Chapter 15

53 7 12
                                    

        "Mare, ilike mo na rin 'yong facebook page ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        "Mare, ilike mo na rin 'yong facebook page ko. Reseller kasi ako ng mga avon products. Baka kasi gusto mo," anang Ms. Cruz sa kanyang best friend co-teacher na si Ms. Saique.

        Pabalik na ang dalawa mula sa cafeteria. Ms. Cruz just refreshed her mind para matutukan niya ang section na kukuha ng Physics test ngayong araw. Nang makarating sa hallway, napansin ng magkaibigan ang estudyanteng si Miller. Ngumiti ito sa kanila. Bati nito, "Good morning po, Ms. Cruz and Ms. Saique." Tumango naman ang dalawang guro.

        "Hindi ba 'yon ang nobyo ng maganda mong estudyante?" tanong ni Ms. Saique.

        Tinaas naman ni Ms. Cruz ang kanyang kilay. "Ayon sa assumptions ko, baka mayroon silang relationship. Ayaw ko namang magconclude dahil hindi naman ako ang dapat magconfirm no'n," ani Ms. Cruz.

        Binuksan ni Ms. Cruz ang pinto ng faculty. Nagulat naman siya dahil madali niya itong nabuksan. Hindi nakaayos ang sara ng pinto at kaunti lamang ang awang ng pinto. May masamang kutob siya rito.

        Pagkapasok sa loob, parang kumawala ang kaluluwa niya mula sa kanyang katawan. Her notebooks are scattered everywhere. Isama mo pa ang pen holder niya na nakatumba na. Sayang naman ang mga pilot ballpens niya dahil sa pagkakataong bumagsak ito, papangit na ang kalidad ng panulat.

        She rushed to her desk and inspected her bag. Hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang file organizer. "Bakit, bes? Ano ang nangyari?" usisa ni Ms. Saique.

        "Mayroong pumasok sa faculty. Siguro'y may nagnakaw ng test paper for their examination today." Hinugot niya ang file organizer niya. Sa pinakahuling section niya nilagay ang test papers and key to correction. Nandoon pa rin naman ang test papers ngunit nawawala na ang key to correction.

        Napabuntong hininga siya. "These students are getting on my nerves. Magche-cheat na nga lang, halata pa," anito.

        Sampung minuto na lamang ay papasok na siya sa next section na may examination for Physics. Ginugol na lamang niya ang oras na natitira sa pag-aayos ng kalat.

~•~

        Dali-daling tumakbo pabalik sa classroom si Miller. Bumili lamang kasi ang binata sa cafeteria ng mineral water dahil nauuhaw na siya. Ilang minuto na lamang kasi ay magsisimula na ang examination nila for Physics. Gusto niyang i-recall ang lahat ng pinag-aralan niya para sigurado na siya sa isasagot niya.

        Pagkabalik niya sa classroom, lahat na ng kaklase niya ay nag-aaral. Ang ingay na maririnig mo ay tanging pagbigkas ng mga estudyante sa mga formula na gagamitin nila. Miller sat down and looked at Aubrey's direction. Tutok na tutok ang dalaga sa pagbabasa. He smiled because of that beautiful view.

        Binasa niya ang notes na sinulat niya sa yellow paper. Sinummarize na niya kasi ang buong chapter na ite-test nila para hindi na siya magbubuklat ng libro niya. Naiinis siya kasi nakakaubos ng oras ang pagbubuklat ng libro, lalo na kapag malayo pa ang pahinang hahanapin.

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon