Chapter 24

51 6 10
                                    


        Wednesday night. Tutok na tutok pa rin si Miller sa pag-aaral for their last long examination for tomorrow. Mommy Mina checked her checklist na nakadikit sa refrigerator nila. Tinatarakan niya itong checklist kada requirement na nakukumpleto ni Miller for his Australian student VISA. Isa na lang ang hindi nila naa-accomplish, 'yon ay ang pagkuha ng medical. Sumadya si Mina sa clinic upang magpa-schedule ng medical ni Miller. Once they finish the requirements, it's time for Miller to lodge his student VISA.

        Kumuha si Mina ng tasa, plato, platito, baso, kutsara at tinidor. Sumandok siya ng kanin sa isang cup at nilagay sa plato ni Miller. Today's dinner is made by Mina. Nagluto siya ng hamunado, one of Miller's favorite dishes. She expected him to eat it the moment he arrived home ngunit dire-diretso ang anak niya sa kwarto niya.

        After preparing dinner for Miller, kumuha siya ng isang tray at nilagay ang pagkain doon. Umakyat siya pataas sa kwarto ng anak. Kumatok muna siya bago buksan ang pinto. "Bunso?" tawag niya.

        Pagkabukas niya ng pinto, napansin niya ang anak na mahimbing nang nakatulog sa study table nito. Nilapag niya sa gilid ng study table ang tray ng pagkain bago gisingin ang anak. "Bunso, gising na. Hindi ka pa kumakain. Kung tapos ka nang mag-aral, kumain ka na at pagkatapos naman ay magpalit ka na ng pantulog mo," utos nito kay Miller.

        "Hindi pa po ako matutulog. Tatapusin ko na po ang lessons. Hindi naman po ako papasok sa umaga, right?" anang Miller.

        Halos malimutan na ito ni Mina. Umaga nga pala ang appointment nila for medical tomorrow. "Ay, oo nga pala. Nakapagpaalam ka na ba sa mga teacher mo sa umaga?" paninigurado ni Mina.

        "Opo, Mommy. Sa uwian na lang daw po ako mag-take ng exam," sagot ni Miller.

        Napabuntong hininga naman si Mina. Naluha siya. "Hindi ako makapaniwalang malaki na ang bunso namin. H'wag ka munang mag-asawa, ha? Gusto pa rin kitang alagaan. Hindi ako titigil maging ina niyo hanggang sa mamatay ako," iyak ni Mina.

        "Mommy?" Tumayo si Miller at niyakap si Mina.

        Hindi pa rin kasi makapaniwala si Mina na malaki na ang anak niya. Nasa tamang edad na kasi si Miller para bumoto o magtrabaho, bagay na hindi pa rin pumapasok sa isipan ni Mina. Para sa kanya, isa pa ring sanggol ang anak niya.

        "Oh siya, kumain ka na. Matutulog na ako dahil antok na antok na ako. Kain well," pagpapaalam nito kay Miller.

~•~

        Huling araw na ng long examination ngayon at kasalukuyang second subject pa lamang ang sinasagutan nila Aubrey. They are currently taking up a long test in Biology. Alam naman niya ang sagot sa mga tanong ngunit bakit parang mali? It felt like she ran out of motivation. Paano ba naman, hindi pumasok ngayon si Miller. Hindi man lang niya nasilayan ang mukha nito for inspiration.

        The bell rang, hudyat na tapos na ang exam. "Pakipasa na ang mga papel ninyo. Gutom na gutom na ako," anunsyo ng guro nila. Aubrey turned in her paper in front.

        Nagsama na sina Aubrey, Faith, at Erin sa likuran. Tumakbo naman papunta sa kanila si Skyler right after handing his paper over to the teacher. "Sandali lang, puputok na ang pantog ko!" pagpapaalam ni Skyler sa kanila. Hindi mapakaling bumaba si Skyler.

        Naglalagay ng polbo sa mukha si Erin kaya hinihintay nila Faith at Aubrey ito. Nawala sa pagkatulala si Aubrey nang bumukas ang pinto sa tabi niya.

        Pagkabukas ng pinto, Aubrey recognized the person who opened it — si Miller. Nagtama ang tingin nilang dalawa sa isa't isa, but it was abruptly cut off when Miller averted his gaze. For a moment, Aubrey freezed. Para bang lalaya mula sa dibdib niya ang puso niya. Gusto nitong magwala!

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon