Chapter 16

52 8 13
                                    

Author's note + medyo spoiler: Binasa ko 'yong lumang version ng Reaching Her and namiss ko 'yong scene na nasa clinic si Miller. Hehe 😋

        Hindi maganda ang panahon ngayong araw, isama mo pa ang nangyari kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        Hindi maganda ang panahon ngayong araw, isama mo pa ang nangyari kanina. Miller was falsely accused of something he didn't do, and kahit na walang patunay 'yon, naniniwala si Aubrey na may nagframe lang kay Miller to get him in trouble. Ano naman kaya ang pakay ng taong 'yon?

        Currently, Aubrey and her friends are inside the Serin Tagaytay Mall. Isang sakay lamang ito mula sa eskwelahan nila kaya isa ito sa options nila for their Thursday hangout. Nakaupo sila sa table na nasa labas ng SNR. Pinili nila ang pwestong ito dahil maganda ang ambiance kapag nasa labas.

        "Nakatulala na naman si Aubrey. Affected ka pa rin sa jowa mo?" reklamo ni Skyler. Nawala naman sa pag-iisip nang malalim si Aubrey dahil sa sinabi ng kaibigan.

        She took a deep breath. "Hindi kasi ako mapanatag. He was punished for something he didn't do," anito. "Alam kong walang ebidensya na may nagframe sa kanya but it looks like someone did it."

        Tumango naman si Faith before slicing her pizza. "Tama ka r'yan. I find it odd how Claire just said 'found it'. Kung agad niyang nahanap 'yon, ibig sabihin ay alam niya ang itsura ng key to correction," Faith agreed.

        Tama nga. Kailan lang natanto ni Aubrey na tama nga ang punto ni Faith. What if Claire planted it inside his bag? Lalo pa siyang naghinala kay Claire.

        "Speaking of the devil," Erin whispered. Sumenyas si Erin sa kaliwa niya and from afar, kita nila si Kayden at Claire. Ano naman ang ginagawa nila rito?

        Napakunot ang noo ni Aubrey sa nakita. Makita mo ba naman ang ex boyfriend mong patapon ang ugali, sino ang hindi magagalit? Aubrey aggressively sliced her cheeze pizza.

        Napansin naman sila ni Claire at masaya itong lumapit sa kanila. "Andito rin pala kayo," anito. Nilagay niya ang kamay niya sa braso ni Kayden. Nakangiti rin naman si Kayden.

        "Kakain lang kami somewhere. Bye!" pagpapaalam nito. Claire waved her hands.

        "Kainin ka sana ng konsensya mo," Aubrey whispered.

~•~

        Natuwa si Kayden sa balita ni Claire. Ito ang unang beses na nalamangan niya si Miller kaya kakaibang saya ang naramdaman niya, now that everyone thinks he is a cheater, papangit na ang impression nila sa binata.

        "Ito na po ang order ninyo." Lumapit ang staff ng Gong Cha sa kanila at binigay ang milktea.

        "Good job, Claire. So kailan tayo magde-date?" tanong ni Kayden. Claire smiled from ear to ear. Hindi pa ba ito date?

        "Kahit kailan! Anytime you want," anang Claire. "So. . . Is this the start of our relationship?"

        Confused, Kayden raised his eyebrows. "Relationship?" he asked.

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon