Chapter 6

86 20 15
                                    


        This is the day. Ilang araw ang nakalipas para sa preparasyon ng mga estudyante para sa Valentine booth nila. Hopefully, all of their hard work will pay off today. Ang tema ng booth ng section nila Miller at Aubrey ay isang romantic restaurant. Boring na naman ang napuntang trabaho para kay Miller — ang pagiging waiter sa mga guest nila.

        Alas nuebe na ng umaga. Ito ang oras kung kailan magbubukas na ang lahat ng booths ng senior high school. Na-assign sa senior high school ang booths dahil sila ang least number of students in Wangjog High compared to the junior high school students.

        Miller felt nervous. He doesn't like initiating conversations. Hindi pa nagsisimula ang kanyang pagtatrabaho sa booth nila ngunit pinagpapawisan na siya. Hinugot niya ang panyo mula sa kanyang bulsa at pinahid ito sa mukha niya. He can do this!

        "Miller!" Natigilan si Miller nang tawagin siya ni Aubrey. Lumapit ang dalaga sa kanya.

        She stared at his outfit. He is wearing a white long sleeved polo na naka-tuck in. He is also wearing black skinny jeans which is paired which black school shoes. Disenteng-disente ang itsura ng binata. Tila ba'y parang waiter talaga ang pormahan nito.

        Napansin ni Aubrey na hindi nakaayos ang suot na neck tie ng binata. She leaned closer to him. She fixed Miller's neck tie. Nakafocus si Aubrey sa pag-aayos ng tie ng binata samantalang si Miller naman ay nakatitig sa kanya, not knowing what to do. Nang dahil sa ginawa ni Aubrey, his heart raced.

        "'Yan, maayos na. Pogi natin, ah!" papuri ni Aubrey sa binata. Lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ni Miller nang marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Aubrey. Hindi na niya napigilang mamula sa ginawa nito.

        "S-salamat," he stuttered.

        "Aubrey!" tawag ni Erin sa dalaga. Lumingon si Aubrey sa kaibigan niya. Erin approached her at nilagay ang kamay niya sa braso ng kaibigan niya. "Tara na. Let's explore all the booths!"

        Aubrey turned to Miller. She waved her hands and greeted, "Bye, Miller. Good luck!"

        Tumango lang si Miller and smiled back. As he watched her go away, he realized something. Hindi pa siya nakakaramdam ng ganito — kakaiba ang pattern ng pagtibok ng puso niya sa tuwing makikita niya si Aubrey. Whenever he stares at her, tila ba'y gustong kumawala ng puso niya. It jumps in hapiness with the thought of her.

        This is something new for him. Isang babae pa lamang ang nagugustuhan niya noong nakaraan ngunit limang taong gulang pa lamang siya noon. Nang dahil sa pag-approach sa kanya ni Aubrey nagsimula ang nararamdaman niya. He tried pushing her away from him ngunit in every attempt of him declining her, hindi pa rin natinag si Aubrey. Just thinking about that made him smile.

        Dahil sa naiisip niya, his lips formed a smile. Kahit na Pebrero pa lamang, naka-isip siya ng isang bagong goal na gusto niyang maaccomplish. Reaching Her.

        "Miller, Blake, Skyler, umayos na kayo. Tatanggap na tayo ng customers," utos ni Claire, ang kanilang class president. Miller's mouth snapped shut nang marinig ang utos ng presidente ng kanilang klase.

        Kinuha niya ang printed menu na siyang ibibigay nila sa mga customer nila. He took a deep breath. Seems like it is the start of this day.

~•~

       Magkakasama si Faith, Erin, at Aubrey ngayon. They are roaming around the building of senior high school students. Nais nilang makita ang booth na hinanda ng ibang sections. They came across boring booths from other sections and they didn't even bother going there. Ang tanging napuntahan lamang nila ay ang cute na photo booth at ang unique na mini baking shop ng isa pang section.

        Tinititigan ni Erin ang litrato nilang tatlo na kinuha nila mula sa photobooth. She pouted. "Sayang at wala si Skyler. Kairita ba naman si Claire at pinili pa siya," anito.

        "Totoo," Faith agreed. "Nakakamiss din pala siyang asarin."

        Nagpatuloy pang maglakad ang magkakaibigan. Napatigil naman sila sa paglalakad when someone approached them. Hindi nila ito kilala ngunit judging by the looks, mukhang estudyante rin ito na senior high school.

        "Hello po! Sana po pumunta po kayo sa aming booth. Nasa dulo lang po siya." The girl pointed their section's booth. Kakaiba ang lokasyon nito dahil hindi ito sa loob ng classroom nila. Isang malaking tent na nasa labas ng classroom nila ang tinuturo nito. "Wedding booth po ang aming booth. Kung gusto niyo pong ikasal kayo ni jowabels, pwede po kayong magsign dito. Kung gusto niyo naman po na kaibigan ninyo at ang jowa nila ang ikasal, pwedeng pwede naman po. Sa ganitong case, kapag tumanggi ang kaibigan ninyo ay kailangan po nilang magbayad."

        Aubrey felt weird upon hearing that. "Sorry po, hindi po kami interesado," she declined.

        "Pero kung maisipan niyo man po na magpa-register sa aming booth, puntahan niyo na lang po si Joanna."

        Nawala lalo sa mood si Aubrey nang marinig ang pangalang Joanna. It made her remember about the false rumors that Joanna spread noong nagkakagusto pa lamang si Aubrey kay Kayden.

        "Pasama sa banyo," ani Aubrey, telling Erin and Faith to come with her. She bowed to the girl who is advertising their booth.

        Hinihila ni Aubrey ang braso nila Erin at Faith. Inalis ni Faith ang kamay ni Aubrey sa braso niya. Dahil dito, napatigil si Aubrey. "Uy, sandali lang, ah? Babalik lang ako sa classroom natin at nalimutan ko 'yong pitaka ko," pagpapaalam ni Faith. It was a lie. Nasa bulsa niya lamang ang wallet niya.

        "Magkita na lang tayo sa tapat ng women's rest room, okay?" Aubrey commanded. Tumango naman si Faith.

        Lingid sa kaalaman niya na may plano si Faith na kakaiba. Faith ran away from the scene.

~•~

        Joanna sat down on a chair looking gloomy. Wala pa ring nagre-register para sa wedding booth ng klase nila. She was the one who suggested this idea kaya she felt a great responsibility in organizing this booth. Malaki pa naman ang ginastos ng kanilang section para sa booth na ito kaya kakaiba ang lungkot na naramdaman niya.

        Nakaramdam siya ng kulbit sa likuran niya kaya lumingon siya. She recognized the person. "Faith, ikaw pala 'yan!" she greeted her with a smile.

        "Sa 'yo 'di ba magpapa-register para dito sa kasal? Gusto ko sanang magregister for a friend," ani Faith.

        The distress and anxiety that Joanna felt was relieved nang marinig niya ang pag-iinquire ni Faith sa kanya. She smiled from ear to ear. "Sure! Ano ang pangalan nila?" tanong niya kay Faith.

        "'Yong kaibigan kong si Aubrey at saka 'yong parang robot na lalaki sa section namin, si Miller." Muntik nang mawala sa mood si Joanna nang marinig ang pangalan ni Aubrey ngunit nang marinig niya na sa ibang lalaki ipapa-fake marriage ito ay lalo pa siyang natuwa. She chuckled.

        "Sure. Anong oras mo gusto silang ikasal?" she queried.

        "Now na," Faith demanded.

        "I'll be going back now. Isang daan ang isang kasal, ano?" Hinugot ni Faith ang wallet mula sa bulsa niya. Kinuha niya ang isang daan mula sa wallet niya at binigay kay Joanna.

        "Okay. Ingat!"

        Faith ran away from their booth. Hindi mapigilan ni Joanna ang pagtawa. Mali ang inaakala niyang may feelings pa si Aubrey para kay Kayden. Joanna can have Kayden by herself now. Hindi siya papayag na muling maging karibal niya sa puso ni Kayden si Aubrey.
       

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon