Chapter 23

47 5 11
                                    


        Hindi mawari ni Aubrey kung ano ang dapat niyang gawin sa spare uniform na pinahiram sa kanya. She doesn't have an idea kung sino ang may-ari nito at ayaw naman niyang mag-speculate. Mahirap nang maturingang feeler.

        "Guys!" sigaw niya sa klase. Eyes landed on her at ito na ang pagkakataon upang magpasalamat sa taong nagpahiram sa kanya nito.

        "Hindi ko alam kung kanino itong uniform, pero kung sino ka mang nagpahiram sa 'kin, love na love kita. You saved my life!" anunsyo niya. Nilagay niya sa isang extra na upuan sa likuran ang plastic bag. "Pakikuha na lang po rito kung sino man kayo. Thank you uli!"

        Right after speaking, wala nang tumingin pa sa kanya. Binaling niya ang tingin sa silya ni Miller but she wasn't able to find him. Napapikit na lang siya in disappointment. Talaga ngang tinuldukan na ni Miller ang relasyon nilang dalawa. Hindi man lang siya makausap nito kahit bilang magkaibigan o magkaklase man lang. Nalumbay siya sa naisip.

        Lumapit si Aubrey kay Faith na nag-aayos ng sarili ngayon. "Gutom na ako," anang Aubrey.

        "Ah!" Skyler approached them while yelling. "Nawala ang dignidad ko sa sayaw na 'to! Kahit kailan talaga ay hindi ko magugustuhan ang pagsasayaw. Nagutom lang ako."

        "Totoo 'yan. Sa dami ng dumadaan na tao kanina sa gymnasium at isabay mo pa ang building na katapat lamang nito, I'm sure that many people saw us," reklamo ni Aubrey.

        Mayamaya pa ay natapos nang mag-ayos si Faith, bumaba na ang magkakaibigan papunta sa cafeteria. A PE class is always exhausting. Ito ang naging dahilan para ma-excite na kumain silang magkakaibigan. They rushed their way to the cafeteria upang wala silang maubos na oras.

        "Dine in na lang tayo?" pagyayaya ni Skyler. Um-agree naman ang tatlo sa kanya.

        Pagkapasok nila, minasdan nila ang loob ng cafeteria. Hindi gaano karami ang tao rito. Habang naghahanap ng mapu-pwestuhan, napansin ni Aubrey si Miller na nakain mag-isa sa likuran ng cafeteria. Katulad na lamang ito noong mga nakaraang buwan. Mag-isa lamang si Miller na kumakain, either sa classroom or sa cafeteria. He looked so lonely.

        Miss na miss na kita. Gustuhin ko mang lumapit sa 'yo, hindi ko naman magawa dahil nahihiya pa rin ako.

        "Maghintay na lang kayo rito at ako na lang ang oorder ng kakainin natin for lunch," pagpresenta ni Skyler sa kanila. "Kukunin ko na lang ang order ninyo."

        Nag-isip muna sila Aubrey kung ano ang kakainin nila for today's lunch. Napukaw sa atensyon niya ang special menudo ng menu ng cafeteria nila today. It reminded her of Miller's mother. Ito ang inutos niya kay Skyler na ibili sa kanya. She handed seventy pesos.

        "Aubrey, nakita mo ba ang ex mo?" malisyosang tanong ni Faith sa kanya. Sinamaan naman niya ng tingin ang kaibigan.

        "Kitang-kita ko," hirit ni Aubrey.

        "Mahal mo pa rin, ano?" Para bang siya ay nasa hot seat ng TV show ni Boy Abunda dahil sa tanong na 'yon. Inirapan lang niya ang kaibigan.

        Mahal na mahal ko. That will never change.

~•~

        Mula sa likuran, Miller stole glances at Aubrey. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sobrang ganda talaga ng dalaga. Their break-up may be sad ngunit si Aubrey pa rin ang inspirasyon niya. There may be times na halos sumuko na siya but the thought of Aubrey continuing to venture through her life makes him push through.

Reaching HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon