Chapter 16
Stephen Jason's POV
Bwiset naman yan oh =_= Binabaan ko pa naman ang pride ko para dun tas di rin naman nya maririnig. Bad trip amputek naman oh -_-#
Torpe na kung torpe pero di ko talaga kayang sabihin ng deretsuhan. Bwuack. Nagiging bakla na ko sa kadramahan ko ah :/
"Oy stephen kanina ka pa tulala dyan." Napatingin ako sa kanya ng bigla nyang iwagayway sa paningin ko ang palad nya.
"So? Ano ngayon? Edi tumulala ka din. Inggit ka lang eh." Papilosopo kong sagot sa kanya.
"Psh. Sungit mo talaga. Bahala ka na nga dyan." Bigla naman syang nag cross arms at tumingin sa ibang direksyon. Nakaupo kasi kami sa bench ngayon.
Ang mga babae talaga ang hirap pakisamahan. Mabilis magtampo tas ang hirap pang amuhin -_-
"Oy manang. Oa mo ah. Tara na nga wag ka ng mag drama dyan." Sabi ko sa kanya sabay kiliti sa tagiliran nya pero waepek kase wala nga pala tong kiliti sa tagiliran.
"Stephen?" Napatingin naman ako sa babaeng huminto sa harap ko. Sino naman kaya toh? Epal lang ah.
"Baket anong kelangan mo?" Cold na tanong ko sa kanya. Wala akong balak makipagusap sa di ko kilala noh.
"Ano ka ba! Nakalimutan mo na ba ako ha? Ako toh si monique!" Bwiset. Feeling close ah. Makahampas ba naman sa balikat ko. Baka gusto nyang ihampas ko sa kanya tong bench na inuupuan namin ngayon? =_=
"Sorry. Di kita kilala kaya umalis ka na." Sabi ko sabay tingin kay alecx. Wew. First time ko yata toh na banggitin ang pangalan nya? Manang kasi palagi tawag ko sa kanya xD
"Ayy ganon? Childhood friend mo kaya ako!" Childhood friend? Sa pagkakatanda ko wala akong kaibigan nung bata ako.
"Pasensya na pero di talaga kita kilala."
"Ako yung chubby na girl na palagi mong kasama noon. Ano ka ba Cj may amnesia ka ba ha?" Cj? Iisa lang naman ang tumatawag sakin non ah? Yung.... ah! Tama! Monique nga ang pangalan ng kinder classmate ko na palagi kong kausap. Okay so what? =_=
"Ah okey natandaan na kita. So bye makakaalis ka na. Di ka kelangan dito wag kang kontrabida." Nakakabanas naman kase eh. Alam mo yung nagmomoment ka tas biglang may eepal? Oh diba ang saya lang? =_=
"Psh. Nagbago ka na ah." Maka pout naman toh kala mo cute :/ Haayss.
"Malamang maraming nagbago sakin. Paki compare nga ang bata sa teen na katulad ko ha? Vovo ka ba?" Sorry for the word pero naha high blood talaga ako sa babae na toh. So what kung childhood friend ko sya? Eh past is past nga diba?
"Cj. Uhm may gagawin ka ba ngayon? Iniwan kasi ako ng mga kasama ko. Baka pwedeng samahan mo muna ako?" Tas nagpacute pa sya sa harapan ko na nagmamakaawa. Panira naman tong babaitang toh. Makakasapak ako ng babae pag nag landi pa toh sakin >3<
"Bulag ka ba ha? Di mo ba nakikitang kasama ko ang girlfriend ko ngayon?" Pa cool na sabi ko sabay akbay kay manang. Sana makiride on tong manang na toh.
"Oy man----" di ko na sya pinatapos at siniko ko na sya sa braso nya meaning makisakay na lang sya.
"H-hi! Ako nga pala si alecx. G-girlfriend nya." Medyo nagaalangang pagpapakilala nya dun kay monique daw. Oo may daw dahil ayaw ko syang kilalanin talaga.
"Bwuack." Narinig ko pang bulong nya pagkatalikod nya sa tabi ko. Arte naman nito pasalamat nga siya dahil sya ang pinakilala kong girlfriend eh #_# Tsaka baka nakakalimutan nya na pumirma sya ng kontrata?
"Ahh so may gf ka na pala. Edi sama na lang ako sa date nyo." Nakangiti nyang suggest. Punitin ko kaya yung pisngi nya? Maninira talaga sya ng date ha? Wala ba syang pride? =_=
"Pasen---" naputol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si manang.
"Ok lang naman. The more the merrier nga eh hehehe." Nagaalinlangan nyang sagot pero halatang pilit lang ang tawa nya.
"Yay! Salamat talaga!" Akala mo naman nanalo tong babaeng toh sa lotto :/
"Hoy manang! Sinong may sabing pasamahin mo yan ha? Nakikipag usap ka na pala sa mga strangers ngayon ha?" Pabulong kong sabi sa kanya. Tinignan nya muna ako ng masama bago magsalita.
"Mukha naman syang matino na babae eh."
"Pag nasira talaga tong date na toh ngayon lagot ka sakin mamaya." Ayan na naman ang mga matatalas na tingin nya na iisipin mong pinapatay nya na ko sa isip nya T_T
"At sinong may sabing date toh ha? Ang feeling mo naman yata. Psh." Abat ang hard naman neto nakaka iyak lang TT_TT De biro lang. Nakakabakla naman masyado kung totoo yung sinabi ko :/
"Soooo tapos na ba ang usapan nyo? Tara laro tayo dun oh!" Epal talaga tong babaeng toh =_= nagmomoment pa kame eh tas sisingit? Aba matinde -_-#
"Ahmm mauna na kayo stephen. Tatawagan ko lang si shella." Sabi naman ni manang sabay tayo sa pagkakaupo nya at dinukot nya na sa bulsa nya ang cellphone nya.
"Dito lang ako wala akong pupuntahan. At wala akong balak puntahan kung makakasama ko rin naman yang pencil na yan." Sabi ko sa kanya kaya napatingin silang dalawa sakin.
"Anong pencil stephen? Di ko gets ang ka kornihan mo." Tanong ni manang habang nakalagay sa tenga nya ang cellphone nya pero mukhang wala pa yata syang nada dial.
"Monngol. MONGGOLOYD. Ayoko makasama yang babaeng monggol na yan." Tas tinignan ko from head to toe yung monique pencil na yun.
"Ahhh ok. Geh kakausapin ko lang saglit si shella." Sabi nya pa sabay lumayo sya ng konti dito sa bench.
Pshh. Bilisan nya sana dahil ayaw kong magtagal ang awkward atmosphere na toh =_=
BINABASA MO ANG
My Chinito Boyfie
RomanceLove was made because of a contract? is that even possible these days? Then this story will make you believe that everyone can fall in love. EVEN YOU :)