C9

1.2K 23 2
                                    

Alecx's PoV

Isang linggo. Mahabang panahon para sa iba. Pero para sakin? Ang bilis tumawid ng oras. Ni hindi ko nga alam na matatapos na ang sem break.   Kaya kami ni shella nandito sa may accounting at nag eenroll. Magkaiba kami ng kurso kasi magkaiba kami ng pangarap. Balak ko kasi maging interior designer kaya ayun ang kukunin kong kurso. Sya naman, Kukuha sya ng cullinary arts, Mahal nya daw kasi masyado si kyungsoo ng exo. De joke, gusto nya daw kasi pagsilbihan yung magiging asawa nya at magtayo ng restaurant na sa kanya mismo nanggaling ang recipes.  

"Mam mageenroll po sana--" naputol ang sasabihin ko ng mapalingon ako sa side ko kase may pamilyar na boses akong narinig.   At sabi ko na nga ba pamilyar ang boses dahil sila red pala yun kasama si harvey, dale, at gerald. Wala yung leader nila :/  

"Oy red! Dito ka mag aaral?" mukha namang napansin ako ni red at lumapit sya sakin.  

"Oo dito kami mageenroll this year. Ayaw na kasi namin dun sa dati naming school." Tas sumingit sya sa harapan ko at humingi ng form sa registrar. Wow ako po ang pumila -_-   Pero di ko alam kung bakit tila may hinahanap ako. Di ako mapakali sa kaka ikot ng ulo ko eh.  

"Ayyyiiiee! Si alecx oh! Hinahanap si jason!" pang aasar ni harvey tas tinusok tusok nya ko sa tagiliran ko. Sorry sya wala akong kiliti dun -_-  

"Woah bessie. Hinahanap mo talaga si jason? Teka ano nga ba ang kilig moments na namiss ko kagabi except dun sa hinatid ka nya sa bahay ah?" pakikigatong naman ni shella.  

"Che! Magsitigil kayo. Di sya ang hinahanap ko."  

"Sino?" wow choir? Glee? The ballads? Kelangan sabay sabay? Kelangan in tune? -_-#

"Si ano. Si victor! Yung valedictorian ng batch namin." sana naman maniwala sila sa dahilan ko TT_TT *Cross fingers*  

"Alam mo alecx, kung magdadahilan ka, siguraduhin mong di namin nakikita ang cross fingers mo. Napaghahalataan eh." tas na realize ko na sa harap pa pala nila mismo ako nag cross fingers. Bwiset =_=  

"Ah basta! Dyan na nga kayo!" Tas kinausap ko na yung registrar.   Buti naman mabilis lang ang proseso sa pag enroll dito sa zian academy. Buti di mahaba ang pila.  

"Hey, tutal marami naman tayo, Foodtrip tayo. My treat!" sigaw ni shella. Wow, sige na sya na mayaman TT_TT  

"Geh payag kami dyan!" sigaw naman ni dale.   "Tara na! Dali gutom na koooo~~"pakikigatong naman ni harvey.   Ayoko sana kaya nga lang, majority wins. Pumunta kami ng sm mall of asia. Pumunta kami ng savory (Di ko sure kung may savory ba dun xD sa sm san lazaro kase meron eh)  

Umorder si rachelle ng set c, which conist 2 turkey, 2 canton, and 8 bottomless nestea.  

"Uy shella. Bakit naman yung may 8 drinks? Pito lang tayo oh!" pagrereklamo ko. Anu yun magtitira kami ng isa? Take out?

"Edi paghati hatian natin yun. Tsaka alecx take note, anim lang tayo. Wala dito ang amo mo." yikes. Nakalimutan ko yun ah @_@ teka bakit nga ba nabilang ko sa isip ko yung manong na yun?  

"Sorry naman. Ge nah bahala ka na kung tutungain mo lahat ng drinks basta ako, zipped mouth na." tas i zipped my mouth.  

"Alecx, gusto mo ba malaman kung nasan si jason?" Di ko alam kung bakit pero parang bigla akong nabuhayan sa tanong ni dale.  

"Baket nasan ba yung amo ko ha?"  

"Nasa park. May away sya ngayon. Mag isa. That should be a gang war pero sabi nya kaya nya na daw yun mag isa." Natulala ako sa sinabi nya. Away? Mapapahamak ba sya dun? Teka bakit ko nga ba iniisip ang lalaking yun?  

"Dapat tinutulungan nyo sya! Kahit ano pa mang idakdak nya sa inyo dapat tinulungan nyo sya! Teka asan ba ang park na yon ha?" Sasabihin na sana ni dale ang lugar ng pigilan sya ni gerald.  

"Alecx, di ka pwedeng pumunta dun. Masyadong delikado na magpunta mag isa." Bigla kong nasampal si gerald kasabay ng pagtulo ng luha ko.  

"Eh loko ka pala eh! Delikado magpunta mag isa tas si stephen nandon ngayon mag isa?! Eh kung hampasin kaya kita ng isang daang gitara ng malaman mo na nasa panganib ang buhay ng lider nyo ha?!" napatakbo ako ng wala sa oras sa labas ng mall at sumakay ng taxi.

Di ko alam kung saan ako papunta pero ang sabi ko kay manong sa mga alam nyang park sya pumunta. Malay mo matsambahan ko sya.  

Teka bakit nga ba ako nag aalala sa kanya? Diba dapat wala akong pake sa kanya at matuwa ako na nabubugbog sya ngayon dahil yun naman ang gusto kong manyari? Ano tong nararamdaman ko na kaba na baka mamatay sya sa away na yon? Ano nga ba ang nararamdaman ko para sa kanya?

A/N

Hey abby,rox,athena,Alecx and kung sino pang friends konsa cyberfriends xD Mag comment kayo TT_TT

My  Chinito BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon