Chapter 25 - END

98 7 23
                                    


Hinatid ni Joanna si Claire sa sakayan pauwi sa bahay nito. Gusto niyang makasiguro na hindi makakalapit si Kayden kay Claire dahil baka may gawin na naman ito kay Claire. Bumalik naman si Joanna sa eskwelahan upang kunin ang kanyang nakatagong phone which is still recording.

Sumadya siya sa locker room. She was surprised to find her phone on the same exact place she left it. Mukhang hindi ito napansin ni Kayden. Pinindot niya ang stop button upang matapos na ang recording. It recorded 27 minutes. Siguro wala pang sampung minuto ang kinakailangan niyang clip for exposing Kayden.

Joanna felt excited dahil perpektong pagkakataon na ito upang itama ang lahat ng nabaluktot -- uunahin niyang pupuntahan ay ang ina ni Aubrey. Dahil nga sikat si Aubrey, lahat ng bagay na nangyari these past few weeks blew up in their school. Ayon kasi sa mga chismis, noong nakaraang linggo ay pinagbawalan na si Aubrey na makalapit kay Miller. Mapatutunayan naman itong tama ni Joanna dahil napansin niya na kada uwian ay sinusundo si Aubrey ng kanyang Mommy. Knowing Kayden's nasty ways, alam niyang may kinalaman ito sa pagka-grounded ni Aubrey.

"Para po!" Pinara ni Joanna ang nagdaang tricycle. Binanggit niya ang address ng bahay nila Aubrey. Hindi naman gano'n kalayo ang tinitirhan ng dalaga kaya thirty pesos lang ang babayaran niya at special ride na ito.

Ten minutes ang nilakbay ni Joanna at nasa subdivision na siya kung saan nakatira si Aubrey. Alam niya ang bahay nito dahil nakapunta na siya roon dati. Naalala niya ang mga araw na 'yon dahil magkaaway pa silang dalawa dahil kay Kayden. Gusto nal ang niyang masuka dahil sa alaalang 'yon.

Mayamaya pa ay nasa harapan na siya ng bahay nila Aubrey. Magara ang bahay nito. Second floor ang bahay nila at nakapaligid naman dito ang gate na may dark stone brick design. Sumigaw siya, "Tao po!"

"Sandali lang!" Naginhawaan naman sa pakiramdam si Joanna nang marinig ang boses ng Mommy ni Aubrey. Aubrey's mother opened the small gate.

"Oh, Joanna. Napapunta ka yata rito?" anito. "Pasok ka."

Pinapasok nito si Joanna sa loob. Tinuro ng mommy ni Aubrey ang front door nila, instructing Joanna to head inside the living room habang sinasara nito ang gate. Umupo naman si Joanna sa couch.

"Ano ang gusto mong kainin, ineng?" tanong ng mommy ni Aubrey kay Joanna.

Tipid namang ngumiti si Joanna. "Kahit wala na lang po, tita. May gusto lang po sana kasi akong linawin sa inyo. Mabilis lang po," tanggi nito. Hinugot ni Joanna mula sa kanyang bulsa ang phone niya. She tapped the gallery button and t-in-ap ang litratong kinuha niya mula sa conversation nila Claire at Kayden. She handed the phone over to Aubrey's mom. Nakakunot namang tiningnan ito ng mommy ni Aubrey.

"Ano ito?" usisa ng mommy ni Aubrey.

"Tita, gusto ko lang po sanang malaman ninyo na ang paratang na mandaraya si Miller sa examination ay hindi totoo. Lahat po ng nalaman ninyo mula kay Kayden ay gawa-gawa lang po niya," Joanna remarked. "Bali-balita po kasi sa eskwelahan na pinag-break niyo po sila Aubrey at Miller dahil ayaw niyo po kay Miller. Nais ko lang pong malaman ninyo na inosente si Miller sa lahat ng binintang sa kanya na gawain. In fact, Miller is actually good with his studies."

"Hindi ko po lubos na maisip na magagawa 'yon ni Miller kaya gumawa po ako ng imbestigasyon tungkol doon nang mabuksan ko po ang phone ni Kayden," dagdag nito.

Nilapag ng mommy ni Aubrey ang phone ni Joanna sa center table. Natulala siya dahil sa nakitang ebidensya na pinanghahawakan ni Joanna. "Hindi ako makapaniwala. Akala ko'y mabait na bata si Kayden," aniya.

"Hindi po," giit ni Joanna. "Kayden is a manipulative person. Kung mababasa niyo po roon sa pinakita ko sa inyo, sinabi po niya sa kausap niya na if they get caught with this act, kukumbinsihin niya po ang magulang niya na bayaran na lang ang school upang hindi siya mapahamak. Makikita niyo pa lang po r'yan na huwad ang prinsipyo ni Kayden. He doesn't play fair."

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon