and her lips formed a big smile. "H'wag mo na 'yon alalahanin. My ex is really stupid, you know." Aubrey smiled as an assurance na hindi ito problema para sa kanya.

        "Stupid?" Miller chuckled silenty. "Yeah, it shows."

        Natawa naman si Aubrey sa sinabi ng binata. "By the way, Aubrey," tawag ng binata sa kanya.

        "Yes?"

        "S-sorry nga pala kung medyo harsh ako nang sabihin kong lasang damo 'yong binigay mo sa 'kin. Tinry ko kahapon kung magugustuhan ko for the second time. I actually like it," Miller laughed. He covered his face in embarrassment.

        Aubrey smiled from ear to ear nang makitang ngumiti ang binata. Ngayon lang niya nakitang masaya ang binata nang gano'n. "Alam mo Miller, mas gusto ko kapag nakangiti ka. Hindi ka mukhang robot."

        "Robot?" he gulped. Nakangiti si Aubrey whereas Miller is confused.

        "Oo. Hindi mo ba 'yon naririnig sa mga kaklase natin? 'Yon nga minsan ang tinatawag nila sa 'yo, eh, but you ignore them," Aubrey giggled.

        Napatingin silang dalawa nang may nakita silang paparating sa direksyon nila. The smile on Aubrey's face faded nang makilala niya ito. It was Joanna, her rival no'ng hindi pa niya kasintahan si Kayden. Joanna did her best to defame her through spreading fake rumors. Even though people knee that this was not true at isang taon na rin naman nang makalipas ito, hindi pa rin magawang kalimutan ni Aubrey ang sakit na naramdaman niya dahil pakiramdam niya ay sumama siya sa paningin ng mga tao.

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon