Chapter 18

45 6 8
                                    

        "Sorry? Ano po?" she asked to confirm what her mommy said

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        "Sorry? Ano po?" she asked to confirm what her mommy said.

        Her mother let put a long sigh of disappointment. "Kung hindi lang sinabi ng batang si Kayden sa 'kin na nobyo mo pala 'yong rebeldeng batang si Miller. I don't want to see you near him."

        "Mommy!"

        Hindi siya makapaniwalang kaagad namang naniwala ang mommy niya sa mga paratang ni Kayden. Isa pa, ano naman ang involvement ni Kayden sa problema kay Miller kung hindi naman sila magkaklase. Feeling superior?

        "You're grounded. Sinira mo na ang tiwala ko tapos pagtataasan mo pa ako ng boses?" Napabuntong hininga na lamang si Aubrey. Nilabas niya ang phone to browse the internet ngunit kinuha ito ng mommy niya.

        "Grounded ka, hindi ba?" ngisi ng mommy niya.

        Nahawa na rin ba ang mommy niya kay Kayden sa pagiging manipulative nito? Hindi makapaniwala si Aubrey.

~•~

        Cleaner si Joanna sa kanilang classroom for today. Tinakasan na naman siya ng mga kaklase niya sa task na ito kaya siya lamang mag-isa ang nag-aayos ng kanilang silid-aralan.

        She checked on every seats dahil baka mayroong naka-iwan sa klase nila ng gamit. They have a lost and found box inside their classroom na kapag naglilinis ka at may nahanap kang gamit ng kaklase mo, you are obliged to put the possession inside.

        Nasa table na siya ni Kayden. Minasdan niya ang lamesa ng binata. Nalungkot siya dahil hindi na siya pinapansin ni Kayden. Isa pa, she also noticed that her crush is always with this one girl from the other class. Sa pagkakaalala niya, Claire ang pangalan nito.

        "Hays." Umupo siya sa table ni Kayden. Kinapa niya ang ilalim ng table kung saan maaaring maglapag ng gamit katulad ng libro o notebook. She was surprised nang maka-kapa siya ng isang cellphone. Kinuha niya ang phone at tiningnan ang phone case.

        Itim ang phone case nito at ang design naman ay bungo. Pagmamay-ari nga ito ni Kayden. How can he leave his phone in this classroom?

        She tried opening the phone ngunit hinarang siya ng isang passcode lock. Six digits ang passcode. Nag-type siya ng random numbers ngunit ayaw pa ring magbukas ng phone nito. Napansin naman niya sa ilalim ang sign na nagsasabing "forgot password?". Pinindot niya ito.

        "Birthday of your first love," bigkas niya sa clue na sinabi ng passcode lock.

        Napa-isip siya. Sino ba ang first love ni Kayden?

        She typed 09-09-00 dahil ito ang birthday ni Aubrey. To her surprise, nagbukas ang cellphone.

        Alam niya ang birthday ni Aubrey dahil previously ay magkaaway silang dalawa. Gano'n naman talaga, hindi ba? Kapag hater ka, you know more things about that person more than those people who love them.

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon