C8

1.3K 23 1
                                    

Alecx's POV

Ang.... Ang boses nya. May lalaki pa palang merong gantong klase ng boses? I didnt expect that.  

"Uy! Earth to alecx! Okey ka lang baaaaa?" nagulat naman ako ng biglang may kamay na pataas baba sa paningin ko.  

"H-ha? Ah! A-ano... A-ayos lang ako." bwiset na yan. Bakit ako nabubulol? This is totally not me.  

Matapos ng ilang minutong awkward silence... May nag doorbell. Sina shella na siguro yun.  

Kaya ako naman, mas mabilis pa sa chita ang takbo papunta ng gate.  

"Shella!" sigaw ko pagbukas na pagbukas ko ng gate. Pero mukha yata akong napahiya kase si ate athena lang pala yun TT_TT  

"Oh alecx? Nandito ka pala?" Pambungad na tanong sakin ni ate. Oo ate. Dati kasi tinawag ko syang miss pero sabi nya wag daw ganun dahil masyadong pormal.  

"Ah eh... Hi po ate! Hinihintay ko po kasi si ice kaya napunta ako dito." lie. Syempre lie lang yun dahil yung busangot na yun ang nagpapunta sakin dito.  

"Tara pasok tayo sa loob. Wag tayo dito sa labas mag usap." oo nga naman. Bakit ba kami sa may gate nagchichikahan?   Pumasok na kami sa loob at naabutan namin si manong na nanonood ng tv sa sala.

"Hoy jaja! Umayos ka nga! Maghanda ka naman ng makakain. Nakita mong may bisita oh." Buti pa si ate bisita ang turing sakin. Eh etong damuhong toh katuling ang tingin sakin eh.  

"Ate wag mo nga akong tawaging jaja!" abat ano ba talaga ang gusto nitong manong na toh? Demonyo gusto nya?  

"Ah basta. Yun parin tawag ko sayo." masasabi kong may pagka isip bata ang ate nya kase kung mag away sila kala mo mga bata o kung ano eh. Pero the truth is? Naiingit lang ako sa kanila. Kasi sya may ate tas ako? Kuya. Ayun kuya lang. -_-  

"Uhmmm ate athena, Mauuna na po ako. Baka hindi ko na rin po kasi mahintay si bes kasi baka gabihin ako at ma grounded pa ko." tumango naman si ate at nag beso beso kami.

Palabas na ko non ng may humawak sa kamay ko 0///_///0  

"A-ano. Hatid na kita. Wag kang umuwi mag isa kasi gabi na at maraming adik dito kahit pa subdivision toh." Napatingin na lang ako sa kanya. Tila binabasa ko ang nasa isip nya. Pero magagawa ko ba yun? Hindi naman ako si edward cullen eh.  

Tumango na lang ako at pumunta na ng garahe nila. Sumakay ako sa shotgun seat (Sa wakas nahanap ko kay mr google yung tawag dun sa pisteng seat na yan xD)  

~Awkward Silence~ Bwiset naman oh. Kanina sa kwarto ganto din. Ano toh unli?  

"Uhmm Manong, e-este stephen. Magkwento ka naman. Ang awkward eh hahaha." Pilit na tawa ko pero parang pipiyok na ko sa ginawa ko.  

"Tch. Mmk talaga ang gusto mo?" Bakit mmk ba buhay nya? -_- sa totoo lang parang walang mmk sa mukha nya eh. Horror meron -,-  

"Basta kahit ano. Antahimik di ako sanay." napatingin na lang ako sa bintana.  

"Hmm. Okey. Sabagay, madaldal ka kasi kaya di ka sanay sa tahimik na lugar hahaaha!" Bwiset, im trying to be nice here -_-#

"Bilis na!" tas hinampas ko sya sa balikat nya.

"Oo na sige na. Natuto akong bumuhay ng iba at the age of ten. Lumayas kami ng ate ko kase palaging nag aawayang magulang ko sa pera. As in lagi talaga. Bago sila pumasok ng opisina mag aaway sila, pag kumakain nag aaway din. Pati sa pagtulog. Walang oras na magkasama sila na hindi nagaaway. Minsan na kong narindi sa paulit ulit na away nila. Kaya lumayas ako. Sinama ko ang bagong panganak na baby non. Si ice. Nagtrabaho ako sa carwash. Sapat lang ang kita ko non para makakain sa isang araw at makabili ng gamit namin. Then, nakilala ko si ate athena. Were not really siblings. Pero tinuring nya kong ganon. Parehas lang pala ang nanyari samin. Lumayas din sya at the same age. Kaya pinatira nya kami dun sa bahay nya. Yung bahay na yon ay mismong sya ang nagpagawa. Sa sarili nyang pera kase wala naman syang matinong kamag anak. Basagulero ang ama nya at sugalera ang nanay nya. Mga tito't tita naman nya ay pawang mga kriminal. Kaya sa murang edad ko, nagkaroon ako ng ibat ibang trabaho na halos hindi ko na magawang magpahinga. Ala sais ng umaga gigising ako para mag benta ng pandesal. Matatapos ako ng alas nwebe at didiretso na sa karenderya. Tapos pagdating ng ala una didiretso ako sa carwash. Alas otso na ko makakauwi. Dun lang ako kakain. Mabuti nga at buhay pa ako ngayon, despite of all hardness ive been through."

Grabeh biruin mo mmk nga ang past life nya? I mean, sa itsura nya ngayon na may kotse, wallet na sobrang taba dahil sa mga tagiisang libo na halos hindi na magkasya. Mga credit cards na hindi mo na mabilang sa dami. Iisipin mo na lang na spoiled brat sya, pero hindi pala.  

And hindi ko maisip na magoopen up sya sakin. Oo sinabi kong magkwento sya pero di ko akalain na yung deepest part of his life pa. Hindi naman kasi kaming ganung ka close eh. Enemy nga ang tingin ko sa kanya eh.  

"Oh tulala ka dyan?" nagulat naman ako ng bigla syang magsalita. Naging magugulatin na yata ako ah.  

"Ano pang mmk ba?" dagdag nya pa.

"Super mmk. Biruin mo, ang isang katulad mo na parang tagapagmana ng isang malaking kompanya ay isang lalaking naranasan din maghirap? Wow. Mmk talaga!" tas pumalakpak pa ko.  

"Loko ka talaga. Parang inaasar mo ko eh." tas nag pout sya. I admit cute ang pag pout nya. Kahit sino naman yata cute mag pout.  

"Naasar ka na nun? Ambabaw naman yata. Dibale sa susunod pagtitripan kita." tas nag smirk ako. Pero ganun din ang ginawa nya.  

"Nandito na tayo." woah? Ambilis naman yata?   Siguro nga pag masaya ka mabilis umandar ang oras. Teka, masaya nga ba ako?

"Thank you. Pakisabi na lang kay bessie na nauna na ko. Baka magtampo kasi yun eh." Hirit ko pa bago bumaba. Tumango naman sya.  

"Geh. Good night." bababa na sana ako ng may naisip akong sabihin.  

"Wait lang stephen, napansin mo ba na hindi tayo nagbabangayan ngayon? Well, i mean. Tuwing pumupunta ako sa inyo palagi kang mahangin eh."  

"Malamang mahangin sa bahay namin. May aircon kami noh. Dun ka pumunta sa garden namin mas mahangin." tinignan ko lang sya ng masama. "Joke" hirit nya pa.

Kumaway na lang ako habang pinapanood na umalis yung kotse nya. Looks like 100 days is that long. 98 days pa.

===   A/N   Isang masabaw na ud. Pasensya na readers. Medyo naging busy kasi ako. You know? Yung rumor stuffs about kay kris leaving exo. Muntikan na nga akong magpakamatay eh. De joke, pero promise Hahabaan ko ang update next time ;)

My  Chinito BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon