C20.5

911 18 2
                                    

A/N

Hello again! ^_^ Happy 980 reads mcb :) Thank you po sa mga patuloy na sumusuporta at pati na rin sa mga operators kaway kaway naman dyan XD 

Alecx's Pov

Nandito ako ngayon sa isang abandonadong lugar. Malay ko kung sino ang nanghila sakin dito pero pagkamulat ko na lang ng mata ko nandito na ako.

"Alecx, Can i.... Court you?" Tanong ng isang lalaking di ko mamukhaan dahil sa sobrang dilim sa lugar na toh. Teka sino ba toh?

"T-teka sino ka ba?" Sabi ko habang pilit na inaaninag ang mukha ng lalaking sa tingin ko ay nakaluhod sa harapan ko ngayon.

"Hindi ko pa masasabi sayo ngayon kung sino ako. Pero masasabi ko naman na kilala mo ko." Sabi ng isang misteryosong lalake at sabay syang tumayo at naglakad na palayo.

"T-teka! San ka pupunta?!" SAbi ko habang pilit na hinahabol sya. Pero malay ko ba kung bakit sobrang bilis nyang maglakad. Na halos di ko na sya maabutan.

 

"Soon. You'll know. Kapag marami na tayong pinagsamahan. Babalik ako sayo. Wag kang mag alala" Sabi nya at tuluyan na syang nawala.

"Oy manang! MANANG! Gumising ka dyan!" Biglaan akong napamulat ng mata ng nakaramdam ako ng malakas na pagyugyog sa balikat ko.

"Eeehhh! Patulugin mo muna ako! Walang pasok bukas!" Sabi ko habang pinikit ko uli ang mata ko pero fishtea mas lalong nilakasan nya pa ang pagyugyog -_-

"Umayos ka nga! Kanina ka pa tulog! Gabi na oh!" Napatayo ako bigla sa sinabi nya pero nakalimutan kong nasa kotse nga pala ako nakatulog kaya ayun nauntog ako TT_TT

"Ano ba naman yan. Nakatulog ka lang naging accident prone ka na. Sa susunod nga wag ka ng matulog! Tulog mantika ka!" Sabi nya habang tinatanggal nya ang seat bealt nya.

"Hoy! Di ako tulog mantika! Si Kuya trent ang tulog mantika kaya magtigil ka dyan kung ayaw mong ihampas ko sa mukha mo lahat ng makita kong gamit ha?!" 

"Oy yung mata mo nanlilisik! Grabeh mangangain ka ba ng tao ha?!"

"Asa kang kakainin kita! bwuack! Papatayin na lang kita noh!"

"Tumigil ka na nga! Sumunod ka na lang sakin!" Sabi nya at agaran syang lumabas ng kotse. Psh. Pikon

Lumabas na lang din ako ng kotse at nagulat ako na halos walang katao tao ito. Kahit si stephen wala 0.0 San nagpunta yun?!

"O-oy Stephen! Wala namang gantuhan oh! Alam mo naman na matatakutin ako eh!" Mangiyak ngiyak kong sigaw habang patuloy na naglalakad.

"I swear kapag ako namatay mumultuhin kita! Isasama kita! Bwiset ka nasan ka na ba?!"

"BOO!"

"MAMA!" Napatakip ako ng tenga ko at napaluhod ng walang oras. Di ko na napigilan ang mga luhang kanina pang gustong tumulo, Halos humagulgol na ko at mangatog.

"Oy manang! hahahah! Nakakatawa ang mukha mo grabeh!" Natatawang sabi nya tas napahawak sya sa tyan na habang patuloy syang humahalaghak.

"A-ang s-ama mo!" Hinampas ko sya sa balikat nya pero parang lantang gulay naman ang paghampas ko sa kanya.

"S-sorry na hahaha! Gusto lang naman kitang pagtripan eh." sabi nya sakin habang patuloy nyang dinudukdok ang pisngi ko.

"Di na tayo bati! Bahala ka dyan sa buhay mo! Isusumbong kita kay kuya trent!" Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang luha ko.

"Ala wag ka namang maging childish manang." Sabi nya habang ginugulo ang buhok ko.

"Ehh wag ka ding mangulo ng buhok! Bakla ka ba ha? Inggit ka lang sa buhok ko eh!" Sabi ko sa kanya pero imbis na magalit sya tumawa na lang sya ng malakas. Somehow napapangiti na rin ako. Ewan ko ba. Basta pag nakikita ko ang ngiti nya parang nahahawa ako. Kase di naman palagi kung makita ko ang ngiti nya. Madalas na ngiti nyan ay yung pang asar pa.

"Ikaw talaga! Di ako bakla noh! Tara na nga tumayo ka na dyan. May pupuntahan pa tayo." Tumayo naman sya at inilahad nya ang kamay nya. Ngumiti na lang ako at hinawakan ang kamay nya at sya naman tinulungan akong tumayo.

Haayy nako manong. Minsan napaka bipolar mo. Di ko na maintindihan ang ugali mo. Mas mahirap pa sa algebra ang ugali mo alam mo ba yun? Pero kahit ano pa ang ugali mo, Aaminin ko unti unti na akong nahuhulog sayo.

My  Chinito BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon