Author's Note:
Sana po magustuhan nyo ang first ever kong novel :)
----------------------------------------------------
Alecx's POV
"Kuya! Gumising ka naaaahhh!!" kanina pa ako sigaw ng sigaw dito pero ayaw talaga magising -_-# Tulog mantika masyado. Tss. Buhusan ko toh ng mantika eh.
"Tumigil ka bulinggit! Inaantok pa ko!" Sabi ni kuya trent habang pinapalo palo ang kamay ko na umaalog sa balikat nya.
"Gigising ka o gigising ka?!" teka ano ba yung sinabi ko? Non sense? Ah bahala na! Ilalaglag ko toh sa kama pag nagkataon.
"Si ashley ang gisingin mo! Wala akong gagawin ngayon kaya patulugin mo muna ako!" Parang awa nyo na. Pigilan nyo ko at baka masapak ko toh -,- Andaming satsat di nalang tumayo.
"Gising na si kuya gorgeous kaya tumayo ka na dyan!" At hinampas hampas ko ng unan ang likod nya. Oo likod. Nakadapa kasi sya.
"Isa! Kung wala kang magawa pumunta ka don sa bestfriend mo! Isama mo don kay Matthew ng sumaya sya! Basta ako matutulog ako. Period no erase" Beshtie tulungan mo nga akong ibalibag toh sa mt. Pinatubo at nababanas na ko -_-#
"Ahh ayaw mo ah. Suit yourself." at sumakay ako sa likod ni kuya. Parang sya yung kabayo at ako ang rider bwahahaha!
"Yahhh tigidig tigidig! Bilisan mo dyan kabayo! Yah tigidig tigidig!" sigaw ko habang nagaact na actual rider.
"Bumaba ka dyan Alecx! Isa! Isusumbong kita kay daddy!" pagbabanta nya. Banas na banas sya :D
"Edi magsumbong ka. Si daddy nga ang nagpapagising sayo eh." at bumaba na ako sa likod ni kuya. Mapilayan pa yan edi kasalanan ko pa?
"Oo na tatayo na nga! Lumabas ka na dito magbibihis ako! Labas!" sabi nya habang pinagtutulakan ako sa pinto.
Bumaba na ako sa kusina. Phew. Ang hirap talagang gisingin ng kuya kong gwapings -_- I swear sa susunod figurines na ang ibabato ko don =_=
"Oh alecx, Gising na kuya trent mo?" tanong ni daddy habang nagbabasa sya ng libro. Hindi uso dyaryo kay daddy ;)
"Yes dads. Sa susunod pabaunan nyo ko ng matigas na bagay at ibabalibag ko don. Tulog mantika masyado." At sumubo ako ng pandesal.
"Sinong tulog mantika ha bunso?" napatingin ako sa may pintuan ng kusina at nakita ko ang kapre, este si kuya trent na ubod ng tangkad. Bwiset naman kasi. Nung nagpaulan ng katangkaran si God pinatulog ako ni kuya ayun nasalo nya tuloy lahat.
"Edi sino pa? Sa tingin mo si kuya ash?" papilosopo kong tanong habang inaabot ko yung remote ng tv.
"Oh bakit nasali na naman ako sa away nyo ha! Nananahimik ako dito! Im innocent!" Oa naman masyado ni kuya ash. Tss. Biruin nyo may hand gesture pa yan.
"Dads. Pupunta ako kina shella, Sasamahan ko lang sya sa national bookstore. May bibilhin yata syang libro." may bibilin nga bang libro o sadyang nandun lang palagi yung crush nya? Si bhestie talaga -,-
"Magpaalam ka kay mommy mo."
Pumunta ako sa kwarto ni mommy at naabutan ko syang nagbabasa ng bible. Ganyan talaga si mommy. Tuwing free time nagbabasa ng bible :) Thats why paglaki ko tutularan ko si mommy ^_^
"Mommy, pupunta ako kay shella mamaya. Pwede ba?" tanong ko kay mommy habang papalapit ako sa kanya. Napansin naman nya ako at sinara nya ang bible.
"Wag kang tatagal don ah." Sagot ni mommy habang papunta sya ng study table.
"Yey! Thank you mommy! The best ka talaga! *mwuah* Thank you!" at nagmadali akong pumunta sa kwarto para maligo.
BINABASA MO ANG
My Chinito Boyfie
RomanceLove was made because of a contract? is that even possible these days? Then this story will make you believe that everyone can fall in love. EVEN YOU :)