C4.5

1.7K 40 2
                                    

Alecx's POV

"Responsibility your face! Blinack mail nyo ko para lang mapirmahan yan noh!"  

/Still you've signed./ Sabi ko nga -_-  

"Eh pano kung ayaw ko?"

/I'll Sue you and your family. Easy as that./ POTEK -_-

"Oo na sige na! Ikaw na panalo! Teka san ba yang palasyo mo ha?!" at siguraduhin mo lang na malapit kundi ubos budget ko -,-  

/1256 7th street paco manila/ (Lumang Address ko po yan xD Dyan ko din po nalaman na naging schoolmate ko ang grade 7 crush ko ♡_♡ Hahaha sensya na sumingit uli xD)  

"Ako ba pinagloloko  mo?! Hoy alam mo ba kung gano kalayo ang pedro gil. Sa caloocan ha?!" Narinig ko naman sya na napaouch sa sobrang lakas ng sigaw ko.  

/Will you please lower down your voice?/ naiirita nyang tanong.  

"Will you please use tagalog?! Like hello! Duh!Pilipinas toh dre! Pasabugan kita ng goodbye Philippines dyan eh!" akala nya ba magpapatalo ako sa kanya ha?! Ang layo layo ng pedro gil. Dito!!  

/Then maybe youre rich bestfriend can lend you a money./ Ha! Anong akala nya sa bestfriend ko?! Banko?! Abat batuhin ko kaya sya ng isang milyong barya ha?!  

"Hoy manong! Hindi uso sakin ang utang! Tsaka bestfriend ko yon! Hindi ko sya kinaibigan para lang lasapin ang kayamanan nya!"  

/Then do something. Be here in one hour. Or else something will happen./ Sasabat pa sana ako ng mag end call na.   Bwiset! Argghh! Nakakasira ng araw masyado ang manong na yon! X(  

Pumunta na lang ako ng kusina at naabutan ko silang lahat na nagaalmusal na. Oo lahat. Gising na si kuya trent. Buti naman -_-  

"Dads, May pupuntahan lang po ako."

"Saan?" sasabihin ko ba ang totoo? Pero pag sinabi ko na sa pedro gil. Ako pupunta siguradong hindi ako papayagan TT_TT  

"May foodtrip po kami ng t.w.i. Anniversary po kasi ngayon" (Group po nila rachelle,matthew and alecx yun)  

"O sige. Wag magtagal." humalik na lang ako sa pisngi ni daddy then tinawagan ko si shella.  

/Hello?/  

"Hey bestfriend. Pwede bang favor?" Please pumayag ka TT_TT this is a matter of life and death.  

/Ok. Just tell me/ Englishera talaga to pag bored.

Nga pala, para mas makilala nyo ang bestfriend ko, ill tell some facts about her.  

Nageenglish yan kapag bored,galit, or its either talagang may event. And mabait yan syempre to top of it all ^_^  

"Tumawag kasi yung nakaaway ko kahapon. And i need to go to pedro gil. Nakwento mo kasi sakin dati na tumira ka sa pedro gil right? San nga ba ulit banda?" tas napakamot ako sa ulo ko.  

/Ah yeah! Sa 7th street corner 4th. 1236 ang gate number namin. Bakit mo nga pala natanong?/  

"Malapit ka lang pala sa kanila. Well dun nakatira yung manong na yun and kelangan ko pumunta in an hour. Pwedeng maki ride sa mercedes benz mo?" Pumayag ka TT_TT

/That will be a pleasure! Andami ko kayang memories dun!/ yey! Wala na kong problema sa transportation! ^0^  

"Ge! See ya later! Sa zian academy tayo mag meet bye!" then inend call ko na at agarang nag ayos ng sarili ko.   Ng matapos na kong mag ritwal, dumiretso na ko sa zian academy.  

"Alecx! Over here!" narinig kong sigaw ni shella. Lumingon naman ako sa kung saan nanggaling yung boses at nakita ko si shella na nakasandal sa mercedes benz nya. Oo sinabi kong makikisakay ako sa mercedez benz nya pero bakit masyado syang masunurin? -,- sa dami ng kotse nya yun talaga ang sinakyan nya.

My  Chinito BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon