Chapter 8

106 16 6
                                    


        Aubrey did not expect those things to happen this day. Everything went so fast! Kung kanina lamang ay kinakasal sila, ngayon naman ay nasa students' park na silang apat nila Faith, Erin, at Skyler. Hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar ang tatlo sa kanya kahit na nabanggit niya na hindi siya natuwa na nagpalusot pa si Faith para lamang iregister sila ni Miller sa wedding booth.

        "Puro naman kayo kay Aubrey lang," ani Skyler. "Hindi niyo man lang ako tanungin kung ano ang experience ko sa nakakastress na booth ng section natin. Nakakapagod palang maging waiter."

        "Iconic kasi 'yong naging kasal nila Miller at Aubrey. Sa tingin mo ba iconic 'yong pag-entertain mo sa guest at pagligpit mo ng pinagkainan ng guest?" Faith hissed.

        Skyler took a deep breath. "Ganyan naman kayo sa 'kin. I never felt the love as a friend," pag-iinarte nito.

        Humalakhak naman sina Aubrey, Faith, at Erin. "Iregister ko na ba kayo ni Jamie to make up for that?" nakangising tanong ni Erin kay Skyler. Ito naman ang dahilan kung bakit tila ba'y kumislap ang mga mata ni Skyler.

        "Echoserang froglet, wala na akong pera. Isang daan din ang bayad ko sa kasal nila Aubrey at Miller, 'no."

        Gano'n magbiruan ang magkakaibigan. Asaran ang kanilang bonding at hindi natatapos ang araw nang hindi sila nag-aasaran. Pinupuntirya lang talaga nila si Skyler dahil only guy nga lang siya sa magbabarkada at sobrang torpe pa nito sa natitipuhang babae.

        Nang matapos mag-usap ang magkakaibigan ay naglakad na sila paalis sa students' park. Dadaanan nila ang school cafeteria kaya napalingon naman si Aubrey sa loob ng store. "Parang nagugutom ako ulit, ah," ani Aubrey.

        "Tara, lamon pa," pagyayaya ni Skyler. Pumasok naman sila sa loob ng cafeteria.

        The moment they stepped inside the cafeteria, napansin ni Aubrey si Miller sa pinakadulong table. May smoothie siya at panini sandwich. Hindi naman napalingon si Miller sa kanilang direksyon dahil may nakasalpak na earphones sa tenga ng binata.

        Aubrey found it cute.

~•~

        Nang makauwi si Miller, he took a nap for thirty minutes before helping his mother with baking. Nakakuha sila ng dalawang orders for a strawberry shortcake. Pagkagising niya, alas sais na. Dumiretso naman siya sa kusina nila.

        Inalis niya sa pan ang bilugang cake na nabake na. Cinut niya ang mga cake into halves, which gave him four layers of cake. In making strawberry shortcake, magpapatong ka lang ng cream cheese at strawberry sa kada layer ng cake. Ginawa niya ito.

        Pansin naman ng Mommy Mina niya na in a good mood yata si Miller. "Aba, mukhang maganda yata ang araw mo, bunso. Kwento ka naman." Tiningnan naman siya ni Miller nang nakangiti.

        "Wala namang nangyari," palusot ni Miller.

        His Mommy Mina pouted. "Weh?" pagdududa nito.

        "Wala nga," pagpupumilit ni Miller sa kanyang Mommy Mina. Tumango na lamang si Mina. Alam niyang may tinatago ang anak niyang ito dahil kakaiba ang ngiti sa mukha niya. She has never seen Miller smile like this in years. Napangiti na lang siya dahil dito.

        Napansin nilang bumukas ang front door nila dahil sa tunog na narinig nila. Kakauwi lamang ng ate ni Miller from her class. Ang nakatatandang kapatid ni Miller ay mas matanda sa kanya ng dalawang taon. Her name is Tiffany. She is taking Education, and ang target naman niyang turuan ay mga batang nasa elementary level.

        "Mano po." Nagmano si Tiffany sa Mommy Tina nila.

        "Hoy, Miller," tawag ni Tiffany kay Miller. Lumingon naman si Miller at tinaas ang kilay sa kanyang ate. "Landi mo, ah," ngisi nito.

        "Anong malandi, Tiffany?" usisa ni Mina sa kanyang anak.

        "Tingnan mo po ito, Mommy." Nilapit ni Tiffany ang phone sa mukha ng Mommy nila. Lumapit naman si Miller. She was showing a picture of Miller and Aubrey on the wedding booth. Nanlaki naman ang mga mata ni Miller nang makita 'yon. Nakalagay pa sa taas ng post na "Miller Benedict Aquino is tagged in this photo".

        Tumingin nang may malisya si Mina sa anak niya. Hinampas naman niya ito nang mahina sa braso. "Kaya naman pala napakasaya ng bunso namin, eh."

        Naguilty si Miller kaya hindi niya napigilan ang sariling ngumiti. "Hindi, ah. Inis na inis nga ako r'yan, eh." Inirapan naman siya ng Mommy niya dahil halatang nagsisinungaling naman si Miller dahil bakas sa mukha niya ang kilig na nararamdaman niya.

        Niyakap naman siya ng Mommy niya. "Binata na ang bunso ko."

        "A... Anong binata, mommy? Hindi ko nga kasi gusto 'yan," pagpapalusot pa ni Miller.

        Umalis naman sa yakap ang Mommy niya. "Okay lang naman sa 'kin na mag-nobyo o nobya kayo, eh. Walang problema ro'n. Basta hindi ninyo papabayaan ang pag-aaral ninyo, masaya na ako."

        Masaya si Miller dahil maswerte siya sa pamilya niyang supportive for him. Ayaw niyang sabihin na may gusto siya kay Aubrey dahil naiilang siya ngunit alam niya sa sarili niya na balang araw, he will gain courage. He can accomplish his goal in reaching her.

~•~

        Kinagabihan, Miller and his mother finished making the strawberry shortcake order. Bukas pa ito idedeliver ng kanyang Daddy dahil may pasok si Miller bukas. He decided to use Facebook dahil matagal na rin simula nang hindi niya ito nagamit. He only opens Facebook to accept friend request from people. Ngayon niya naisipang mag-explore sa kanyang news feed. Baka sakaling mayroong relevant news na dapat niyang malaman.

        The first notification that came is the tagged photo. Kaagad namang nagpunta siya sa post na 'yon at tinanggal ang tag sa kanya. Ayaw naman niyang dumagsa ang comments ng mga kamag-anak niya roon na "binata na si Miller", "laki na ni Miller ah", o di kaya'y "kumusta ka na Miller ikumusta mo naman ako sa Mommy mo". Relatives who don't know how to use Facebook are kind of embarrassing.

        Bumalik naman siya sa news feed niya. As he scrolled down, napansin niya ang post ni Aubrey. Nakalakip ang litrato ng concert details ng Fifth Harmony for their upcoming concert this March 2018.

 Nakalakip ang litrato ng concert details ng Fifth Harmony for their upcoming concert this March 2018

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        Miller's heart raced when he read the post. Miller was a fan of Fifth Harmony. He started listening to their songs on 2016. His out of all songs is Ms. Movin' On and Sledgehammer. Hindi man halata sa kanyang mukha o aura ngunit gano'n ang gusto niyang klase ng mga kanta.

        Nilike naman niya ang post na 'yon ni Aubrey. Nagpunta naman siya sa Google para alamin kung magkano ang price range ng tickets for the concert. Ayon sa ABS CBN news, the prices are ₱3,000, ₱4,500, ₱5,000, at ₱6,500. Kaagad naman siyang naging interesado sa concert ng Fifth Harmony.

        Tumayo siya at lumapit sa piggy bank niya. Ang huling kalkula niya sa naipon niya ay ₱13k na. His goal for his savings is to buy a laptop. He felt like he wanted to ask Aubrey if she wants to go with him on the concert. Libre ni Miller. He wants to pay for the two of them.

        Tinitigan naman niya ang lumang laptop na tatlong taon na niyang nagagamit. Siguro'y ipapaayos na lamang niya sa nag-aayos sa shop na malapit sa kanila ito.

        He wants to take the first step towards his journey. He wants to attract her.

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon