Chapter 14

66 8 9
                                    


        All this time, nakamasid si Kayden kay Aubrey. Habang nasa loob ng sasakyan, he inspected her. Lumapit ang dalaga kay Miller at mukhang masaya pa silang dalawa. This scene is not something he would tolerate. Ginagawa lamang niya lamang ito upang malaman kung ano ang next move niya upang wala na talaga siyang kaagaw kay Aubrey.

        Mayamaya pa ay umalis na si Aubrey sa eskwelahan. That is when Kayden decided to start driving. Sinundan niya ang direksyon ni Miller. May dala ang binatang isang malaking box ngunit hindi naman mukhang marami ang laman nito. Kayden sped up driving in a manner that he woukd hit Miller. Nang mapansin ito ni Miller, he stopped the car. Gusto niya itong gulatin ngunit ayaw naman niya itong masaktan. Masama ang tingin ni Miller sa kanya kaya ginantihan naman ni Kayden ito ng isang ngisi. Gumilid na lamang si Miller papunta sa pathway upang hindi na siya pestehin ni Kayden.

        Kayden felt proud of himself. Simula ngayon, he would make sure that Miller would suffer under his hands. That's for taking Aubrey away from him. He will do whatever it takes just to go get Aubrey back in his arms again.

        Hindi pa siya nakakalayo sa school at napansin niya ang isa sa mga humahanga sa kanya — ang class president ng section nila Aubrey ngayon, si Claire. "Interesting," he muttered. Binagalan niya ang pagda-drive at ginilid ito malapit sa pathway. Bumusina naman siya kay Claire at napatingin ang dalaga. He opened his car window.

        "I want to eat somewhere. Want to go with me?" pagyaya nito kay Claire. Dahil sa pagkagulat, nanlaki ang mga mata ni Claire. Tumango naman siya without hesitations. "Sure!" sagot ng dalaga.

        Pumasok si Claire sa loob ng sasakyan ni Kayden. Hindi na niya inisip pa kung sasama ba siya o hindi dahil lubusan niya talagang hinahangaan si Kayden. Ang hindi niya alam, she is falling for a trap that he just thought of minutes ago.

        Kayden tried to be sweet to her. Nilapit ni Kayden ang mukha niya sa dalaga at ngumiti. Akala naman ni Claire na hahalikan siya nito ngunit he just reached for the seatbelt. Sinuot niya ito kay Claire upang maging safe sila sa byahe. Claire just chuckled.

        They stopped by Mang Kanor Restaurant. Bago itong bukas and Kayden heard that they have delicious meat here. "Dito tayo kakain? Mukhang masarap, ah," ani Claire.

        Bumaba silang dalawa. Alas singko pa lamang ang oras at kay gandang pagmasdan ang langit. Isama mo pa ang exterior ng Mang Kanor's, it's a perfect place. Hinugot ni Claire ang cellphone at nagpunta sa camera application. "Tara picture?" she asked Kayden. Kaagad namang lumapit si Kayden sa kanya and posed for a perfect picture. This way, he can lure her to his trap.

        Naglakad na sila papasok sa Mang Kanor. They searched a table for two people at matagumpay namang nakahanap. A waiter immediately went to their table and gave them the menu. They both scanned the whole menu. "Sa 'kin, sizzling pork sisig with iced tea," anang Kayden.

        "Ako naman po marinated pitso with rice and drinks," Claire dictated.

        Sinulat naman ng waiter ang order nilang dalawa sa isang resibo. "'Yon lang po, nothing else?" paninigurado ng waiter. Tumango naman si Kayden at Claire.

        "That will be 450 pesos po."

        Claire reached for her wallet ngunit pinigilan naman siya ni Kayden. "I'll pay for you," he insisted. Bakas naman sa mukha ni Claire ang kilig na nararamdaman ngayon. Unang beses pa lamang sa buhay niyang may magyaya at magtreat sa kanya na lalaking gusto niya. Plus, hindi niya ito nobyo. Isn't that romantic?

        "Salamat nga pala, Kayden. Magre-review bali ako ngayon for our examination pero syempre nagyaya ka. Why would I decline?" Claire silently chuckled. Nginitian lamang siya ni Kayden.

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon