Alam ni Samantha na kahit kailan hindi siya makikilalang mahusay na football player sa Pilipinas, lalo na't isa syang babae at hindi naman ganun ka big deal sa mga Pinoy ang sport na ito. Pero marahil ito na rin ang nag-udyok sa kanya na magsikap upang balang araw ay sabay sa pagsikat ng sport na soccer ay makilala sya at maging isa sa mga sikat na manlalaro nito dito sa Pilipinas.
Note: Sa mga confused, alam ko hindi naman lahat, pero alam ko ring merong tulad ko na nalilito sa difference between football (soccer) at american football. Soccer po ang tinutukoy ko dito.
I'm not sporty, not at all, nagfefeeling lang...hehehe! Sa mga marunong sa sport na ito sana pagpasensyahan nyo nalang ang mga lapses ko tungkol sa mga technicality ng sport na football.
Matagal na talaga niyang gustong maging isang soccer player... Pangarap na ito ni Sam (mas gusto niya ang Sam masyado kasing 'feminine' ang Samantha) mula noong bata pa sya, minsan na nga syang nagpanggap na lalake makasali lang sa mga batang lalake na naglalaro nito sa school ground nila nong elementary pa sya, pero 'di naglaon nalaman din nilang babae sya dahil sa kapatid niyang si Anthony...
Note: By the way twins pala sila ni Tony (nickname ni Anthony) fraternal twins. Originally older brother dapat sya ni Sam pero para mas cute and interesting twins nalang. Pics nila nasa side →
Kasi lagi sya nitong tinatawag sa full name nya na Samantha. Samantha and Anthony Stonem ang buong pangalan nila. Half British, half Filipino kasi sila.
Note: Sa mga nakapanuod ni UK teen series na 'Skins', Anthony Stonem din po ang pangalan ng isa sa mga lead character doon, pero hindi ko po planong iplagiarize ang story nila at ibang-iba po ito sa story non. Paborito ko lang talaga si Tony at magkaiba rin sila ng ugali ni Tony dito sa story ko maliban sa pagiging clever.^_^
Now back to the story...
Laging nagkukuwaring lalaki si Sam, kaya lagi syang naka cap para maitago ang mahaba niyang buhok. Pero dahil madalas silang magkasama ng kakambal nya nong elementary, nalalaman at nalalaman din ito ng mga kalaro niya, minsan nga e nagkaka-crush pa ang mga ito sa kanya kasi bukod sa maganda at mestisa, hindi pa sya marte di gaya ng iba nilang kaklaseng babae...masyadong maaarte, hindi na man kagandahan. (Haha! Sorry bitter lang talaga ang author.) ~__~
Noong naghayskul na sila ni Tony, kailangang makapasok ni Sam sa girls football team ng isang pribadong eskwelahan para magkaroon sya ng credits kung sakaling papasok sya sa College football. Hindi nga nabigo si Sam sa layuning ito dahil bukod sa pagka-qualify nya sa team ng school nila ay sya pa ang naging ace player ng team nila.
Note: Striker nga pala ang position ni Sam.
At naging dahilan para mag-champion sila sa Nationals. Higit sa College credits, ang dahilan kung bakit nagpupursigi si Sam sa sports na ito ay ang hinahangaan niyang Football legend na si Henry Santiago at ngayon nga ay Coach ng isang football team sa isang sikat na Unibersidad, ang Brentford University; isang high-end international university, na sikat hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Dito balak pumasok ni Sam sa College at maging isa sa mga players ng football team nila.
--Sam's Viewpoint--
"Ahhh...Sammmm...Sammmm..." Napalingon ako at si Tony nang may marinig kaming sumisigaw sa likuran namin.
Nang paglingon si Jess pala, Jessica Day ang buo niyang pangalan, girlfriend sya ni Tony at matalik kong kaibigan. She's a petite girl, 5'3 lang ang height nya hanggang dibdib lang sya ni Tony na 5'10 at ako naman, hangang leeg, 5'8 kasi ako. May bangs din sya which suits her, mukha syang anime character dahil sa full bangs nya paired with her white and flawless skin.
BINABASA MO ANG
My Soccer Dream
RomanceWhat if you have to choose; to be someone else to make it big or to be yourself and be loved for who you are but give up your dreams for the one you love. (Wow English...hahahah! Pero taglish po ang story na ito. Don't worry wala pong magnonose blee...